Chapter 4
"Hindi maayos 'yung construction ng theory, 'yung conclusion mo magulo rin, i-revise mo 'yung buong chapter four at tsaka mo ipasa sa akin." Sabi ng thesis adviser ko.
"Sige, thank you po, Sir."
"Next week ang deadline niyan."
"Opo." Tumalikod na ako at lumabas ng faculty room.
Badtrip naman! Pangatlong revise ko na 'to ah. Sinusunod ko naman 'yung mga pinapabago niya kapag nagpapa-consult ako, tapos pagkapasa may iba na naman siyang makikita na ipapabago. Ano ba talaga? Bwiset naman oh.
Pagdating ko ng Saguijo, hinanap agad ng mga mata ko si Jae, pero wala akong ni anino niya. Baka hindi pa dumadating, 9PM pa lang naman. Lumabas muna ako para hintayin siya, at pagkalipas ng siguro 15 minutes ay dumating na siya.
"Sorry late ako, kanina ka pa ba?" Pawis na pawis at hinihingal siyang lumapit sa akin.
"Hindi naman."
"May biglaan kasing meeting sa org, medyo late na natapos."
"I understand. Pasok na tayo, nagse-set up na sila no'ng lumabas ako, baka nagsisimula na 'yun." Sabay kaming pumasok. And like we always do, in-enjoy namin 'yung mga set, 'yung drinks, at 'yung moment. Uminom din pala ako nang madami dahil sobrang nababadtrip talaga ako sa adviser ko.
2AM na natapos 'yung gig. Nagpalipas muna kami ni Jae sa malapit na 7eleven, pagpasok namin ay dumiretso ako sa bakanteng upuan at tumungo sa table, medyo nahihilo ako. Napapadalas 'yung paglalasing nitong mga nakaraang araw ah.
"Lasing ka. May problema ba?"
Umiling lang ako.
"Wala o ayaw mong pag-usapan? I know it's kind of awkward dahil ni minsan hindi tayo nag-usap tungkol sa mga personal na buhay natin, pero kung may dinadala ka na gusto mong ilabas willing naman akong makinig."
"Tangina ng thesis. Tangina ng adviser ko. Tangina ng pressure at expection. Tangina ng frustration. Tangina ng lahat. Sobrang tangina." Hindi ko alam kung naintindihan niya 'yung mga sinabi ko dahil nakatungo pa rin ako sa lamesa, dahil bigla na lang tumahimik at wala man lang siyang reaksyon. Siguro dahil na-realize niyang wala pala siyang pakialam sa shit ko sa buhay. Bakit naman ba kasi sinabi ko pa 'yun? May disadvantage rin pala 'yung lakas ng loob na nadudulot ng alcohol, kung anu-anong walang kwentang bagay ang nasasabi ko. Inangat ko 'yung ulo ko para tingnan 'yung I-don't-give-a-shit face ni Jae, pero wala akong nakitang Jae. Nilibot ko 'yung paningin ko sa buong 7eleven at nakita ko siyang naglalagay ng hot water sa cup noodles.
Maya-maya ay lumapit siya sa akin dala 'yung noodles at mineral water. "Kumain ka muna para bumaba 'yang tama mo at tsaka natin pag-usapan 'yung problema mo."
Ayaw ko nang pag-usapan 'yung problema ko, pero kinain ko pa rin 'yung cup noodles. Tahimik lang kami the whole time, dito na kami sa 7eleven magpapalipas ng umaga, kapag lumiwanag na tsaka kami uuwi. Hindi na rin ako tinanong pa ni Jae, siguro alam na niyang ayaw kong pag-usapan.
"Pwede ba akong pumunta sa school mo?" tanong ni Jae habang naghihintay kami ng masasakyan.
Nagulat ako sa tinanong niya, dahil kung sakali ay unang beses niyang pupunta sa school, palagi lang naman kasi kami nagkikita kung saan. I think he's slowly taking steps into my life, at hindi ako sigurado kung magandang idea 'yun. "You don't need to." 'yun lang ang sinagot ko.
"Okay, I understand."
Madali naman pala siyang kausap. Maya-maya ay may nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
antsy :: nct x blackpink [complete]
Short StoryLuciel Aleea de Chavez is your typical college girl, sinusumpa ang acads, walwal is life, enjoys self company most of the time, and socially awkward. There's Jae Ong, a guy she met in an unexpected and awkward way. And while enjoying Jae's company...