Laging naka-tulala si Chris.Kapag nakikita nya si Khloe ay nahihiya naman sya.
Nagtataka na ngayon si Khloe kung bakit nagka-ganun ang matalik na kaibigan,miski ang mga texts ay minsan na lamang siya sagutin.Kapag napapadaan din siya sa bahay nito,palaging wala ang sinasagot ng katulong.Ang hindi niya alam ay umiiwas si Chris dahil hindi na pang-kaibigan ang tingin nito para sa kanya at kino-kontrol nya ito para hindi masira ang kanilang magandang pagsasamahan.
"Kamusta na kaya si Khloe." tanong ni Chris kina JV at Renz na nag-iinuman sa isang bar.
"Pre..bat mo naman kasi ginagawa to..Eh malamang napapa-isip nyan si Khloe kung bakit mo sya iniiwasan!" sagot ni Renz.
Nakatulala lang si Chris.
"Hmp!..yaan m na!..hehe!..Mas gusto ko na mag-kaibigan lang kami..Ok naman kami kaso nga lang nung nag-laylo ako..hindi na kami yung ganung ka-close." sagot ni Chris.
"Huh!!!..Pre..kung ayaw mo ligawan..ako liligaw don sige ka?!" Sabi ni JV.
Nabigla si Chris.
"AH..OO BA!..Sige pre!..pormahan mo na!!..Ok lang sakin!" balisang sagot ni Chris.
"Sure ka ok lang sayo?!!...Hahahah!!..Sige pre!!..Salamat ha!!" sabi ni JV.
"Deal!.No problem pre!..Hehe.." sagot ni Chris. (pero deep inside nasasaktan)
"Nga pala...sa Tuesday na ang flight ko..Pinapa-punta ako ni Dad sa California." paalam ni Chris.
"Oh..Bat biglaan..hanggang kailan ka dun?" sabi ni JV.
"Hmmm..ngayung buong bakasyon mga pre'..or baka mag-extend?..Ewan!..depende kila Dad." sagot ni Chris.
"Well pre'..Have a nice trip na lang!..Kaya pala nagpa-inom ka ngayon ah!..Hahahaha" banat ni Renz.
Nagtawanan ang mag-kakaibigan at nagsaya buong gabi.
To be continued on Chapter 9.....
