Kath's POV
After kong makita si Rain... Halos araw-araw nakikita ko siyang masama ang tingin sakin.. Tch ano hindi siya nakulong? Nak nampucha!!! Kaya ngayon nandito ako sa presinto para sabihin 'yon
"Ma'am... Pasensiya na ma'am... N-nakatakas po siya.. H-hindi po namin.. N-nahanap.. N-nakatakas.. Natakasan po kami" sabi nung pulis
"Pasensiya?! Pasensiya?! Anong pasensiya?!! Natakasan kayo ng isang babae?! Ha?! Iilan kayo? Ang dami ninyo tapos natakasan kayo ng lintek na isang babae?! Ha?! Anong klase kayo!!" sigaw ko
"Ma'am.. Pasensiy--"
"Puchang pasensiyang 'yan?! Natakasan kayo hindi ba?" inis kong tanong
"O-opo" nauutal na sinabi nung pulis
"Aba eh natakasan nga kayo ano pa ginagawa niyo?! Hanapin niyo! Hanapin niyo si Rain! Hanapin ninyo! Hindi 'yung hihingan niyo ko ng pasensiya!" sigaw ko
"Calm down" sabi ni Blue
"Sorry po ulit ma'am.. Hindi po namin nakita--"
"Hindi niyo nakita?! Ano kayo bulag? O tatangatanga lang kayo?! Punyeta! Hanapin niyo na! Nagdadahilan pa eh!" sigaw ko
"nagso-sorry na nga eh dami pang sinasabi" bulong niya
"bubulong ka na nga lang. Maririnig ko pa. Tss.. Kayo na nga 'yung hindi nakakita na natakasan pa kayo! Mangangatwiran ka pa! Gawin niyo ang trabaho ninyo!!" sigaw ko at nag mamadaling umalis don
Paglabas ko don inis akong sumakay sa sasakyan ni Blue
"bm?" sabi niya at tumawa
"Tch. Bwisit!" inis kong sigaw
"hahaha!" tawa niya. Luh? baliw?
Nagsimula na siyang magmaneho at pumunta sa park..... 'yung park na lagi naming pinupuntahan.. Napatingin ako sakanya nang nagtataka.
"Alam kong bad trip ka sa mga 'yon" sabi niya
Nakita ko siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. pagbaba ko ay hinila niya ako papunta sa ice cream vendor
"Oy! Aba'y kayo pala iyan? Ano kamusta pogi? Kayo na ba uli ni ganda?" tanong ni manong
"Oo naman po! Parang nakatakda nga po talaga kami sa isa't isa eh.." aniya Blue at tumingin sakin
"Nako! Ganyan din kami ni misis noon! Sayang nga lang talaga kasi---" hindi natuloy ni manong ang sasabihin ng sumingit ako
"Ah... 'wag niyo na hong sabihin.. baka ho kasi... hindi maganda ang nangyari" sabi ko
Natahimik siya at binigay na niya samin ang ice cream at binayaran na ni Asul
"Oh" abot niya sakin
"Alam kong pag beast mode ka. Ice cream lang sapat na" aniya at ngumiti
Ngumiti rin ako at kinuha sakanya 'yung ice cream
Habang kinakain namin 'yon. Naglalakad kami
"Ay nga pala. May hindi ka pa kinukwento sakin" sabi ko
"Ano?" tanong niya
"Kung pano.. 'yung tinatanong ko sayo nun kahapon" sabi ko
"Ah! 'yon! Haha. Lahat kasabwat. Nung nagising ako pagkatapos magkuwento ni mom sakin pinlano ko agad 'yun at pati doktor sinabihan ko at ibang nurses na tulungan ako. Pumayag naman sila so hindi na ako nag dalawang isip na gawin 'yon at tuwang tuwa ako nung nalaman ko ang sagot mo kahit expected ko na kasi alam ko na mahal mo parin ako" kwento niya
BINABASA MO ANG
I've Got An Amnesia (EDITING)
Jugendliteratur"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat ng bagay dahil nawalan ako ng memorya... hindi madali para sa isang tao mawalan ng alaala. Pero sa ka...