Chapter 1

57 4 0
                                    

Belle's POV

Kakatapos lang namin kumain ng bestfriend kong si bella. Papunta na kami sa classroom namin nang... boogsh!

"Ahh!" Ang sakit non ah. Binangga lang naman ako ng kung sinong kabute na bigla na lang sumulpot at imbis na magsorry ay, "Ano ba yan. Tatanga-tanga kasi eh. Tabi nga!" Aba't, tong Jake Cruz nato. Haist. Pasalamat sya at crush siya ng ng bestfriend ko at nakapagpasensya ako.

Mabuti nalang at nasalo ako ng lalaking mahal ko.., este lalaking bestfriend ko, Si Ethan Elizalde. Ako naman itong si tanga, nag assume. Eh kaya lang naman niya ako nasalo kasi nakasunod siya samin. Ay mali, kay bella lang pala.

Saklap noh?

"Belle. Ayos ka lang ba? Hindi ka naman na saktan diba?", tinatanong pa ba iyan Ethan? Malamang oo. Ikaw ba naman ang tumingin sa taong mahal mo na may tinitingnang iba. Tingnan ko lang kung hindi ka masaktan.

"Belle. Belle. Uy, Belle." Natulala na pala ako. >///<

"Ah-ah. Oo. Okay lang ako. Buti nalang nasalo mo ako. Salamat." ^_^ sabi ko.

"Okay lang. At hinding hindi ako magdadalawang isip na saluhin ka ulit." sabi niya.

Syempre kilig naman ako. Pero dahil alam ko naman yung totoo na hindi ako yung gusto niya. Ngumiti nalang ako at sinabing, "Haha. Syempre. Bestfriend mo ako eh." :'( at hanggan dun lang iyon.

Pumasok na kami sa room namin. Magkatabi kami ni bella habang nasa lilod ko naman si Ethan. Gusto niya daw kasi na malapit lang upuan namin. Pero alam ko na ang totoo gusto niya lang na malapit siya kay bella.

Pero wala naman akong magagawa eh. Mahal ko eh. Yun nga lang may mahal na siyang iba.

Kesa isipin ko ang pagkasawing ko sa pag-ibig, ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa isa na namang boring na discussion ni Mr. Hilario.

"Isabelle Jane Reyes!"

Napabalikwas ako sa lakas ng sigaw ng prof namin.

Patay ako nito. Haist. Eh hindi ko naman kasalanang boring mag discuss itong prof. Nakatulog tuloy ako.

"Sorry po Mr. Hilario. Hindi na po mauulit." Sabi ko na lang kaysa naman makipagtalo ako  sa kanya. Mas matanda pa rin siya sa kin kaya kailangan ko siyang galangin. Isa pa, ayokong bumaba ang grades ko. Kahit mayaman kami, importante parin sakin ang magkaroon ng mataas na grades at makatapos. May mga pangarap din kaya ako.
Para naman kahit isa sa mga pangarap ko, may matupad. Dahil alam ko na hanggang pangarap lang kita.

"Okay Miss Reyes, dahil mabuti ka namang estudyante, palalampasin ko mu ito. SA NGAYON. Okay, class dismiss." at nagbell na. Haay salamat.

"Tara na Bessy-Belle. Baka malate pa tayo sa susunod nating class." sabi ni Bella.

"Okay. Tara na Bessy-Bella." Yan ang tawag namin sa isa't isa kapag sweet kami. Haha. Malapit lang ang pangalan ko sa bestfriend ko. Pati din ang mahal ko malapit ang puso sa kanya. Hindi pala, nasa kanya pala talaga ang puso niya. :'(

-😯😯😯

Ang BESTFRIEND Kong MANHIDWhere stories live. Discover now