Monday morning. Nag- text si Renz kay Khloe. Kinamusta nya ito. At nabanggit na aalis na si Chris kinabukasan.
"Sasama ka ba sa paghatid bukas kay Chris?" text ni Renz.
"Huh?..hindi..bakit?..San sya pupunta?" reply ni Khloe.
"Ahy kala ko alam mo na..Punta sya sa California..Bukas ang flight nya." reply ni Renz.
"Ahh ganun ba.well.hindi ko alam yan,ngayon lang,buti nasabi mo. ni hindi nya na nga ako masyadong kinakausap di gaya nung dati.Anywei, Salamat Renz ha" reply ni Khloe.
"No problem Khloe.Ingat palagi!" last reply ni Renz.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa sa text. Biglang nalungkot si Khloe.
"Hay..bakit nga ba naging malamig na kami sa isa't isa ni Chris.Ah Ewan!! " sabi ni Khloe sa sarili.
Kinagabihan.Naisipan ni Khloe na puntahan sa bahay si Chris dahil sigurado siya na nandun lang yun at para makapag-usap na din sila.
Kumatok si Khloe.
Pag-bukas ng pinto, dumungaw sa kanya si Chris.
"Hey...napa-dalaw ka..anung aten?!..Tara pasok, dun tayo sa loob." gulat na sabi ni Chris.
Nag-punta sa garden ang dalawa at doon nag-usap.
"Hmm.....Chris..May problema ba tayo." malungkot na tanong ni Khloe.
"Hah...wwwwala naman.Bakit mo naman naitanong yan?" sagot ni Chris.
"Wala lang..kasi naninibago na ako sayo.Hindi ka na gaya ng dati" sabi ni Khloe.
"Ahh..pasensya na Khloe ha..medyo busy lang.Gaya nyan bukas.............., " napatigil bigla si Chris.
"Ano bukas." kunwari'y da pa alam ni Khloe.
".........................Bukas flight ko papuntang Amerika.Pinapupunta ako ni Dad.Pero just for this vacation lang." hindi makatingin si Chris kay Khloe.
Tumahimik ang kapaligiran.
"Alam mo Chris ni hindi ko nga talaga alam kung bakit nanlamig ka sakin..Sa samahan nating dalawa.....Hindi naman tayo ganito dati diba?.Ngayon lang kita naka-usap ng matino.Buti pa sila Renz sinabihan mo na aalis ka.Ako na matalik mong kaibigan,mas nahuli pang maka-alam.At kay Renz ko pa nalaman.Anu ba nangyayari Chris." tanong ni Khloe.
Hindi maka-tingin si Chris sa mga mata ni Khloe.Hindi nya din alam kung ano ang isasagot.Kinakabahan.
"Sige.Tapos ganyan ka pa.Hindi ka pa sumasagot.Hay.....................Sige.Ingat ka na lang sa byahe mo bukas ha.Bye!"paalam ni Khloe.
Palakad na sana si Khloe ng biglang pinigilan siya ni Chris.Hinarap nya sa kanyang muka at nakatingin sa mga mata ni Khloe.
"Look Khloe.Hindi ko din alam kung bakit ako nag-kakaganito.Hindi ko pa din alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong mo sakin.(napa-tigil)..Basta Khloe.hintayin mo ako pag-balik ko siguro handa na rin akong ipaliwanag kung ano nangyayari sa sarili ko.Maski ngayon naguguluhan padin ako." paliwanag ni Chris.
Napapa-iling na lang si Khloe.
"Please Khloe.I'm sorry na talaga.Please.Hintayin mo ako." paki-usap ni Chris.
Napaisip si Khloe.Naguguluhan din at wari'y di din maintindihan ang mga sinasabi ng kaibigan.Umiiling.Maya-maya ay ngumungiti na.
"Sige.Maski hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin..pag-bibigyan kita.Mag-bakasyon ka na nga lang muna kasama sila tito." pangiting sabi ni Khloe.
"Salamat Khloe.Forgive me sa mga inasal ko lately." pangiting sagot din ni Chris.
Nag-ring ang phone ni Khloe.Nag-text na ang mamay nya.
"Oh sige na.Ingat ka na lang pag-punta mo doon ah.Hinahanap na ako ni mamay.......Bye. " naka-ngiting paalam ni Kloe.
Habang nag-lalakad si Khloe palabas ng gate.........................
"Khloe!!!....."Sigaw ni Chris.
Napa-tingin si Khloe.
"Jamming ulit tayo pag-balik ko!..Miss na kita eh!" pabirong sabi ni Chris.
"Oo naman.andito lang naman ako. :) .Basta ayusin mo na muna yang sarili mo.Hindi rin kasi kita maintindihan eh" sabi ni Khloe.
"Thanks.Hintayin mo ako Khloe." huling sabi ni Chris para sa kaibigan.
Tumango lang so Khloe ng naka-ngiti.
"Nice Chris.Tanga mo talaga.Tsk Tsk Tsk!!" bulong ni Chris sa sarili.
To be continued on Chapter 10.....
