3

122 6 0
                                    

Chapter 3

Nakarating akong SM ng 3:30, late na ako pero magbabaka-sakaling nandoon pa siya kaya patakbo akong pumunta sa NBS, sa parehong spot kung saan kami unang nagkita niya Jae, pero wala na siya doon o baka hindi naman talaga siya pumunta. Medyo nalungkot ako na wala siya doon. Naglakad na ako palabas, tatambay na lang muna akong food court.

"Hindi mo man lang ako hinanap."

Paglingon ko sa likuran ko nakita ko si Jae na nakangiti.

Pinigilan ko 'yung sarili kong ngumiti nang makita siya. "Sorry late ako."

"Okay lang, at least dumating ka. Gusto mo magkape?"

"Ha? Sige."

"Let's go." Nauna siyang naglakad palabas at sumunod naman ako. Pumasok kami sa Dunkin' Donut, um-order siya ng dalawang iced coffee at donut, at naupo kami sa bakanteng table sa sulok. "Akala ko hindi mo ako pupuntahan ngayon."

"Akala ko pinapunta mo lang ako para pag-tripan." Wow. Ito na 'yung pinakamahaba kong sinabi kay Jae, I'm so proud of myself. Nagawa ko rin siyang tingnan, though medyo naiilang pa rin ako, pero nilalabanan ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Well, hindi naman kita masisisi kasi ang weird kung paano at kung saan tayo nagkakilala, pangalan lang ng isa't-isa 'yung alam natin, wala tayong mutual friend, so it's reasonable na hindi mo ako pagkatiwalaan agad."

Buti na lang naiintindihan niya ako. "Gano'n ka rin naman dapat 'di ba?"

Nginitian niya ako. "Hindi. The moment I saw you, that's the time I started trusting my instinct, at sabi ng instinct ko pagkatiwalaan daw kita."

"Bakit naman?" Weird. Bakit naman niya ako pagkakatiwalaan ng gano'n na lang?

"Ewan, 'yun ang sabi ng instinct ko e. Hey, don't get me wrong, wala akong masamang intensyon sa'yo ah."

"Wala ka naman kasing mapapala sa akin kahit pa may masama kang intensyon."

He chuckled. "I'm glad na mas marami na sa dalawang salita 'yung sinasabi mo."

Ako naman 'yung natawa sa sinabi niya, and with that giggle I think I am starting to feel comfortable with this creature. Good job, Alee, you're step away from being socially awkward. "Bago nga 'yun e."

"So marami na 'yung limang salita kapag nakikipag-usap ka?"

"Sa stranger, yes."

"I understand. So I guess hindi na ako stranger sa'yo."

"Halfway there."

"That's a good thing, at least may improvement. So okay lang na magkita ulit tayo next time?"

At may balak talaga siyang makipagkita ulit? Okay lang naman. Siguro. "Sure."

"Sige sabi mo 'yan ah."

At nagkita nga ulit kami ni Jae nang sumunod na linggo, not once, not twice, but several times. We talked about random things, books, movies, music. Kahit na gano'n ay hindi ako nabo-bored kausap at kasama siya, in fact mas naging kumportable na nga ako. Pero kahit na madalas kaming magkita at mag-usap ay hindi namin napag-uusapan 'yung mga personal na bagay tungkol sa amin, wala kaming alam sa isa't-isa, kahit number o Facebook, and I don't know if it's a good thing or not.

"Nood tayong gig next week sa Saguijo?" tanong ni Jae habang nanonood sa bandang nagpe-perform sa harapan. Nasa Padi's kami sa may seaside, one on one kami.

"Sure, tara!"

"Tara na, 'di ba sabi mo may commitment ka bukas? Teka, sigurado ka bang wala ka pang tama? Kaya mo umuwi mag-isa?"

antsy :: nct x blackpink [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon