Chapter 5

4.6K 86 32
                                    


Naka-upo kami ni Sheena sa bench ngayon dahil recess pa naman. Maaga namin natapos ang subject kaya maaga din kami natapos kumain kaya tumambay muna kami dito. 


"Alam mo ba Sheena?" panimula ko. Kanina pa kami nag-iisip ng kung ano ang pag-uusapan kaya ngayon lang nabasag ang katahimikan.


"Syempre hindi" 


"Ano ba Sheena! Seryoso kasiii. Ganito kasi si------"


"Teka lang Joyce, naiihi lang ako. Sandali lang" putol ni Sheena sa akin. Kainis talaga itong babaeng ito. Tumayo si Sheena sa kinauupuan at naiwan ako mag-isa.


Wala pa si Sheena pero nakita ko kaagad ang '3Gs' na papunta sa akin ngunit wala si Diane. Akala ko ba sandali lang si Sheena pero bakit ang tagal? Naunahan pa siya nina Jane at Gina sa pagpunta sa akin. Ano kaya gagawin nila sa akin?


"Oh hi Joyce. Nasaan nga pala ang Sheena na bruha?" mataray na sabi ni Jane.


"Bakit mo siya hinahanap? Tsaka nasaan si Diane?"


"ErRrRr nevermind hindi mo naman yata alam" Tumalikod na si Jane na nag-eye roll at si Gina. Aalis na sana sila ngunit humarap ulit si Jane sa sa akin. Lumingon ito ulit. "And actually I forgot! I saw you and Nathan along the streets I wish sana layuan mo siya dahil sa akin lang siya"


"Don't worry hindi ko naman aagawin sayo si Nathan. Magkaibigan lang kami" sabi ni Joyce sabay ngiti. Sakto naman ay dumating si Sheena.


"Hoy mga bruha umalis na kayo at baka makatikim pa kayo sa akin ng malakas na suntok" sabi ni Sheena sa dalawa. "Ikaw naman Gina, baka mahigop ko yung taba mo sa pisngi mo" 


Umalis naman sila at hinayaan na sila.


========


"Sheena....." tawag ko.


"Uy bakit?" sabi niya nang lumingon siya.


"Mauna ka na kasi... may pupuntahan pa ako"


"Samahan na kita. Alam mo maraming loko loko dito eh"


"Nako huwag na kayo ko sila. Umalis ka na" sabi ko sabay tulak palayo kay Sheena. Buti na lang at pumayag din sa wakas si Sheena at nauna nang umuwi.


Nang pupunta sana ako sa ibang direksyon ay muntikan na akong napatili dahil may nagtakip ng bibig ko. Parang kamay ng lalaki ang nagtakip sa bibig ko. Tumingala ako at nakita ko si...


"M-Marco?" hindi malinaw na sabi ko. Nakatakip pa kasi ang bibig niya kaya hindi ko masabi ng malinaw. Bigla naman kasing nagpapakita si Marco eh. Agad naman niyang tinanggal ang pagkatakip sa bibig ko nang nagsalita ko. Nandiri siguro.


"Ano ba kailangan mo?" tanong ko. "Tsaka bakit parang ang lamig ng kamay mo? Kakalabas mo lang ba sa aircon?"

"Oo... I mean hindi..... I mean oo kasi... Yung bahay namin may aircon"


"Ahh so malapit lang bahay niyo rito?"


"Hindi naman......."


"Bakit ka nandito?" pag-iba ko ng topic. Like, ang weird kasi ang lamig talaga. 


"May..... pupuntahan kasi ako" sabi ni Marco sabay kamot batok. "Tsaka gusto na rin kita makita"


Tigil Joyce, tigil... 


 "Ah sige alis ka na"


"Ha? Kaagad?"


"Oo. Diba sabi mo may pupuntahan ka?"


"Joyce!" may narinig akong boses mula sa malayo. Boses lalaki. Tumingin ako sa direksyong iyon at nakita ko si Nathan na papalapit sa akin. Tumingin ulit kay Marco.


"Sige aalis na ako" paalam nito.


"Sige ingat ka Marco ah?" paalam ko at humarap na ako kung saan papunta sa Nathan.


"Hey Joyce" sabi ni Nathan nang nakalapit na siya.


"Nathan sakto naman nagkasalubong tayo"


Tumingin si Nathan sa wrist ko at napangiti. "So suot mo pa pala ang watch na binigay ko sayo?"


"Siyempre naman regalo mo kaya ito" sabay ngiti ko at hawak sa relo. "Tsaka Nathan sana iwasan mo muna ako" sabi ko at bigla akong sumeryoso. Naalala ko kasi ang sinabi ni Jane. Ayoko rin ng gulo kaya agad na akong lalayo.


"Bakit naman?" nagtatakang tanong nito.


"Basta, sige aalis na ako. Ingat ka" at tumalikod na ako.


Whewww....

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon