Kath's POV
'Si Ella'
Ano'ng ginagawa niya dito?!
Nagkatitigan kami ng sobrang sama
"Ano'ng ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong
"Mmm... I was visiting Blue" sarcastic niyang sinabi
"Bakit?" tanong ni Blue
"What do you mean? Anong bakit? Gusto kitang bisitahin. I was wondering if..... You could hang out with me?" mataray na tanong ni Ella
"No!" sagot ko agad
"Ikaw na ba si Blue? Bakit ikaw ang sumasagot?" taas-kilay niyang sinabi at umirap
"Hindi ako sasama sa'yo" ani Blue
"Well then, i should go baka hindi ko ma-enjoy ang out of town ko" ani Ella.
'Tch sa dating mong 'yan hindi ka na nag-e-enjoy?! Eh sa pagsasalita mo't sa pagkilos nga lang halatang halata na nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo!'
Lumabas na siya ng pinto. Padabog 'kong binaba ang hawak ko at pumunta sa kwarto, ni-lock ko siya at nag bihis ako
Pagkatapos 'kong mag bihis lumabas ako
"Tara alis na tayo, punta tayo sa may lion's head" sabi ko at umupo sa sofa
"T-tara... " sabi nila at nag bihis na rin
»»»»»
"Picture!!!" sigaw ni Ivee
"Game!" sigaw namin
"One!"
"Two!"
"Say cheese!!!"
"Cheese!!" sigaw namin
Kasalukuyan nanduto kami sa lion's head at thank you lord dahil hindi kasama sila Ella
"Oh okay na! Sino gusto nito?" tanong ni Blare habang naka-turo
"Ano 'yan?" tanong namin
"Strawberry taho!" aniya
"Penge kami!!"
"Oh! Bigay mo sakanila 'to ah?" ani Blare na kausap si Leo
Binigyan kami ni Leo tig-isang strawberry taho at pumasok muli kami sa loob ng van at nilisan ang lugar na 'yon
"Sa Mansion tayo sunod tapos after non sakay tayo ng kabayo" ani Ivee
Nawala ang coldness ko dahil nag-e-enjoy ako
Maya maya nakarating kami sa Mansion at nag-picture taking lang at umalis na. Sunod naming ginawa ay sasakay daw kami ng kabayo, gusto ko rin
"Oh ilan?" tanong ni Red
"sampu!" ani Violet
"Anong sampu?! Walo lang!! Walong kabayo kukunin natin! Dalawa'ng tao sa isang kabayo!" ani Red
"Ano?! Kuyaaa!!! Pleasee kuya!! Sainyo po ako!!" sigaw ni Violet at ngumuso
"Ano? Dalawa na kami ni Kath 'no" ani Blue
Nilibot ni Violet ang mata niya at nahagip non ay si Ivee
"Ate Ivee! Sa'yo po ako please??" ani Violet at ngumuso ulit at nagpa-cute
"Oopsss. Kami nang dalawa" ani Leo
Ngumiti naman si Ivee kaya nagulat kaming lahat at binigyan sila nang nakakatuksong tingin
BINABASA MO ANG
I've Got An Amnesia (EDITING)
Teen Fiction"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat ng bagay dahil nawalan ako ng memorya... hindi madali para sa isang tao mawalan ng alaala. Pero sa ka...