Prolouge

74 3 0
                                    

Belle's POV

Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikita ang hinahanap.

Sa hindi inaasahang lugar, magtatagpo ang dalawang puso.

Sa hindi inaasahang tao, mahuhulog ang loob.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang bagay magkakalayo ang pinagtagpo ng tadhanang mapaglaro.

Mawawala ng parang bula, mga alaalang pinuno ng masasayang karanasan.

Ang prinsesang iyong hinangad, mula sa malayong palasyo ay darating upang sungkitin ang iyong puso.... at ikay mabibihag ng kanyang makamandag na ngiti.

Ang prisesay pipiliin, at akoy isasantabi, sa pag-aakalang akoy iyong kaibigan LAMANG at iyun lang...

"Belle! Belle!" Haist. Ano ba naman iyan. -_- Nanggugulo pa eh. Haay...

"Oh Belle. Kanina pa kita hinahanap. Tara kain tayo." Sabay silip sa ipod ko. "Anong ginagawa mo? Patingin naman." Tsk. Inagaw pa talaga sa akin.

"Obviously. Nagbabasa. Alangan namang sumasayaw ako." -_-

Aba't nagpout pa ang bruha. Haaay. Alam ko na ang gusto nito. "Halika na nga." Sabay hila sa kanya.

"^_____^" mukha niya. "Libre mo?", sabi niya. "Hindi. Libre mo." ^_^ ako naman ang ngumisi.

Huminto siya sa paglalakad at nagpout na naman. "Oi Nikka Isabella Ocampo! Huwag mo akong artehan diyan sa papout-pout mo. Gutom akong tao at alam na alam mo kung ano ako magutom."

"Ay. Hihi. Sabi ko nga ililibre kita. Ano bang gusto mo? Gusto mo bilhin ko ang buong canteen? Hihi. Tara na Bessy!" Grabe ako magutom noh? Haha.

Iyan nga pala ang pangalan ng bestfriend ko at... pangalan ng babaeng mahal at pinapangarap ng kaisaisang lalaking minahal ko.

#ABKM

Ang BESTFRIEND Kong MANHIDWhere stories live. Discover now