Nagmamadali sa pag-susuklay si Khloe dahil ma le-late na sya sa klase..Pinapa- madali na sya ng kanyang nanay Cecille o madalas nyang tawaging mamay dahil limang minuto na lamang at mag uumpisa na ang kanyang klase.Sa labas ay may makulit na katok ng katok sa gate at sya naman si Chris- ang matalik na kaibigan ni Khloe.
Pareho silang nasa grade six pa lang at kasalukuyang nasa probinsya. Simula ng mga bata pa sila ay sila na ang magksundo dahil sa kanilang edad at magka lapit lamang sila ng bahay.Si Khloe ay pinanganak ng may kaya ang pamilya. Pero si Chris ay pinanganak ng mayaman dahil ang kanilang angkan ay puro mga professionals ang karera.Pero hindi nila iniisip ang kanilang mga estado sa buhay ang mahalaga ay magkasundo sila at masaya silang nag-kukulitan sa tuwing magkasama silang dalawa.
"Yan, late na naman tayo, puro ka kasi basa ng libro eh!.", sabi ni Chris.
"Hehehe...Sorry na man..at least natapos ko na yung binabasa kong Harry Potter!.." sagot ni Khloe.
"Basa ka ng basa dyan eh, nagawa mo na ba yung assignment natin sa English?" tanong ni Chris.
"Huh!...Oo naman!..Ako pa?!..Basta assignment inuuna ko muna bago ko gumawa ng extra curricular activities ko!!..hahahaha!!..eh ikaw nga pala?" tanong ni Khloe.
"Hah!...Anong kala mu saken!!..Syempre.....Wala!!..hahaha!..Kaya nga sumabay ulit ako sayo eh para maka-kopya?!..hahaha!!..JOKE!!! " pang-aasar ni Chris.
"Ah ganon!!..Nakikita ko na si Ma'am Cortez oh..Susumbong kita..........Nangongopya ka lagi sakin...." pabirong sagot ni Khloe.
"Hahaha joke lang!!..to naman di mabiro!..Hahahahah!!" sagot ni Chris.
At patuloy na nagkulitan ang dalawang magkaibigan.
To be continued on Chapter 2..