Chapter 6

918 11 0
                                    



"Hay nako hindi ko talaga alam kung bakit ngayon pa umabsent yun" sabi ko sa sarili na nakayuko. Naka-crossed arms at naka-upo ako siya sa bench. As usual kapag matagal pa matapos recess, tatambay muna sa bench. Kaso nga lang, wala ngayon si Sheena.


"Joyce, huwag ka nang malungkot" rinig ko mula sa isang boses ng isang lalaki. Pamilyar na sa akin ang boses at siguradong hindi ako nagkakamali kung kanino ang may-ari ng boses na iyon. Tumingala ako para tignan kung sino iyon. 


Si Nathan nga.


"Nathan, hindi ba sabi ko iwasan mo na ako?"


"Sa anong dahilan ba? O, ito fishball binili ko sa labas para sayo. Hindi regular class ngayon kaya pinapayagan yung mga estudyanteng lumabas basta huwag lang lalayo" sabay abot sa sa akin.


"Hindi ka mahilig dito diba? Bakit ka pa bumili?"


Actually mahilig talaga ako.


Umupo si Nathan sa tabi ko at binibigay pa rin niya ang fishball. "Tanggapin mo na kasi, Alam kong gusto mo yan" pilit niya habang nilalapit sa akin ang fishball.


"Pati ikaw kakain?" tanong ko. Dalawa kasi ang hawak-hawak niya.


"Ay hindi sayo tong dalawang fishball. Hindi ako nagiging sarcastic ha?" sabi ni Nathan sabay bigay sa dalawang fishball.


"Hala hindi ka nga nagbibiro ha? Sige na nga, salamat" sa wakas ay tinanggap ko na ang dalawang plastic cups na naglalaman ng fishball.


Titig na titig sa akin si Natham habang kumakain ako. Ang weird kaya, hindi ako sanay na may nakatitig habang kumakain ako. Lumayo ako sa kanya ng kaunti at bahagyang tumalikod habang kumakain.


"Ay...sorry sorry" sabi ni Nathan. Nahalata niya yata ang gusto kong ipahiwatig.


Matapos kong kumain ay binigay ko na sa kanya ang basura. "O, dahil ikaw ang bumili ay ikaw ang magtatapon" sabay abot sa kanya.


"Hala, bakit ako? Ikaw umubos-----aishh sige na nga" sagot ni Nathan. Buti na lang hindi na pumalag.


=========


SHEENA's POV

"Saan ba tayo pupunta mom?" tanong ko. Ayaw kasi sagutin ni mommy ang tanong ko kaya paulit-ulit ko ding sinasabi tapos gabi pa kami umalis. Maya-maya ay huminto na ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng bahay. Bahay na hindi pamilyar sa akin. Ngayon ko lang ito nakita.


**KNOCK**KNOCK


Si mommy ay kumatok sa gate nang malakas para sigurong rinig nang may-ari. Habang ito ngayon, wala pa ring alam. Hindi rin nagtagal ay bumukas kaagad ang gate at bumungad sa akin ang isang hindi ko inaasahan na tao. Anong pakay ni mommy dito?

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon