5

104 6 3
                                    

Chapter 5

"Alee, pinapapunta ka ng Papa mo sa kanila sa Pasko." Nagluluto si Mama ng tanghalin habang ako ay nagbo-browse sa phone ko.

"Ha? Bakit?" Hindi naman kasi ako pumupunta sa kanila tuwing Pasko, minsan lang kapag Summer, pero sobrang bihira lang 'yun, kapag naisipan ko lang at gusto ko ng ibang tanawin. Hindi na kasi ako nasanay na kasama si Papa, elementary pa lang ako nang maghiwalay sila ni Mama, kaya sanay na akong wala siya.

"Gusto ka lang daw niya makasama. Pumunta ka na."

"Paano ka?"

"Okay lang ako dito."

"Sige na nga." Pumayag na lang ako kahit hindi bukal sa loob ko.

"Aalis ka ba ngayon?" pag-iiba ni Mama ng usapan.

"Opo."

"Okay, iwan ko na lang 'yung baon mo, maliligo na ako baka malate pa ako." Naghugas siya ng kamay at pinatay na 'yung kalan.

Pag-alis ni Mama, naligo na rin ako. Wala akong pasok ngayon, saan naman kaya ako pupunta?

Sa National Museum ako dinala ng mga paa ko, kahit na ilang beses na ako pumunta dito, refreshing naman 'yung feeling kapag nakikita 'yung mga artwork. Naglibot-libot lang muna ako hanggang sa mapagod kakalakad, at napagdesisyunang maupo sa may Spoliarium hanggang sa magsara 'yung museum.

Sa Luneta naman ako sumunod na tumambay, aabangan kong magdilim para mapanood 'yung fountain show. Habang nage-enjoy sa fountain ay nagvibrate 'yung phone ko, tumatawag si Raniel.

"Hello?"

(Where are you?)

"School." Pagsisinungaling ko.

(Ano oras dismissal 'nyo? Free ka ba ngayon?)

"Bakit?"

(Eat out.) Ay bakit?

"Libre mo?"

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Cute. (Sasama ka lang ba kapag libre?)

"Oo e."

(Sige libre ko.)

"Sige. Saan? Ano oras?"

(SM Manila, nandito na ako.)

"Ay we? Sige papunta na, wait lang. Saan ka banda?" tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad papuntang sakayan ng jeep, kahit pwede ko rin naman sanang lakarin. Nakakahiya kasi nandoon na siya.

(McDo.)

"Okay, sige." At binaba ko na 'yung phone. Nakita ko naman agad si Raniel pagkapasok ko sa McDo, kaya nilapitan ko na siya. "Hoy." Pa-cool lang ako, pero deep inside medyo kinakabahan ako sa presensya niya, just like the old times.

Ngumiti agad siya nang makita ako. "Ang bilis mo ah."

"Nandyan lang kasi ako sa Luneta." Umupo ako sa tapat niya.

"Kaya naman pala. Ano gusto mong kainin?" tanong niya.

"Kung ano na lang sa'yo."

"Sige, order lang ako." Tumayo siya at um-order na sa counter.

Pinagmasdan ko lang siya habang umo-order. Bakit niya ako niyaya? Magkaklase kami dati, pero hindi naman kami close, so imposibleng reunion ng magkaibigan 'to. Nilinaw ko na rin naman sa kanya na wala siyang mapapala sa akin kapag niligawan niya ako. Baka ino-overthink ko lang 'yung mga bagay.

Pagbalik niya sa table namin dala 'yung mga order ay nakangiti pa rin siya. "Kain na."

Nagsimula na kaming kumain, nagfocus na lang ako sa pagkain at hindi nagsalita.

antsy :: nct x blackpink [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon