Chapter 2

5K 77 2
                                    



SHEENA's POV


Habang naglalakad kami pabalik ng room ay nakasalubong namin ang kilalang grupo sa school namin, ang 'The 3Gs' na sina Diane Athena Reyes na leader 'daw' sa grupo nila at ang mga sunud-sunuran niyang sina Gina Belmonte at Jane Bernal. Sina ang kilalang matataray at pabida sa buong school.


"Ay, nagkamali yata tayo ng dadaanan. Ayoko ring mahawa sa mga kaartehan ng mga ito" parinig ko sa tatlo nang papalapit na sila. Hinila ko si Joyce para dumaan sa ibang ruta pabalik sa classroom.


"Oh you two again" maarteng sabi ni Diane. Huminto kami sa paglalakad at humarap kami sa kanila. Naka-one sided ang buhok ni Diane at nakataas ang isang kilay nito. Nakapamewang din siya ngunit ang kanang kamay ay nakataas na pang-maarteng style. Sina Gina at Jane ay nasa magkabilang likod ni Diane na naka-crossed arms din. Si Jane nga kumikinang pa yung headband niyang pambata sa ulo niya akala mo grade school. Si Gina naman putok na putok yung labi. Saan ba napulot ni Diane itong mga basurang ito? Maghahanap na nga lang ng sidekick, pangit pa pumili.


Magkapatid kami ni Diane kaya lang ay ampon lamang si Diane kaya naiingit siya sa akin simula noong bata pa kami. Duhh, mas maganda kasi ako sa kanya. Yung mga gamit ko nga ay bigla na lang kinukuha ni Diane o kaya sinisira ito. Nag-aaway din kami madalas.


Nang maghiwalay ang mga magulang namin ay naghiwalay din kami. Ako, kay mommy. Siya, kay daddy. Simula noon, inis na inis pa rin kami sa isa't isa at hindi na magkapatid ang turingan namin kundi isang magkaaway na. Oo nga pala, kaya rin pala Reyes ang apelyido ni Diane ay apelyido iyon ng daddy. So alam niyo na?


"Hmmp, again?" sagot ko. "Ngayon nga lang tayo nagkita sa araw na ito and.... yung last na salubungan is last last week pa" dagdag ko habang umaakto akong binibilang ang mga araw sa kamay ko. Bobo talaga ni Diane.


"Ahh...ano.. malapit nang matapos yung recess, siguro kailangan na nating bumalik sa kanya-kanyang classrooms" sabi ni Joyce. Gusto talaga ni Bestie na lumayo na sa gulo tsaka sinabihan na nga ako ni mommy na lumayo na lang sa 'KaPAtiD' at kay daddy pero kapag tinatanong ko si mommy tungkol sa dahilan ay hindi man lang niya sinasabi.


"Hmm, matagal pa naman eh" sabay check ni Diane sa relo. "We can talk pa naman to each other about sa atin or sa anong gusto niyong topic, especially with my SISTER" sabi ni Diane at nang sabihin niya ang salitang 'sister' nagroll ang eyes nito.



"Hay nako Diane, kung gusto mong dumaan dito, dumaan ka nalang okay? Tumigil ka nalang o kaya naman...naiingit ka lang sa akin. Buti nga sa second name natin nag-shashare tayo eh. Buti naman hindi ka naging selfish doon. Buti naman na hindi mo ako inaaway dahil doon" sagot ko. "O dahil...... matalino ako at yang utak mo ay walang laman tapos nilalangaw pa" sabi ko. "Puro kasi kaartehan ang inaatupag. Tsk...tsk..tsk" dinagdagan ko pa pero hininaan ko lang ang pagkasabi.



"What did you say?" inis na sabi ni Diane at parang unti-unti nang may lumalabas na apoy sa ulo nito na parang handa na rin akong sugurin. 



"Bakit totoo naman ah!" sabi ko.


Susugurin na sana ako ni Diane ngunit pinigilan sila ng kaibigan niya.



"Diane stop tama na. May ibang pa namang araw with these freaking girls" awat ni Gina.



"Grr.. Fine, tara na girls lets go back to our classroom at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko diyan" umalis na ang tatlong babae.



"Lets go Bestie" sabi ko at bumalik na sila sa classroom nila.



"Sa susunod alam mo Sheena huwag ka nang makipag-away doon. Lalaki lang ang gulo" payo ni Joyce habang naglalakad sila.


"Eh hindi ko mapigilan eh. Anong magagawa ko??"



=====


JOYCE's POV


"Class dismiss" 


"Bestie hindi kita makakasabay hanggang sa bahay niyo kasi may mga gagawin pa kami ni mommy sa bahay" sabi sa akin ni Sheena.


"Ah sige, ingat"


"Thank you bestie!"


 Nagkahiwalay na kami ni Sheena pagkalabas ng room. May inayos na ako sa bag ko habang siya naman ay lumabas na. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ako at siniguradong wala akong naiwan na gamit sa room lalo na ang mga books para sa assignment na ipinapagawa sa amin. Ang mga classrooms sa palapag namin ay wala nang tao dahil kanina pa ang dismissal. Ako na rin ang huling taong naiwan sa room namin. Inshort, ako na lang ang tao sa palapag na ito.


Habang naglalakad ako sa hallway at inaayos ang books na dala-dala ko sa hawak ng aking mga braso ay biglang may nakabunggo ako na sing-tigas ng pader.


"I-I'm sorry" sambit ng isang boses lalaki. Lumuhod ito at nililigpit ang mga librong nahulog sa pagkakabunggo sa akin. Ano bang ginagawa mo Joyce? Bakit nakatayo ka nalang?


Nang lumuhod ako ay wala na akong napulot na libro dahil napulot na niya lahat. "Tehee" ang tanging sambit ko lamang. Tumingala ako at tumayo. Shemss, ang gwapo. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, mukhang malinis sa katawan. Buti naman. Mukhang mayaman ang dating. Anak-mayaman siguro ito. Hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga physical features niya dahil kapag sinabi kong perpekto na ang itsura niya, perpekto na talaga.


Pero..... iba ang school uniform niya kumpara sa school uniform namin. Bakit siya nandito kung taga-ibang school naman pala siya?


"Sorry talaga" sabi ng lalaki.


"Ahh oo...s-salamat" sabi ko. Matapos kong sabihin iyon, ngumiti ang lalaki nang walang nakalabas na ngipin at umalis na ang lalaki. Sinundan ko na lamang ito ng tingin habang pababa ito ng hagdan. Binilisan ko tuloy ang pagbaba din ng hagdan upang mahabol siya. Wala lang trip ko lang na habulin siya ngunit wala na siya. Kakababa lang niya ah? Bakit wala na agad?



She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon