Kath's POV
"Athena"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Blue
"Binibisita ka" sabi niya
"Alam mo. Umalis ka na" sabi ni Blue
"Blue.. Mahal pa rin kita.. Blue" sabi ni Athena at yumuko para siyang umiiyak
Hindi ba niya ako nakikita? Hello?? Girlfriend here?
"Sorry Athena. Pero may mahal na akong iba. Kahit anong gawin mo. Hinding hindi na ako babalik sayo" sabi ni Blue
"Blue" sabi ni Athena
"Tama na." sabi ni Blue
"Umalis ka na" dagdag ni Blue
"Hindi ako aalis! Blue! Mahal kita! Mahal na mahal parin kita! Kahit anong gawin ko, lumayo na ako sayo! Pero ikaw parin ang mahal ko!" sigaw ni Athena at umiyak
"Umalis ka na!" sigaw ni Blue
"Hin--"
"Umalis ka na!" sigaw ulit niya.
"Blue. Mag-usap muna kayo" sabi ko
"Ano?!" sigaw niya
"Mag-usap muna kayo." sabi ko.
"Nababaliw ka na ba?! Ayoko." sabi niya
"Alam kong nag-aalala ka sakin. Okay lang ako. Aamin na ako. Oo, oo nagseselos ako pero tinitiis ko. Mag-usap muna kayo" sabi ko
"Thank you... Kath" sabi ni Athena
"Hindi ko 'to ginagawa para sayo. Ginagawa ko 'to kase ito 'yung tama. Mag-uusap lang naman kayo eh. Bakit ako magagalit? Mag-uusap lang kayo, pero sana pagkatapos neto. Matauhan ka na Athena. Sana hindi ka katulad ng ibang babae na kokontrabida sa ex nila para balikan ulit sila, sila 'yung nangloko at hindi ex nila, pero sila 'tong nagpupumilit na bumalik sakanila ang ex nila. Sana hindi ka ganon ka desperada para gawin lahat ng kaya mong gawin, para bumalik sayo si Blue. Sana nga matauhan ka na, na hindi ka na niya mahal. Kailangan niyo lang mag-usap. Para matauhan ka. At hindi na manggulo samin" sabi ko at umalis
Tama naman ako diba?? Sa birthday ko pa talaga eh. Nakakainis lang. Pero sana talaga matauhan na siya. Ayoko sana na mag-usap sila. Pero. Eto ata ang tama. Well para sakin, depende na lang kung para sainyo? Ewan. Basta eto ang naisip kong tama. Mag-uusap lang sila. Walang malisya.
Naghintay ako sa labas ng bahay nila Blue
"Kath" biglang bati sakin ng isang babae
"Blare?" tanong ko
"Haha! I miss you bes. Happy Birthday!" sabi niya at niyakap ako
"Thank you! Ano ginagawa mo dito?" tanong ko
"Sabi kase ni Tita. Nandito ka daw kaya pumunta ako dito" sabi ko
"Eh ikaw ano ginagawa mo dito sa labas?" tanong niya
"Nasa loob si Athena" sabi ko
"Ano?! Ginugulo nanaman ba niya kayo?" gulat niyang tanong
"Hindi. Ako nag desisiyon. Sabi ko mag-usap muna sila. All this time. Mahal parin pala ni Athena si Blue" sabi ko
"Bakit ka naman nag decide na mag-usap ang dalawa?" tanong niya
"Kase 'yun 'yung tama. Well. Para sakin, ewan ko kung para sa iba. Kase naisip ko na. Dapat mag-usap muna sila. Sana nga matauhan na si Athena" sabi ko
Nakita kong ngumiti si Blare
"Nawala 'yung tahimik, mabait at medyo makulit na si Kath noon. Naging sobrang kulit na siya. Pero sa isang iglap bumalik ulit si Kath na mabait?" sabi niya at ngumiti
BINABASA MO ANG
I've Got An Amnesia (EDITING)
Novela Juvenil"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat ng bagay dahil nawalan ako ng memorya... hindi madali para sa isang tao mawalan ng alaala. Pero sa ka...