Chapter 1

10.7K 167 20
                                    


"GrgHHgh!" sambit ko upang maipahayag ang inis sa bwisit sa alarm clock. Natutulong ako ng mahimbing at naglalakbay sa magagandang mga tanawin tapos gigisingin ako? Tulog na tulog ako sa malambot na kama ko tapos may panira?


"Aishhh.. Kainis!" inis na sabi ko habang mapikit pikit pa ang mata na puno pa ng muta. Dahil din sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ay hindi rin talaga maibukas pa ng tuluyan ang aking mga mata. Napindot ko sa wakas ang alarm clock sa pagkapa-kapa upang tumigil ito sa pagtunog at humiga ulit sa kama. Gusto ko pang kumpletuhin yung 8 hours sleep ko!!


Wait.....teka....mukhang may nakakalimutan ako??


"May pasok nga pala!!!"


Dali-dali akong tumayo at sumasama pa ang kumot sa paa ko para pumunta sa C.R. Ginawa ko ang aking daily routine. Pagkalabas ko ng C.R habang pinapatuyo ang buhok kong hindi gaanong kahabaan ay nakita ko ang uniporme kong nakasabit sa upuan. Sinuot ko kaagad ang uniform ko. Alam kong nakaplantsa na iyon dahil tuwing bago umalis si mama papunta sa trabaho ay inihahanda na niya iyon.


Lumabas ako sa kwarto at bumaba ng hagdan na kumpleto na ang dala-dala at maayos na din ang itsura. Nakita ko si ate Kat na kumakain sa hapag-kainan. Graduate na si ate Kat at ako na lang ang pinapaaral ni mama dahil kaming dalawa lamang ang magkakapatid. Wala na si papa noong 3 years old pa lamang ako dahil sa car accident kaya hanggang sa picture ko lamang siya nakikita. Dati na rin niyang natanong si mama tungkol sa naramdaman niyang sinapit ni papa. Syempre masakit man tanggapin sa una ay lilipas din iyon kapag natanggap mo na ang nangyari at nasanay ka na dahil imposible din naman siyang bumalik at mabuhay ulit.


"Oh buti nagising ka akala ko habambuhay ka na hindi magigising eh" sabi ni ate habang sumusubo ng isang tumpok na kanin.


"Bakit hindi mo ako ginising?!" Inis na sabi ko habang padabog na kinuha at nilapag ang plato, kutsara at tinidor. Painis din akong kumuha ng kaunting kanin.


"Ganda kasi ng tulog mo tsaka muhang maganda yung panaginip mo kaya ayoko sanang gambalain kita kasi nagsasalita ka pa nga eh" sabay ngisi. Tinignan naman si ate Kat ng masama. Nagsasalita pa pala ako nun?


"Sige aalis na ako ate. Ayoko na ng kalokohan mo" paalam ko at iniwan ang pinagkainan sa lababo.


"Sige ingat ka ha oh ito baon mo" sabi ni Kat sabay bigay kay Joyce ang baunan.


"Siguraduhing mong masarap itong baon ko ah?!"


"Tsk, ako pa" pagmamayabang ng surot na ito.


"Sige salamat te" at lumabas na ng bahay at tumakbo papunta sa school. Malapit lang naman kasi ang school sa bahay namin tsaka mas okay din ang paglakad para exercise na din at para tipid na din sa pera.


Pagpasok ko ng school, nakakita kaagad ako ng kitikiti, si Sheena. Sheena Athena Sanchez, kaibigan ko. May kaputian ang balat, maiksi buhok, may pagka-chinita ang lookos pero purong Pilipino yan at kasing-height ko ng kaunti. Palaging naghahanap ng gwapo sa school o kahit saan. Kahit nga may jowa na eh pero crush lang naman, hindi naman aagawin. Bestie tawagan namin kahit cringey para sa akin. Wala eh pinilit niya kahit ayaw ko kaya ayun.


"Bestie!!" sabay sigaw ni Bestie Sheena at tumakbo papunta sa akin. Niyakap pa ako ng mahigpit na parang mahigit 10 taong hindi nagkita eh tuwing weekends lang naman kami hindi nakikita.


"Bestie, kamusta ka na? Matagal na kitang hindi nakikita!" sabi ni Sheena. Grrrr.


"Hoy, Friday lang tayo last na nagkita" sabi ko sabay batok sa kanya ng mahina. "By the way, okay lang naman ako" sabi ko at biglang nag-change ang mood ko into a crazy friend katulad niya at tumalon-talon sa tuwa.


"Pakopyahin mo na rin nga pala ako ng assignment ha?" bulong ni Sheena. Napatingin naman si Joyce dahil dito.


"Sige ibahin mo lang ng konti ha?" sagot ko.


Nang nagbell ay hudyat na ito na magsisimula na ang klase kaya dumeretso na kami sa classroom namin katulad din ng ibang mga estudyante.


----


"Morning" bati ng guro.


"Goooodddd Moorninggggg sirrrrrrr" bati naman namin.


"Kunin niyo ang book niyo at sagutan ang page 51. May gagawin lang ako sa faculty" sabi ng guro at agad na lumabas sa classroom.


"Ano ba naman yan, magpapasagot eh hindi naman nagtuturo" bulong ni Sheena na rinig ko kahit nasa -harapan ko siya at nasa center aisle.


----


Tapos na ang subject bago mag-recess kaya agad na nagsilabasan ang ibang estudyante mula sa mga classroom pagkatapos naming magpray.


Sandali pa lamang ang recess pero puno na ang mga pwesto. Buti na lang sa paghahanap ay may umalis na isa at kami ang pumalit na umupo doon.


"Bestie, pumasok na ba sa isipan mo na magsumubok jumowa?" biglang tanong ni Sheena sa akin.


"Bakit mo naman natanong?"


"Wala lang"


"Kusa naman darating yung taong para sa iyo"

"Syempre din naman sa pag-boboyfriend ay minsan nakakatulong din iyon para mapalapit ka sa taong nakatadhana para sa iyo. Kumbaga parang kailangan mo ring kumilos tsaka marami ka ding matututunan at ma-eexperience para sa pagdating ng nakatadhana sa iyo ay alam mo na ang dapat gawin dahil natuto ka na sa past relationships mo"


"Eh minsan naman ay sa kakahanap mo ay lalo kang napapalayo ka sa tamang taong nakatadhana sayo dahil nagiging tanga ka sa pag-ibig at hindi mo alam ay nandyan na sa tabi mo sa binabalewala mo pa o kaya mas pinipili mo pa yung taong pinipilit mong siya na talaga eh loko-loko naman duhh" sabi ko. "Tsaka minsan mas maganda kung uunahin muna yung sarili mo o yung dreams mo para at the end, successful ka na, may matino pang nagmamahal sa'yo"


"Alam mo---"


"Alam mo? Ang dami mong alam"


"Che" sagot niya sabay tayo upang bumili ngkakainin.

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon