Kath's POV
"I..... I agree Mr. Lim"
"Good. The day after tomorrow there would be an engagement party. Both of you need to be ready for that. And both of you need to be engage. And both of you need to break up with your boyfriend and girlfriend ASAP. Good day I'll prepare the hotel for the engagement party" sabi ni Mr. Lim at umalis na
"I need to go Kath. 'wag ka mag-alala. Aayusin natin 'to. Tatakasan natin si dad." sabi niya
Tumango lang ako, tumayo ako agad at nagmadaling lumabas papunta sa kotse ko. Bakit ganon?? Ayaw niyo bang maging kami author? Pinaghihiwalay niyo kami eh. Dagdag problema naman 'to! Hindi ko pa nga naayos 'yung saming pamilya eh!
Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar 'yon ng mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala akong pakielam basta ang alam ko lang nahihirapan ako sa sitwasyon ko huminto muna ako at napadpad ako sa park na lagi naming pinupuntahan ni Asul..
Flashback
"Hoy Asul!" sigaw ko
"Haha! Ang bagal mo!" sigaw niya
"Eh? Ang bilis mo kase! " sigaw ko
Nandito kami sa park, guess what kung ano ginagawa namin? Edi nagtatakbuhan! Naghahabulan!
Tumakbo ako papunta sakanya at nagsimula kaming maghabulan ulit. Hanggang sa napagod kami.
*Bell*
"Ice cream!" sigaw namin
Bumili kami ng dalawang cookies and cream at kinain namin 'yon..
Naglakad kami, inakbayan niya ako. Pinagtitinginan kami dito nang mga tao at 'yung iba masama ang tingin sakin.
Habang naglalakad kami at habang nakaakbay siya sakin huminto kami at tumingin siya sakin kaya napatingin ako sakanya
"May dumi" sabi niya
"Ha?"
Hinawakan niya 'yung baba ko at may tinanggal siya. Hala ice cream XD tapos napatitig siya sakin.
"Meron pa?" tanong ko
"Oo meron pa" sabi niya at ngumisi ng nakakaloko
Hinawakan niya 'yung baba ko at bigla niya akong nilapit sakanya. Nakayakap na ako sakanya at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako. Ang daming nakatingin na tao samin at halatang kilig na kilig at 'yung iba hindi maipinta sa mukha ang pagkainis. Bleehh hanggang tingin na lang kayo. Napapikit ako habang hinahalikan niya ako ang soft nang labi niya sheeettee. Nakahawak ako sa batok niya habang siya naman sa bewang ko at unti unti kaming kumalas..
"Ayiiee!!" sigaw ng mga tao
"Ang sweet ni kuya!"
"Ang sweet nila shet!"
"Lam poreber" rinig kong sabi nang isa
"Ay ang bitter ni ate lam poreber daw" sabi nung isa
"Baka heartbroken" sabi naman nung isa
"Tama na 'yan! 'wag mo muna siyang intindihin. Bilis picturan mo sila ang sweet pucha! Kamusta naman ang boypren ko? Nasa trabaho buset. Bilis!" sabi nung isa
"Takte ate ang sweet niyo ni kuya!" sigaw nung babae
Sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib
BINABASA MO ANG
I've Got An Amnesia (EDITING)
Jugendliteratur"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat ng bagay dahil nawalan ako ng memorya... hindi madali para sa isang tao mawalan ng alaala. Pero sa ka...