epilogue

163 10 9
                                    

Epilogue

"And that's it. That's how my love story started. Yeah, pinili ko siyang tapusin sa umpisa. Masasabi kong kahit paano ay love story siya, kahit na ang boring ng kwento. Hindi nakakakilig, walang kissing scene, walang PDA, walang 'I love you's, walang element ng romance bukod sa alam lang namin pareho na nagmahalan kami. Ano nga bang nangyari pagkatapos nito? Ayun. Gano'n pa rin boring."

"I love the silence, 'yung mga kuliglig lang at ihip ng hangin ang naririnig." Sabi ni Jae habang magkatabi kaming nakaupo sa likuran ng sasakyan niya habang pinagmamasadan ang city lights.

"Ako ba niloloko mo?" Tiningnan ko siya. Ang ganda niya ring pagmasdan.

"Sira. Seryoso ako. Sobrang comforting ng ganitong feeling pagkatapos ng stressful na araw sa trabaho. The silence, the view, and the person I am with."

No'ng mas tumagal kaming magkasama, nadiskubre kong poetic pala siyang tao. Palagi siyang ganito kapag magkasama kami, hindi siya nauubusan ng mga salitang nakakakuryente at nakakapagpakabog ng dibdib, at hindi pa rin ako nasasanay sa gano'ng side niya.

At tama si Jae, naging comforting na nga 'yung katahimikan sa tuwing magkasama kami na dati ay awkward. Marami kasi kaming ganitong pagkakataon.

"He taught me that silence is not always awkward, tinuruan niya rin ako na hindi naman masamang maging socially awkward, gano'n pa rin ako hanggang ngayon by the way, ang kailangan lang ay taong magpaparamdam sa'yo na hindi ka awkward, 'yung kahit sobrang nakakailang na ng sitwasyon kaya niyang dalhin at gawing kumportable. This story also taught me to open up, yes, kaya mong umpisahan ang isang journey na mag-isa, na wala kang aasahan kung hindi ang sarili mo, but along the way mare-realize mong kailangan mo ng kasama para matapos ang journey. Life is not an individual work, you need groupmates, it's a team work."

"Bakit kasi hindi mo sinabing may ganyan kang problema? Lagi mo na lang sinasarili 'yung mga bagay." Pinapagalitan ako ni Jae kasi hindi ko sinabing matatanggal na ako sa trabaho, nagtatanggal na kasi sila ng employees dahil naba-bankrupt na 'yung company.

"E okay lang naman ako, makakahanap din naman agad ako ng work."

"Pero mas magiging okay kung sinabi mo sa akin."

"Oo na, oo na, next time."

"Okay lang maging dependent, Alee."

"Pero nakaka-badtrip din ma-in love minsan. Tuturuan ka kasi nitong mag-fantasize at mag-imagine ng kung anu-ano, 'yung tipong maglo-look forward ka sa future na kasama 'yung taong mahal mo, pero sa huli sasampalin ka ng katotohanang ang relasyon ay hindi tatakbo ayon sa plano ninyo, mapaglaro ang buhay, maraming darating at mangyayari na sisira sa mga plano. At magigising ka isang araw, 'yung mga planong 'yun ay pantasya at imahinasyon mo na lang."

"Let's end it here, Alee." Ang cold niya. Walang ekspresyon 'yung mga mata niya, hindi ito si Jae.

"Bakit? Anong nangyari? Tell me. Hindi ko maintindihan." Nagpapanic na ako sa sinabi niya, pero pinipilit kong 'wag mag-overthink dahil baka niloloko lang niya ako, baka isa na naman 'to sa mga surprise niya.

"Let's stop this."

"Ha? Seryoso ka ba? Ano bang nangyayari? Sabihin mo naman sa akin para maintindihan ko. Anong nang nangyari sa forever? Fuck. Fuck me for believing on that shit."

"I'm sorry." Tumalikod siya at naglakad palayo.

Naglalakad ako papasok ng bahay namin nang tulala, ang tagal mag-sink in sa akin na gano'n na lang 'yun. Pagkatapos ng lahat, wala akong ibang maririnig kung hindi 'I'm sorry'. Tangina.

Pero sobrang proud ko sa sarili ko na hindi ako umiyak, ni isang patak ng luha walang tumulo sa mga mata ko. Nakangiti lang din ako sa lahat ng tao, kapag may magtatanong kung okay lang ako, ngingiti ako at sasagot na 'okay lang', pero patay na ako sa loob, at lalong pinapatay sa paglipas ng mga araw.

Gano'n lang, gano'n lang natapos 'yung kwento namin.

"At hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin 'yung mga huli niyang salita. Pero naka-move on na ako ah, kasi kung hindi, hindi ko magagawang isulat ito. Masyadong marami na akong naikwento. I'll just leave you with this... Live. And love. Thank you."

Bumaba na ako ng stage, kasabay no'n ang palakpakan ng mga tao. I published a book, our story, nabasa ko lang na nasa bucketlist ko pala na makapag-publish ng libro at maisulat ang sariling love story. Hindi ko naman inasahang may papatol sa libro ko e wala naman itong magandang cover at hindi pinag-isipan ang title. Pero masaya ako sa nangyayari ngayon. Sinalubong ako ni Raniel pagkababa ko.

"Congrats, Alee." At niyakap niya ako.

"Thanks." We're good friends.

Sinalubong din ako ng mga kaibigan ko para batiin, sina Krystal, April, at Marca.

At si Jae? Wala na akong balita sa kanya matapos no'ng 'I'm sorry' niya, pero hindi ko pa rin talaga matanggap kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi ko rin hinihiling na balikan niya ako, hindi rin ako nagsisising dumating siya sa buhay ko at minahal ko siya, ang totoo nagpapasalamat ako sa kanya sa pagpapa-realize sa akin na self company far way better. Kailangan ko lang siguro ng closure.

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa NBS, dumiretso ako sa shelf kung nasaan ang libro ko. para akong siraulo na pinagmamasdan at inaamoy-amoy ang mga iyon.

"Madalas ko ba rito?" napukaw ang atensyon ng babaeng nagsalita sa kabilang shelf, pasimple akong sumilip. May kinakausap siyang lalaki na abalang nagbabasa ng libro, siguro ay mga nasa 19 o 20 ang edad nila. Uy dejavu.

"Yeah." Hindi man lang tiningnan no'ng lalaki 'yung babae.

"Ano 'yang binabasa mo?" tanong ulit no'ng babae.

"Kung ginagamitan mo ako ng taktika ni Jae na ginamit niya kay Alee, sorry hindi effective." Binalik no'ng lalaki 'yung binabasa niyang libro at lumabas ng NBS. Naiwang nakatulala do'n ang babae. Natawa na lang ako sa nakita at lumabas na rin ng NBS. Palabas ako ng mall nang makasalubong ko si Jae, nagsalubong ang mga mata namin.

"Alee..." matamlay 'yung boses niya.

"Hey." Pero ako cool lang.

"I'm sorry..." bakit nakakapang-init 'yung salitang sorry?

"I'm sorry lang ulit? Wala ka na bang ibang alam sabihin?"

He told me different reasons, but I don't care. "I want you back."

"Wow. Really? You still have the guts? I'm sorry I'll just marry myself instead." Hindi ko na hinintay 'yung susunod niyang sasabihin, lumabas na ako.

"Hoy tulala ka na naman! ano na namang ini-imagine mo? Na iniwan kita?"

Bumalik lang ako sa realidad nang maramdaman kong sumakit 'yung noo ko dahil sa pagpitik ni Jae. "Bakit namimitik ka na naman?"

Ginulo niya 'yung buhok ko. "Bawal mag-imagine ng bagay na hindi naman mangyayari."

"Hindi natin alam."

"Sira! Simula nang ibigay ko sa'yo 'yang relo na 'yan, pinangako kong magsasama tayo nang matagal. Sandali pa lang tayong magkasama.

Tiningnan ko 'yung relong suot ko, lumang-luma na pero hindi ko pa rin pinapalitan.

Inangat ni Jae 'yung mukha ko. "Gets?" and then he kissed my forehead.

-END-

am��� h�

antsy :: nct x blackpink [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon