~~~~~DJ's POV
nang makita ko'ng ganun ka-sweet si Julia at ang lalaking yun, parang unti-unti sinasaksak ang puso ko... i NEVER felt something like this before! bakit ganito? gusto kong suntukin ang lalaking yon! pero alam ko namang hindi nya kasalanan kung sya ang minahal ni Julia ng ako'y makalimutan nya. Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang...
"huy..!" yung katabi ko at contestant din ng Photojournalism...
"nakikinig ka ba? ang sabi ni maam, let's take pictures na raw!" sabi nito sa akin.
" ah-eh oo... ano nga ba yung theme?" tanong ko dahil actually di naman talaga ako nakikinig... mabuti nalang at nasa likuran ako banda kaya di ako napagalitan...
"hahay....Environmental Events at present...pinapakita mo lang na di ka talaga nakikinig." sabi pa nito sabay kuha ng camera nya at nagkamot sa ulo."
"sige salamat." sabi ko pa. at umalis narin ako para kumuha ng pictures.
hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga nangyari.. paano kaya kung hindi ko sya sinundan ng gabing iyon... hindi sana mangyayari ito... at hindi sana nya ako nakalimutan... :( hayyyy naku! buhay nga naman...naku! kumuha na nga lang ako ng pictures... nawawala ata ako sa FOCUS!!!
10 shots na ang nakuha ko 5 shots nalang ang kulang...at oo 12 lang ang limit pero, pagpipilian ko pa yun...
naglakad-lakad pa ako nang makarating ako sa gymnasium...nandoon parin sina Julia at yung kasama nyang lalaki. kakainis talaga >.<
maya-maya pa... umalis yung lalaki at naisipan kong baka chance ko na yun.
"Julia!" tawag ko sa kanya at lumingon sya sa gawi ko... which causes her wonderful hair to sway to the beating of the wind...she looks so adorable... para syang bida sa isang teleserye na naka tingin sa kanyang leading man... Ang Ganda nya talaga!
"bakit?" tanong niya. di nya na nga ako kilala... lumapit ako sa kanya...
"hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong ko nang magkalapit na kami.
"hindi eh... pero, di ba kasintahan mo si EllA?" sagot nya.
"hindi Julia... di ko sya kasintahan. ni hindi ko sya niligawan... simula't sapul ay alam ng Diyos na ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko...Julia, alalahanin mo..." pagkasabi ko nun', i held her hand at lumuhod ako sa harap nya at naluluha na ako... para nga akong nagpo-propose sa gesture ko ngayon eh.
~~~~~~~~~~~~~~Julia's POV
kanina pa kami dito ni Enrique dito sa gym naghihintay kung kelan matatapos ang contest nina Ella... aaminin ko medyo nabo-bore narin ako sa topic namin puro tungkol sa pamilya... ano'ng sasabihin ko..? iniwan kami ng dad ko bata pa ako at ngyon that dad asked mom's forgiveness it's just PATHETIC coz' she actually forgave him? NO WAY! ayoko sabihin nya na ganun LANG pamilya ko kababaw.
tapos, umalis si Enrique sandali... naiihi na raw sya... hihi :) napa-smile ako nun'
Maya-maya pa may tumawag sa'kin...
"Julia!" tinawag ako ng isang lalaki... lumingon ako. at parang namang may special effects at humangin nung time na lumigon ako at lumipad-lipad yung buhok ko... xD
"bakit?" tanong ko sa kanya. mukhang ito si DJ yung lalaki sa Hospital kahapon na nagsasabing kasintahan ko sya.
"hindi mo ba talaga ako maalala?" tanong nya nya sa'kin. oo nga noh... hindi ko sya maalala crush daw Ella noon pa kaya posibleng nakilala ko na to' hind ko lang alam kung saan at kailan... wala namang nag0register sa utak ko na mukha niya o pangalan man lang!