Chapter 12

235 8 6
                                    

Pagmulat ni Khloe ng kanyang mga mata.Na-aninag niya ang dalawang tao sa paligid ng kanyang kwarto.Isang babae at isang lalaki.

Pinikit niyang muli ang kanyang mga mata at iniisip na sana ang matalik niyang kaibigan na si Chris ang isang lalaking iyon.Bigla siyang napaluha dahil naalala niya na simula nung bata pa sila,kapag nagkaka-sakit siya ay dalawang tao lang ang nag-babantay sa kanya.Ang kanyang mamay at si Chris.

Muli niyang minulat ang kanyang mga mata.Malinaw na ito at nakita niya ang kanyang mamay at si JV na naka-upo malapit sa kanyang hinihigaan.

"Anak!!!..Ok ka na ba?!.Tatawag na ako ng Doktor. Ano ba kasi ang nagyari sayo? Nakita na lang kita na naka-higa sa lapag at walang malay!" bungad ng kanyang mamay.

"Oo nga.Nung nagpunta ako dito kagabi para sunduin ka,nakita ko nalang ang mamay mo na binubuhat ka na papunta sa kama mo." dagdag ni JV.

Napaisip si Khloe.Ano nga ba ang nangyari sa kanya nung gabi.Naalala niya na sobrang sakit ng ulo niya na parang pinupukpok ng kung anu mang mabigat na bagay.Ngunit naisip niya na huwag nang sabihin ito at dinaan na lamang sa biro.

"Ay naku mamay!!.Huwag na kayong tumawag ng Doktor.Hindi na kailangan.Ok na po ako.Sobrang pagod lang siguro.Kaya nakatulog na ako.Tsaka gusto ko lang talaga na mag-pabuhat sayo may!!..Joke!!Hahahaha!!" sagot n Khloe

"Sigurado ka anak?!..Tumawag na tayo para ma-check up ka din." sabi ni mamay.

"May'..............sabi ng ok nga lang po ako....diba JV?..gagala pa nga kami nito eh" pabirong sagot ni Khloe.

"Oh sige anak ha,uli-uli pag may masama kang nararamdaman,sabihin lang kay mamay ha." sabi ng kanyang mamay

"Hehehe..ok may!..Don't worry bout me.Ok lang talaga ako!..Gusto nyo sayawan ko pa kayo?!Hahaha" pabirong sabi ni Khloe at ngumiti ang kanyang mamay at si JV.

"O sige.Ikaw ang bahala.Basta sinabihan na kita ha.Oh kukunan ko na muna kayo ng soup sa baba.JV samahan mo na muna sya dito ha" sabi ni mamay

"Ok po tita." sagot ni JV

"Yes mamay..salamat po ha!!Mwa!!" pahabol ni Khloe.

"Ok ka na ba talaga.Pina-kaba mo kami dun ha." sabi ni JV

"Hehe..oo nga.Ok lang ako.Anywei salamat JV ha.Pasensya na hindi tayo natuloy dahil sakin.Bakit nga ba hindi ka pa tumuloy?" tanong ni Khloe.

"Kung wala ka lang din, hindi na din syempre ako sasama.Hehe.Sinabi ko na kila Lucas and mom." sagot ni JV.

"Asus!!..kaw talaga.." biro ni Khloe.

"Pag-ok ka na pwede na ba tayong matuloy pag-punta doon?" ngiting sabi ni JV

"Sure..kaw pa?hehe." muling biro ni Khloe.

Maya-maya........Kinapitan ni JV ang kamay ni Khloe.

Nagulat ang dalaga..

"Khloe...may sasabihin sana ko sayo." sabi ni JV

"A'..ano yon JV??!" tanong ni Khloe.

"Ahhh..kasi'............. " naputol na sabi ni JV

Biglang kumatok ang mamay ni Khloe na may dalang soup.Agad na tumakbo si JV para tulungan ang matanda.

"Oh kain na muna kayo habang mainit pa itong soup!" sabi ni mamay

"Thank you poh...." nag-kasabay ang dalawa at nag-katinginan,at nag-ngitian.

Pag-kakain ay umuwi na din si JV at nangako na ipag-papatuloy ang kanilang nabitin na usapan sa pag-balik niya.At upang makapag-pahinga na ulit si Khloe.

Kinabukasan.Gumising si Khloe at bumaba para mag-almusal.Nag-iwan ng note sa kanyang lamesa ang mamay niya na nag-paalam na aalis muna siya saglit at pina-alahanan na kumain na si Khloe at huwag kalimutan uminom ng gamot.

Habang bumababa si Khloe ng hagdanan,may napansin siyang kulay pink na bouquet of flowers sa kanilang sofa.

"Grabe naman tong si JV.Parang sasaglit lang kami nag-kahiwalay,flowers kaagad!" naka-ngiting sabi ni Khloe sa sarili.

Ngumiti siya sa ganda ng boquet na nakita nya.May nakita siyang card at may nakasulat na:

"How are you Khloe?.Pagaling ka ha?!.See you soon! ;-)"

Nagulat siya sa nakita niya na ang nakalagay sa dulo ay ang pangalan ni

Chris.

To be continued on Chapter 13...

"Love Is---------?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon