prologue

400 10 3
                                    


Prologue

"Sumagot na si Raniel sa slumbook mo?" tinanong ko agad si Krystal pag-upong pag-upo niya sa desk namin.

"Oo kahapon." Binuksan niya 'yung bag niya para kunin 'yung slumbook at ibinigay sa akin. "Bakit ka nga pala absent kahapon? Wala tuloy akong kasamang lumapit sa kanya, nakakahiya pa naman."

"Nilagnat ako e." binuklat ko yung slumbook sa page kung saan nagsagot si Raniel. Grade 2 no'ng lumipat si Raniel sa school. Hindi siya 'yung crush ng mga kaklase kong babae, ako lang yata ang may crush sa kanya sa room, hindi kasi siya maputi, ayaw ko sa maputi kasi hindi naman ako maputi, singkit siya, akala ko dati lahat ng singkit maputi, pero iba siya, at matalino pa, magaling sa Math tapos mabait pa. Si Krystal lang ang may alam na crush ko siya, hindi rin ako pwedeng kiligin sa harap niya dahil baka mahalata ako tapos malaman ng mga kaklase ko at asarin kaming dalawa.

To start with...

NAME: Raniel Matthew D. Delgado

ADDRESS: Parañaque

BIRTHDAY: September 12, 1996

BIRTHPLACE: Parañaque

TELEPHONE NUMBER: none

SCHOOL: Sun Valley Elementary School

Favorites?

FOOD: ice cream, fried chicken, french fries, chocolate

COLOR: black, blue

TV SHOWS: friends

MOVIES: the fast and the furious, night at the museum

BAND/SINGER: m2m

SONG: m2m

BOOK: none

Personal Questions

MOTTO: Time is gold.

WHAT IS LOVE?: Love is blind.

AMBITION: to be an engineer

MOST UNFORGETTABLE MOMENT: my first birthday

MOST UNFORGETTABLE PLACE: home

WHO IS YOUR CRUSH?: secret :p

Nakakainis naman bakit secret yung crush niya? Nakakainis naman. Hindi masaya. Sinarado ko na 'yung slumbook matapos basahin at binalik kay Krystal. "Secret 'yung crush niya."

"Oo nga e, pero ibig sabihin no'n may crush siya. Sino kaya?"

"Secret nga e, hindi natin malalaman yun."

Dumating na 'yung teacher namin, kaya hindi na kami natapos magdaldalan ni Krystal.

"By partner itong activity na ito, boy-girl ang magpartner para fair, umupo kayo sa tabi ng mga partner 'nyo kapag tinawag ko. Okay. Angeles, Alcantara. Bacad, Andres. Bautista, Castillo. Delgado, de Chavez..."

Delgado, de Chavez

Delgado, de Chavez

Delgado, de Chavez

Nagkatinginan agad kami ni Krystal nang banggitin ni Ma'am 'yung apelyido namin ni Raniel. "Uy kayo 'yun ni Raniel, tayo na." bulong niya sabay siniko ako.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko nga namumula na ako. Lalapit ba ako sa kanya? O siya 'yung dapat lumapit sa akin? Dahan-dahan din akong tumingin sa pwesto niya, lalong lumakas 'yung kabog ng dibdib ko na parang kakawala na anumang oras nang makita kong naglalakad siya palapit sa akin. Kumikinang siya habang naglalakad palapit, nang makalapit sa akin nagsalita siya pero hindi ko naintindihan, para kasing anghel na kumakanta sa pandinig ko, at tsaka ngayon lang kami nagkalapit nang ganito.

antsy :: nct x blackpink [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon