chapter 18: humanda ka Albie!!! :PPPP

2.4K 36 16
  • Dedicated kay Claire Calumpang
                                    

KRIIINNNGGG KRIIINNNGGG....

~~~~~~~~~~~~~Julia's POV

"Yes! lunchbreak na... sabay na tayong kumain Julia" yaya ni Kiray sa'kin

"uhmm sige... pero may kukunin muna ako sa locker ko...susunod nalang ako sa'yo mamaya."  ginawa ko nalang ALIBI ang pagkuha ng gamit sa locker ko... pero ang totoo, pupuntahan ko si Albie at tuturuan ng leksyon...

"ok." sabi ni Kiray at lumabas agad ako sa room..

una kong hinanap si Albie sa gym dahil doon naman talaga tumatambay ang ugok na iyon eh!... ang swerte ko! nahuli ko pa talagang nag-uusap si Albie at Andi... naku naman! public display of affection! naku! maghintay lang kayo... maya-maya pa ay lumabas c Andi sa gym at mukhang nagpaiwan talaga itong si Albie... Pagkakataon ko na to'!

"Albie!" sigaw ko habang papalapit ako sa direksyon ni Albie...

"Julia!" tumayo sya sa kinauupuan nya at parang nagulat pa nung makita nya ako..

"hayaan mo akong magpaliwanag" dagdag pa niya...

"sige. Pa'no mo ipaliliwanag na sinaktan mo ang kaibigan ko at ipinagpalit sa cheerleader na bago mo lang nakilala!? ha? ano'ng klaseng lalaki ka?" galit kong tinanong sya na parang ako ang lumalabas na niloko ni Albie...pero wala akong pakialam dahil sinaktan niya ang kaibigan ko at gusto kong ipaghiganti sya... by hook or by crook!

"hindi ko naman inaasahan na mangyari ito eh... hindi ko inaasahang..." sinabi nya yun' sabay yuko at nakita ko ang luhang pumatak mula sa mata nya...

" inaasahang ano? ano Albie?" tanong ko ulit sa kanya..

" buntis si Andi!" pagkasabi nya nun' pumatak na lahat ng luha nya...

"ano?!?!" gulat kong tanong sa kanya.

"tama ang narinig mo... para hindi malaman at pagchismisan kami ng school, aalis kami... mag-aaral kami sa States... pero, dahil may National Presscon na gagawin next week, tatapusin  kp muna yun' para may representative ang school para sa Photojournalism category..kasama ka naman dun' d ba? copyreading nga category mo eh"...sagot nya...ngayon, yun' pala ang nangyari...

"hindi ko parin maintindihan Albie... bakit kailangan mong iwan si Kath? akala ko ba mahal mo sya? pwede namang sustentuhan mo nalang ang anak nyo ni Andi ah... bakit ganun' ha?" pag-uusisa ko kasi di ko pa talaga lubos maintindihan eh...

" oo nakabuntis ako Julia... pero hindi ako yung klaseng lalaki na tatalikod sa mga responsibilidad ko! at oo mahal ko pa si Kath. pero, may nagawa akong kasalanan kaya, eto na siguro ang KARMA ko, hindi ko makakasama ang totoong minamahal ko sa totoong buhay...at pag-umalis na kami ni Andi papuntang States, alagaan mo si Kath ha?para may assurance ako na magiging okay sya." sa mga sinabing yon' ni Albie, Medyo naging teary-eyed ako.. MEDYO lang...:'(

"isa pa...Julia, wag mo munang sabihin to' kay Kath ha...favor lang" sabi nya.

"sige pero hindi ko maipapangako yun..."sagot ko naman

"aalis na ako, kakain pa kasi ako eh.." dagdag ko pa.

"sige" sagot nya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Daniel's POV

lunchbreak na... aayain ko si Julia...asan kaya yun?

maya-maya pa ay nakita jo si Kath...

"Kath!" sigaw ko... at lumingon naman sya sa'kin... pansin ko ag kalungkutan sa mga mata nya.

Mr. Yabang Meets his KATAPAT xD (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon