Chapter 37: Nightmare

1.5K 53 5
                                    

Kath's POV

Ganto pala ang feeling ulit noh? Ganto pala ulit ang feeling na nasasaktan ng sobra. Pero etong nararamdaman ko ngayon? Mas masakit pa sa nararamdaman ko noon.. Napag isipan ko na rin na bumalik na sa bahay...

Nasa tapat ako ng gate at akmang bubuksan ko ito ng biglang bumukas

"A-ate?!" sugaw ni Liza

Niyakap niya ako at ganun din ako.. Sa tingin ko kailangan ko ng  harapin sila...

"S-si mama?" tanong ko

"Hindi mo man lang ako na miss?" sabi niya at nag pout

"Siyempre na miss kita kaya lang saka na tayo mag bonding kase kakausapin ko si mama" sabi ko

"Ok.."

Pumasok ako sa loob at nakita ko si kuya

"Kath!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit

"Miss ka na namin." sabi niya

"Ako rin"

"Nasa kwarto si mama. N-nandun din si.. papa at s-si... Sir R-richard" sabi niya

Ngumiti na lang ako ng pilit.. Sa ngayon.. Hindi parin ako ready pero.. Kailangan para mabawasan naman ang mga problema ko

"S-sige" sabi ko

Umakyat ako at akmang bubuksan ko 'yung kwarto nang marinig kong nag-uusap sila

"Oo papayag na ako" rinig kong sinabi ni mama

"Ako rin.. Ikaw ang totoong ama... Anak mo sila pareho.. At anak ko lang si Liza.. Sige na pumapayag na ako para naman makapag bonding kayong pamilya" rinig kong sinabi ni papa.. Ha?

"S-salamat.. Salamat talaga... Pero after nito tayong lahat na.. Pupunta tayong lahat sa Boracay gusto niyo? Or sa Baguio? Tagaytay, Caramoan, Albay... Ano? Pili kayo" rinig kong sinabi nung Richard

"Sige salamat pre... 'yung mga bata na lang mag dedesisyon" sabi ni papa

"Sige.. Aalis na kami mamaya.. Kasi mamaya na 'yung flight papuntang U.S papakilala ko sila kila Thea" sabi nung Richard

"S-sige.." sabi nila mama

Pumunta ako sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit. Pagkatapos bumalik ako doon pumasok ako ng kwarto

"M-ma, p-pa" sabi ko at kiniss sila sa pisngi

"Kath! Kamusta? Okay ka na ba? Namiss ka namin ng mama mo" sabi ni papa

"Ok lang po.. N-namiss ko rin po kayo" sabi ko

"K-kath.." sabi nung Richard

Humarap ako sakanya nang naka..... NGITI NG PILIT

"M-may sasabihin kami s-sayo.. Isasama ko s-sana k-kayo ni M-mark sa---" i cutted his words

"States. For what? For us to meet this 'Thea' and company" sabi ko

"P-pano mo nalaman?" gulat nilang tanong

"Narinig ko ho. Don't worry. Sasama ako.." sabi ko

"Pack your things--"

"Done" sabi ko

"May passport ka na nasa tito Richard mo" sabi ni mama

"Tito or dad?" tanong ko

"H-ha?!" gulat nilang tanong

"Hayst.. T-tanggap ko na ho.. Tanggap ko na ho..." sabi ko

Lahat sila nagulat

I've Got An Amnesia (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon