Chapter 2
Magkikita kami ni Krystal sa Romeos ng 3PM, pero 2:30 na nasa bahay pa rin ako. Okay lang 'yun, kung late ako, mas late si Krystal sa mga lakad. Nag-browse muna ako ng kaunti sa phone ko bago umalis. 3:45 ako dumating sa Romeos, pero wala pa rin siya. See? Nag-order muna ako ng iced coffee habang naghihintay sa kanya.
"Iced coffee for Alee."
Tumayo ako para kunin 'yung order ko. Bago pa ako makabalik nang tuluyan sa seat ko natanaw ko ang isang lalaki na nakaupo sa upuan sa table na ino-occupy ko, kaya sa katabing table na lang ako umupo. Pero lumipat din sa opposite seat sa table ko. Creepy.
"Wait, Jae?" Holy sh—
Mukhang tama ako dahil ngumiti siya nang marinig 'yung sinabi ko. "Akala ko hindi mo na ako maaalala."
Paano naman kita makakalimutan, 'di ba? Isang buong araw kang nasa isipan ko. I mean 'yung nangyari lang pala, hindi ikaw. Pagkakataon mo na 'to, Alee. Itama ang pagkakamali. Socialize. Sinimulan ko sa pagtingin sa kanya, no'ng nakaraan kasi iniwasan kong tingnan siya dahil sa awkwardness. Mas lalo kong nakita 'yung bawat detalye sa mukha niya ngayong nakatingin ako sa kanya.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya.
Tumango lang ako. Bakit wala akong masabi? Sinabi ko na ngang kakausapin ko na siya nang maayos sa susunod na makikita ko siya e. What now, Alee?
"Bumili pala ako ng libro ni Ricky Lee, binabasa ko na ngayon." Sabi niya at pinakita sa akin 'yung Para kay B. "Ito lang 'yung nakita kong libro niya sa bookstore."
"Maganda 'yan."
"'Yung binabasa mo sa bookstore, maganda rin ba 'yun?"
"Ah oo, kay Eros Atalia."
"Sige 'yun ang susunod kong bibilhin. May iba ka bang pupuntahan pagkagaling dito?"
"Wala, magkikita lang kami ng kaibigan ko dito."
"Oh, I see. So hindi pala ako pwedeng magtagal na kausapin ka, anytime pwedeng dumating 'yung friend mo."
Tumango lang ulit ako. Nakakainis naman e, bakit hindi ko magawang makapagmanage ng maayos na conversation?
"Sige mauuna na ako, nice seeing you again. Pwede ka ba sa Wednesday? Sa NBS ulit sa SM Bicutan, same spot."
Inaaya ba niya akong makipagkita ulit sa kanya? Obviously. "Sige."
"Alright. See you then. 3PM." Tumayo na siya at lumabas ng Romeos.
Para akong nakahinga nang maluwag pagkaalis niya. Another fail and awkward encounter with Jae. Next time, next time ayusin mo na ang sarili mo, Alee. Kung kailangang gumawa ka ng script para maging maayos 'yung usapan 'nyo gawin mo.
Maya-maya ay dumating na si Krystal.
"Wow naman sa 3PM na usapan, 4:30 na kaya." Bungad ko sa kanya pagkadating na pagkadating.
"Sorry na. Wait order lang ako." Pagbalik sa table namin ay kinuha niya 'yung phone mula sa bag. "So ano sasama ba tayo?"
"May naka-set na bang date?"
"Wala pa, ino-organize pa nila, pero pupunta raw si Raniel. Yieeee!"
Nandito na si Raniel? Nangingiti na lang ako kapag naaalala siya, hindi ako sigurado kung crush ko pa rin siya, pero hindi na ako nagkaroon ng iba pang crush kagaya ng sinabi niya. "Kailan pa siya dumating?"
"Last week lang. Kaya pumunta na tayo para magkita na kayo ulit."
"Pwede naman kaming magkita anytime kahit hindi reunion ah."
"Talaga kaya mo? Hindi ka mahihiya at kakabahan? Hindi ka maa-awkward?"
"Not sure."
"'Di ba? kasi nga crush mo pa rin siya."
"Hindi ah. Ang tagal na no'n elementary pa."
"Hindi natin alam. Try nga natin." Nagtap si Krystal sa phone niya at tinapat sa tainga. "Kausapin mo nga siya." Sabay tinawanan ako.
Anong ginagawa niya? Tinatawagan ba niya si Raniel? Anong gagawin ko?
"Hello, Raniel? Kamusta na? Pupunta ka bang reunion? Sabi mo 'yan ah, pupunta ka. Ay gusto ka nga palang kausapin ni Alee." Sabay abot niya sa akin ng phone.
(Hello?) Shi— narinig ko sa kabilang linya 'yung boses niya. Malalim na malamig pakinggan. Ilang taon na ba ang lumipas?
"H-Hello?"
(Aleea? Oh kamusta na?)
"Ayos naman. Kailan ka pa dumating?" Pinilit kong magtunog kalmado kahit na parang kakawala na sa dibdib ko 'yung puso ko sa kaba. Normal lang naman siguro 'yun kasi si Raniel 'yun, childhood crush ko, kahit na lumipas 'yung panahon hindi pa rin mawawala 'yung katotohanang naging crush ko siya.
(Last week lang. Pupunta kang reunion?)
"Oo, ikaw?"
(Oo, magkikita na pala ulit tayo. See you.)
"See you." At inabot ko na kay Krystal 'yung phone niya.
"Sige, Raniel, bye." At binaba na niya 'yung phone. "Namumula ka, Alee. Kinikilig ka."
"Hindi ah."
"Okay lang 'yan, sa akin ka pa ba magsisisnungaling?"
"Pero hindi ako kinikilig."
"Okay sabi mo e. So ano nang ganap mo ngayon? Kamusta acads? Ga-graduate ka ba sa April?"
"Oo naman gagraduate ako 'no. pero sobrang tangina lang talaga ng acads, nakakabwiset 'yung mga prof. Nabanggit ko naman na sa'yo 'yung sobrang mahal naming requirement, 'di ba? Internship at thesis pa."
"Kakatapos nga lang ng defense namin e, grabe ilang gabi akong hindi pinatulog no'n, tapos exams pa. Fuck acads talaga, gusto ko nang matapos lahat 'to. Magco-concert at music festivals talaga ako pagkatapos nito."
"Walwal talaga."
"Pero balik tayo kay Raniel, paano kapag nagkita kayo tapos ligawan ka niya?"
"Ilusyon 'yun, Krystal, ilusyon."
"Walang imposible 'no? Paano nga lang?"
"Hindi ko alam, hindi ko naman iniisip 'yun kasi alam kong hindi mangyayari."
"Paano pala kung no'ng elementary tayo crush ka rin ni Raniel? Hindi lang niya inamin kasi hindi niya alam na gano'n ka rin sa kanya."
Hindi ko nga pala naikwento dito kay Krystal na alam ni Raniel na crush ko siya noon. "'Yang imahinasyon mo ang layo ng nararating ah. Ganyan pa nagagawa ng paghahabol sa mga band member?"
"Gaga!"
Kung anu-ano pang pinag-usapan namin, bihira na rin kasi kaming magkita ni Krystal ngayon dahil nga pareho kaming graduating at busy sa acads. Medyo maaga rin kaming naghiwalay dahil may klase pa ako kinabukasan.
Diyos ko! Tanghaling-tapat naglalakad ako sa kahabaan ng Shaw Blvd. para maghagilap ng building kung saan ako magpapasa ng resume. Hindi talaga mapagkakatiwalaan minsan 'tong Google Maps. Tagaktak 'yung pawis at nagmamantika na ako nang makarating sa building. Dumiretso ako sa guard sa lobby kung saang floor 'yung company na pagpapasahan ko ng resume.
"9th floor, Miss."
"Sige salamat po." Pumunta na ako sa may elevator.
Nakapagpasa naman ako at sinabihang tatawagan na lang. Nag-lunch muna ako sa malapit na McDo. Pagtingin ko sa orasan ko, saktong sa petsa ako napatingin. Wedensday. Hala ngayon dapat kami magkikita ni Jae. 2PM na, 3 ang usapan. Pero totoo ba 'yun? I mean, baka pinagti-tripan niya lang ako, kasi hindi naman talaga kami magkakilala, dalawang beses pa lang kami nagkita at hindi pa nagiging maayos 'yung mga usapan namin. Bahala na. Kung sumipot siya, maganda, kung hindi naman okay lang tatambay na lang ako doon. But I am low key hoping that he'll show up.
BINABASA MO ANG
antsy :: nct x blackpink [complete]
Short StoryLuciel Aleea de Chavez is your typical college girl, sinusumpa ang acads, walwal is life, enjoys self company most of the time, and socially awkward. There's Jae Ong, a guy she met in an unexpected and awkward way. And while enjoying Jae's company...