Chapter 2

41 3 0
                                    

Belle's POV

Haaaay! Sa wakas uwian na!!! "BYE Bessy-Belle, una na ako ha?"
"Ok bye." Sabi ko kay Bella at lumabas na ng room.

Naglalakad ako sa hallway na biglang, "Ay naku naman!" -_- "Ethan, ba't mo ako ginulat!?" Insert galit-galit effect pro acting lang. ;) "Eto namang bestfriend ko oh, hindi na nasanay." sabi ni Ethan habang tinataas baba pa ang kilay.

"Hmp, o? Bakit ba? Anong kailangan mo? Ha Ethan?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makasama. Tara kain tayo. May bagong restaurant daw malapit dito. Libre ko." Nagliwanag naman bigla ang mukha ko. Syempre dahil pagkain na ang pinaguusapan,.., at gusto niya akong kasama.

Kikiligin na sana ako. Kaya lang may naalala ako. Biglang nawala yung ngiti ko."Hindi ko kasama si Bella ngayon eh. Nauna na siya magfafamily dinner daw kasi sila." Pinilit kong ngumiti. Mahirap na baka makahalata siya. Ayoko naman kasing magexpect na gusto niya lang talaga akong kasama. Eh sa malamang, akala niya magkasama kami ni Bella kaya niya ako inimbita. Hindi naman kasi ako hahayaang magisa nun. Tsaka lang siya sasama kapag may kasama na din ako.

"Eh ano naman ngayon? Ikaw yung inaya ko, hindi siya. Kaya tara na." Ngumiti siya sakin, saka ako hinila.

Totoo ba yung narinig ko? Bakit parang wala siyang pakealam kay Bella? Diba siya ang mahal niya?

Ano ka ba Belle! Wag ka nga. Si Bella ang mahal niya, hindi ikaw. HINDI IKAW. Isaksak mo yan sa kukote mo. Wag kang magassume. Wag kang magexpect. Masasaktan ka lang.
Kaibigan lang ang tingin niya sayo. BESTFRIEND ka lang. Hanggan dun lang yun.

"Aray!" -_-!!! Pinitik lang naman ng magaling kong kaibigan ang noo ko. "Tulala ka kasi diyan. Nahawakan lang ang kamay mo, kilig ka na agad. Baka mamaya niyan kapag niyakap na kita mahimatay kana. Or worst kapag hinalikan kita, aatakihin ka na sa puso. Paano nalang tayo gagawa ng baby niyan? Baka ikamatay mo na?"

(^////^)----- ganyang ganyan ang mukha ko ngayon.
"Waaaaaaah! Walang hiya ka Ethan! Walangya!", sabay hampas sa kanya. At siya? Tumawa lang naman ang mokong. "Pero mahal mo naman.", sabi niya habang tumatawa pa rin. Oo Ethan. Tama ka, mahal kita. Kaya nga ako nasasaktan eh. Kasi mahal kita. "Bahala ka na nga! Uuwi nako", sabay walkout.

"Teka lang Belle!", sigaw niya pero bago pa man ako makalayo, ay hinatak na niya ako.at.at.at.at...,. Niyakap.

Dug...Dug...Dug...Dug...
Ang lakas ng tubok ng puso ko,.., pero,,,,, mas malakas yung kanya. Teka? Bakit? Ano? Paano?

Hindi Belle. Nagkakamali ka lang. Oo, tama. Nagkakamali lang ako.

"O. Niyayakap mo ako. Bakit hindi ako nahimatay? Tsk. Ang feeler mo kasi bestfriend. O. Tara na.", at sumakay na ako sa kotse niya.

Buti nalang talaga at kahit na halos malunod na ako sa kilig, ay to the rescue si Brain ko. ^-^. Siya ang katuwang ko sa mga sitwasyon na ganito. Utak muna bago puso. Iyan ang moto ko. Oo. Mahirap kapag hindi mo sinusunod ang puso mo, pero may mga pagkakataon na dapat gamitin mo ang utak mo. Yung hindi puro puso lang. Dahil kapag puso ka lang parati, talagang masasaktan ka. You must know your limits. Kung hanggang saan ka lang.
Katulad ko, alam kong may mahal na siyang iba kaya hindi ko na ipinaalam pa sa kanyan ang tunay na nararamdaman ko. Ang alam lang niya, bestfriend ang turing ko sa kanya. Yung parang kapatid na. Friendly at brotherly love lang ang alam niyang nararamdaman ko para sa kanya. Para saan pa kung sasabihin ko sa kanya? Edi lalayuan niya ako? Friendship over. Mas masakit iyun. Minsan kasi kailangan mo nang makuntento sa kung anong meron ka.

To Foodtastic Restaurant we goo!!

😉😉😉

Ang BESTFRIEND Kong MANHIDWhere stories live. Discover now