Chapter 3: 2 years gone

1.8K 34 2
                                    

Nakatulog lang ako sa byahe dahil matagal pa din naman kaming makakarating dun at sobrang tagal pa bago yung theraphy ko. Oo theraphy ang pupuntahan ko. 2 years akong nawala, at sa 2 years na yun naging routine na ng buhay ko itong twice a week na theraphy na toh.

Nagising ako dahil sa ibang ihip ng hangin sa muhka ko. Mabangong hangin, amoy mint. Teka... mint? Kelan pa nagamoy mint ang hangin?

Kunot noo kong binuksan ang dalawang mata ko.

"Aaaaaaaaaaaaaaah!" napakalakas na sigaw ko dahil nagulat ako. Ikaw ba naman ang magising na isang gwapong nilalang ang nasa harapan mo? Sinong hindi magugulantang.

At sino pa ba ang nilalang na yun? Syempre ang bestfriend ko lang naman, na tawa ng tawa habang hinihimas ang balakang nya. Matanda na ba sya? Ang alam ko magkasing edad lang kaming dalawa ah.

"Ang epic ng muhka mo Kate." pangaasar nya habang tumatawa pa din.

"Anong ginagawa mo dyan sa simento?" tanong ko sa kanya. Kasi naman nakaupo sya sa simento, at muhka syang baliw dahil nakaupo na nga sya dun habang patuloy na tumatawa at hinihimas yung balakang nya. Kahit sinong makakita sa kanya ay iisiping baliw sya.

"Ang lakas mo palang manulak. Hahaha." Manulak? Ibig sabihin ako ang dahilan kung bakit sya nakaupo ngayon sa simento? At nakabukas pala yung pintuan ng kotse nya? Oo nga noh, nasa kotse pa din pala ako.

"Ikaw kasi eh! Nanggugulat ka!!!" sigaw ko sa kanya, at ano pa nga ba? Edi nakapout nanaman yung nguso ko.

"Ginigising lang naman kita haha." Nakatayo na sya ngayon ang pinapagpagan nya yung damit nya.

"Nasa ospital na ba tayo? 2 hours na akong nakatulog?" Parang idlip pa lang naman yung nagawa ko ah.

Nilingon ko yung paligid. Bakit wala naman atang mga nurse sa paligid? At ang daming tao, ay natural madami kasi naman public place po toh Katie! Tanga mo talaga.

Ok ang baliw ko. Sinasagot ko yung sarili ko.

"Huy Kate!"

"Ay peste ka talaga Nathan! Ano ba?!" Napaurong ako dito sa back seat na inuupuan ko dahil itong si Nate nanggugulat.

"Nakikinig ka ba?" binalewala nya lang yung pagsigaw ko. Oo, sumisigaw ako! Pero once in a blue moon lang naman.

"Ano ba sinasabi mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sabi ko kasi wala pa tayo sa ospital, nasa mall tayo ngayon kung makikita mo may nakalagay dyan sa harap mo na SM ang nakasulat."

Tinignan ko ulit yung malaking gusali sa harap namin. Oo nga noh, SM yung nakasulat dun. Bat di ko napansin yun kanina? Akala ko billboard lang eh.

"Anong gagawin natin dito?" lumabas na din ako ng kotse kasi nakakahiya naman sa bestfriend ko, kanina pa sya nakayuko sakin habang ako nakaupo sa SASAKYAN NYA.

Daydreaming, No More (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon