Chapter 32: Missing them

1.7K 60 6
                                    

Kath's POV

3 days past.. Hindi ko pa din sila nakaka-usap ng matino. Pati nga si Blue hindi ko pa kinakausap. Baka magtampo sakin 'yung asul na 'yun. Alam kong nag-aalala na sila sakin. Lalo na sila kuya at mama. I miss them so much. Para akong sinasaksak kapag hindi ko sila makausap gaya ng dati. I miss all of them

Si mama naman hindi pa sinasabi kay papa 'yung nangyari naguguluhan din si papa kila mama at kuya kase hindi makausap ni papa si mama ng matino. Naguguluhan ako.

Napaka cold ko ngayon. Ngayon nga lang nila ulit ako nakitang nagkaganto eh. Huli ko kase na nagkaganto ako nung nasaktan ako. And that is in the past

Kahit sa office napaka cold ko. Walang emosyon ko silang kinakausap.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na nang hagdan at nakita kong kumakain na sila.. Nawalan ako nang gana kase may bisita pala kaming hindi ko inaasahan

"Kain na Kath" sabi ni Kuya

"Sa office na lang" walang emosyon kong sinabi

Nagmadali akong lumabas ngunit nahawakan niya ang braso ko

"Mag-usap muna tayo please... Anak ngayon lang" sabi niya

"Bitawan niyo po ako" seryoso kong sinabi

"Anak please"

"Bitwanan niyo na po ako. Baka mawalan po ako ng galang sainyo" Seryoso kong sinabi

Unti-unti niyang binitawan 'yung braso ko kaya lumabas agad ako at naglakad papunta sa building ng buisness na inaasikaso nila mama

Ayoko magdala ng kotse. Kaya naglakad na lang ako

Kailangan kong malaman ang kwento. Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang tatay ko rin siya tapos. Pero hindi ko matanggap na ama ko siya! Hindi! Nahihirapan ako! Hindi ko matanggap na iniwan niya kami noon para sakanila. Ayokong magtanim ng gal---

"Arayy!" sigaw ko

"Sor---Kath?!"

Tinignan ko siyang mabuti..

"M-marco?"

"Haha! Musta?" tanong niya

"Ok lang.. Long time no see tayo cuz! Ikaw? Kamusta?" tanong ko

"Ok lang ako. San ka pupunta? Hatid na kita"sabi niya

"Hindi na kaya ko na. San ka ba pupunta?" tanong ko

"pupuntahan ko sila Tita Lyn. Tsaka kuya mo! Haha papunta na rin si Skie." sabi niya

"Ah sige.. Ah... A-ano.. S-samahan mo ako! Oo maya na kayo pumunta don pleeeeeaaasseee??? Sabay tayo. Maaga leave ko ngayon" sabi ko at nag puppy eyes

"Hays sige na oo na! At dahil namiss kita!" sabi niya at ginulo ang buhok ko

Natuwa ako. Kahit papaano napapatawa niya rin ako pag malungkot ako siya ang the best na pinsan ko sa lahat ng pinsan ko. Kami rin ang pinaka close. Nasa ibang bansa ang iba kong mga pinsan at tito, tita. Ninang ko at ninong ko nangibang bansa ren. Pero 'yung iba. Malayo samin

Tsaka hindi ko alam kung alam din ni Marco ang lahat. Kaya hindi ko na muna siya pina-una doon. Pinsan ko nga si Marco. Daddy niya 'yung kapatid ni papa. Nasasaktan ako kada iniisip ko na hindi ako ang tunay na anak ni papa. Ang sakit man isipin pero 'yun ang totoo. Hindi ko ma-iproseso sa utak ko na hindi ako tunay na anak ni papa. Napaka sakit lang. So ibig sabihin wala akong dugong Mendoza. Ayoko man isipin na hindi ako tunay na anak. Pero mahorap kasi lagi kong naiisip.

"Kath!"

"H-ha?!"

"Nandito na tayo kanina pa kita tinatawag." sabi ni Marco

I've Got An Amnesia (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon