Lumipas ang ilang linggo, palaging mag-kasama sina JV at Khloe. Palaging niyayaya ni JV ang kaibigan na lumabas at pabor naman it okay Khloe dahil nag-eenjoy na din siyang kasama si JV. Hanggang isang araw,..
"Hey Khloe!..Sunduin ulit kita bukas ha?..Punta tayo sa Resthouse namin sa Tagaytay.Ok?Hehehe!!" text ni JV.
"Oh..aalis na naman tayo?Hehehe..kaw ah..Mahilig ka talaga sa gala! " reply ni Khloe
"Hindi naman, gusto lang talaga kita makasama palagi." reply din ni JV
"Asus..nam-bola ka na naman." reply ni Khloe
"Ngek.Khloe.. kelan naman kita binola.Alam mo naman na totoo lahat ng sinasabi ko sayo."reply ni JV
" :-) " reply ni Khloe.
"Miss na kita Khloe.." text ni JV
"Miss?.Lagi na nga tayong magkasama!.Hehehe!" reply ni Khloe
"Syempre.Every minute na hindi kita kasama namimiss na kita kaagad. ;-) " reply ni JV
"Oh sya sya..Sige na..Text ka na lang bukas. Goodnight JV!" reply ni Khloe.
"Goodnight din Khloe.I'll wait for you !" last reply ni JV
Kinabukasan.
Nasa hapag-kainan ang mag-inang si Khloe at ang kanyang mamay upang kumain ng tanghalian.
"Anak..damihan mo ang kinakain mo.Para tumaba-taba ka naman." pabirong sabi ng mamay ni Khloe.
"Opo may..Marami naman akong kumain ah.Talagang payatin lang talaga ako!Hahahaha!" sabi ni Khloe.
"Nga pala,kamusta na kayo ni JV.Mukhang nagkaka-mabutihan na kayo ha." biro ng kanyang mamay
"Hehe.mamay talaga.Friends lang po kami nun."sagot ni Khloe
"Talaga lang ha. ;-)......Eh si Chris pala.Anu na ba ang balita doon?.Mukhang busy na sa Amerika ah." sabi ng kanyang mamay.
"Hay.No comment ako jan may.Sa facebook din kasi o sa e-mail eh wla man lang update.Ewan ba dun!" sabi ni Khloe
"Hmmmmmm..miss mo na ba sya?...ayiieee." biro ulit ng mamay nya
"Halah..si mamay oh!..hmmmmm......pero syempre opo..Miss ko na yung dating kami." sabi ni Khloe
"Dating kayo?.Bakit ano nangyari?" tanong ng kanyang mamay
"Hay naku may.Mahabang storya." sabi ni Khloe.
"Ayusin nyo yang problema nyo ha?.Parang wala naman kayong pinag-samahan ni Chris nyan.." payo ng mamay nya
Tumahimik lang si Khloe.
"Hindi ko alam may.Wala naman akong ginagawa eh.bigla na lang syang nag-bago." sabi ni Khloe.
"Kaya nga ayusin nyo anak habang maaga pa...............Nga pala ang alam next week alam ko uuwi na sya eh.Naka-kwentuhan ko kasi yung yaya nya nung isang araw." sabi ng kanyang mamay
Kinabahan si Khloe bigla.Hindi nya alam kung bakit.
"Ah ganun po ba.Ok.Salamat po mamay." biglang tahimik ulit ni Khloe.
Tinitigan sya ng kanyang mamay.
"Andidito lang anak si mamay ha?.Share mo lang kung ano ang gusto mong pag-usapan natin.Ok?" nakangiting sabi ng kanyang mamay at niyakap ang anak na si Khloe.
"Of course may.Thank you.!" biglang halik sa kanyang mamay
"Nga pala may, mamaya pupunta daw po kami sa Resthouse nila JV." paalam ni Khloe
"Ayyiieee.......Oh sige anak.Basta ba ipangako mo na palagi kang mag-iingat eh?"sagot ng kanyang mamay.
"Talagang may pang-aasar pang kasama may ha..hehehe..Ok po mamay!! Thank you!!" sabi ni Khloe
Kinagabihan.
Isang oras bago ang lakad nila Khloe at JV.May naramdamang kakaiba si Khloe pag-katapos magbihis.
"Aray..." bulong ni Khloe at sabay kapit sa kanyang ulo.
Hindi nya muna ito pinansin.Ngunit pag-katapos ng ilang segundo.Naramdaman na naman niya ito at lalo pang sumakit.
"Arrraaaaaaay!!!!!Ang sakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiittt!!!!!!!!!!" bulong ni Khloe na napahiga na sa lapag dahil sa kanyang nararamdaman.Tumutulo na din ang kanyang mga luha sa sakit.
Hindi sya maka-sigaw dahil ayaw nyang malaman ng kanyang mamay kung ano ang nangyayari.
To be continued on Chapter 12...