Kath's POV
"Ma. I'm home" sabi ko
Nakita kong nakaupo sa sofa sila mama at papa. Kasama 'yung Richard. Tpos nandun din si Kuya at Liza. Ano 'to? Family meeting with another person?
Tinignan ko sila isa-isa at tumigil ang tingin ko dun sa Richard. Pagkatapos akmang aakyat na ako ng hagdan ng tawagin ako ni mama
"Mamaya ka na tumaas. May pag-uusapan tayong lahat" seryosong sambit ni mama
Wala na akong nagawa kaya bumaba ako at umupo sa tabi ni Kuya.
"Siguro alam mo na ang pag-uusapan natin Kath" sabi ni mama
"Yes" sagot ko
"Alam kong naguguluhan ka. Alam kong mabilis ang pangyayari at nabigla ka. Alam kong nasasaktan ka sa mga nalaman mo. At alam kong nahihirapan ka. Alam kong hindi ito madali para sayo. Hindi din naman 'to madali para saamin.. Alam ko na ang lahat... Alam ko na na nalaman mo na ang tungkol sa totoo niyong ama ni Mark. Patawad anak.. Kung hindi agad namin sinabi sayo.." sabi ni papa
Tumulo nanaman ang luha ko. Ano ba 'yan! Ayoko nang umiyak! Puro dramabells!
Pinunasan ko agad ang luha ko at tinignan sila.
"Buti alam niyo po na nasasaktan ako. Na naguguluhan ako. Na nahihirapan ako. Siguro hindi pa po 'to 'yung tamang panahon para makipag-usap ako sainyo.. Gusto ko po munang mapag-isa." tumayo ako at naramdaman kong tumayo si kuya
"Please.. 'wag niyo na akong sundan. Akala ko ok na eh... Akala ko ok na ako. Akala ko handa na ako! Pero isa lang naman pala iyong akala! Akala ko kase handa na talaga akong harapin at tanggapin ang mga nangyayari. Pero hindi pa pala. Please.. I need time to think.. Ihahanda ko lang po muna ang sarili ko." sabi ko at umakyat ng kwarto.
Kinuha ko ang bag ko at iba kong gamit. Konti lang tpos naglagay na ako ng damit sa bag. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko.
»»»»»»»»»»
6:30am
Tulog pa silang lahat. Ang pasok ko sa opisina ay 7 pa. Nakaligo na ako, nakaayos na. Kumuha ako ng isang maliit na papel at ballpen.
'Wag po kayong mag-alala kung wala ako dito. Babalik ako, ihahanda ko lang po ang sarili ko sa lahat. Maayos naman po ako. Kaya 'wag na po kayong mag-alala. Babalik po ako.
At tinape ko ito at idinikit sa ref. Nagmadali akong bumaba at lumabas. Kinuha ko ang kotse ko at nagmaneho na ako papunta sa opisina.
Pagdating ko don binati agad ako ng mga staff dito, sinalubong ako ng secretary ko
"Ma'am. Pinapabigay po" sabi ni Beatrice ang secretary ko. Inabot niya sakin ang isang box
"Nino?" tanong ko
Nagkibit-balikat na lang siya at tsaka umalis. Bastos 'to. Aalis agad.
Pinagmasdan ko ang box at napansin kong pagkain ang laman nito. May nakita akong paper kaya kinuha ko iyon
I know you didn't ate your breakfast. So i decided to brought one for you. I know your hungry. Eat this sandwiches babe. Iloveyou. Don't forget to eat your breakfast next time .w.
P. S: gawa namin 'yan ni mom
---Blue💙
Napangiti ako. At binuksan ang box na 'yon. Tuna sandwich. Wow my fav. sandwich mga bhee!
"Ma'am may bisita po kayo" sabi nung secretary ko.
"Sino?" tanong ko
"The son of Mr. Lim" sabi niya
BINABASA MO ANG
I've Got An Amnesia (EDITING)
Novela Juvenil"My brain may lost my memory... but heart will never forget" "Oo, may nagkaka-amnesia. Isa ako roon. Naging mahirap para sa 'kin matandaan lahat ng bagay dahil nawalan ako ng memorya... hindi madali para sa isang tao mawalan ng alaala. Pero sa ka...