Chapter 1
Good morning. Sorry something came up. Won't be able to come to class today. Will send materials for reading.
Nagpost 'yung prof namin sa Facebook group. Yes! Walang klase. Pero dahil nabigay na ni Mama 'yung baon ko aalis pa rin ako, ang problema lang kung saan ako pupunta. Nanatili pa ako sa kama ng ilan pang oras at nag-browse sa phone bago bumangon. Natapos na ako't lahat kumain at maligo pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Umalis ako ng bahay at sumakay ng jeep pa-Bicutan, bahala na kung saan mapadpad.
At dinala nga ako ng mga paa ko sa SM, tama dito na lang para hindi na ako lumayo. Pagpasok ng SM diretso ako sa Philippine Fiction section sa National Bookstore. May grupo ng mga babae na halos masakop na 'yung buong space sa may shelf, kaya kailangan ko pang umikot sa kabilang dulo para makita 'yung mga libro. Tingin-tingin muna ng mga libro hanggang sa makita ko 'yung bagong libro ni Eros Atalia, kinuha ko at tiningnan 'yung synopsis sa back cover.
"Madalas ka ba rito?" sabay-sabay na nagsasalita 'yung mga babae, pero 'yung boses ng lalaki ang pinakanarinig ko dahil halos magkatabi lang kami. Tinapunan ko siya ng tingin para i-confirm kung ako ba 'yung kausap niya o kasama niya 'yung mga babae, pero sa akin siya nakatingin. Matangkad siya, so medyo nakatingala ako no'ng tiningnan ko siya. Okay gwapo rin siya, naka-glasses, at ewan ko kung ako lang ba 'yun pero parang nagningning siya sa paningin. Enough, ang exaggerated no'ng nagniningning. So ako 'yung kausap niya?
Binalik ko 'yung atensyon ko sa libro. "Mmm." Sabay tumango ako. Teka lang. Sino ba 'to? Bakit niya ako kinakausap?
"Anong libro 'yan?" tanong niya ulit.
Pinakita ko 'yung bookcover. "Ito."
"Ah."
Pinagpatuloy ko 'yung pagbabasa, hindi na rin siya nagtanong ulit.
"Anong book maire-recommend mo?"
"'Yung kay Ricky Lee." In-scan ko 'yung shelf kung may libro ni Ricky Lee, kaso wala. "Wala siyang libro dito e."
"Tungkol saan 'yung mga libro niya? Mga jokes ba 'yun?"
"Jokes?" natawa ako nang kaunti sa sinabi niya. Napatingin tuloy ako sa hawak niyang libro, kaya naman pala kasi, libro ni Michael V. yung hawak niya. "Hindi, novels 'yun."
"Ah." Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Bakit?" bakit may pagtatanong na ng pangalan? Harmless naman siguro siya 'no? Kasi nasa loob naman kami ng bookstore sa loob ng mall. Pero bakit kailangan pang itanong 'yung pangalan?
"Mmm?" mukhang hindi niya ako naintindihan.
"Alee."
"Nice meeting you, Alee. Jae nga pala. Taga rito ka lang ba?"
"Ah hindi, Parañaque pa ako."
"Sa BF Homes?" What? Bakit pati kung saan ako nakatira tinatanong niya? Seriously, mas nagiging awkward 'yung atmosphere dahil sa tanong niya.
"Merville."
"Ah, so saan ka nag-aaral?"
"PUP."
"Saan? Sa Manila o Taguig?"
"Manila."
"Edi makabayan kayo doon?"
"Oo naman." Kailangan ko nang sumibat dito dahil baka kung saan pa mapunta 'yung usapan naming at bigla na lang akong mawala dahil nilamon na ako ng awkwardness ko. "Sige alis na ako ah." Tumalikod ako agad at nagmamadaling naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
antsy :: nct x blackpink [complete]
Short StoryLuciel Aleea de Chavez is your typical college girl, sinusumpa ang acads, walwal is life, enjoys self company most of the time, and socially awkward. There's Jae Ong, a guy she met in an unexpected and awkward way. And while enjoying Jae's company...