Chapter 6: Best day ever

1.2K 27 4
                                    

'Renz my labs nasaan ka na?!' tanong ko sa sarili ko. Kanina pa ako patakbo-lakad dito sa buong university.

Kalaki pa naman nito!!!

Hinahanap ko kasi si Renz my labs para sa tutoring session ko. After nya kasi umalis kanina sa algebra class namin kinausap pa ako ni ma'am. Kanina ko lang nalaman na Yranna (I-rah-nia) pala ang pangalan nya, at Ma'am Yrah ang gusto nyang itawag namin sa kanya.

Ang sabi niya sakin ako na lang daw ang lumapit kay Renz my labs dahil daw sadyang masungit yun.

Bago lang pala kasi si ma'am at last year lang sya pumasok dito sa university. Kaya siguro hindi nya alam kung anong nangyari samin ni Renz my labs dati. Akala naman nya hindi ko alam ang ugali ni Renz my labs. Sa lahat ata ng taong nakakasalamuha nya at sinusungitan nya ay ako lang ang nakakatagal sa kanya.

Araw-araw pala silang nag-aactivity sa Algeb, sabi din ni maam, kaya naman dapat na daw ako masanay na magdala ng mga kailangan kasi bawal talaga ang manghiram sa klase niya.

Tapos na din ang araw na toh para sa mga klase ko. So far so good naman. Kaso nga lang isa lang ang subj ko with Renz my labs, and sadly kaklase ko din pala si Nathan dun. I pouted at the thought. Kaya lang pala sya wala kanina kasi hinanap nya daw ako buong algebra period. Nakaramdam naman ako ng guilt para sa bestfriend ko. Hindi sya nakaattend ng klase nya dahil sakin lang.

Ngayon, hinahanap ko si Renz my labs dahil bukas daw di na ako exempted sa activity

Tumigil muna ako sa paglakad-takbo at naupo sa isa sa mga benches dito na katapat ng CB2(College Building 2) Ito ang English and Literature dept. Isa lang naman yung nakaupo dito kaya maluwag, pwedeng makitabi. Tsaka muhka namang wala syang pakielam kasi nagbabasa lang sya sa libro nya.

Nagbabaka sakali lang akong nandito na si Renz my labs at iniintay ako para turuan. Ahihi. Asa naman ako.

Tumingin ako sa paligid ko. Pero wala ni isang sign ni Renz my labs. Hays. Hahanapin ko na lang ulit siya.

At nilibot ko na nga ang BUONG CAMPUS ng DALAWANG beses ULIT. Napapagod na talaga ako!!! Pero hindi ako pwedeng sumuko sa paghahanap kasi sayang din yung time na makakasama ko sya, este yung matututunan ko mula sa kanya.

Umupo ulit ako sa bench na inupuan ko kanina. Ganon pa din kasi ayos ng mga tao dito, itong bench pa din na toh ang may nagiisang nakaupo at yun pa din yung babae kanina. ang pinagkaiba lang ang sama na ng tingin niya sakin.

"Uhm... h-hi?" nagaalanganin kong bati. Baka naman kasi mamaya gusto lang makipagkaibigan at ganyan lang talaga sya tumingin.

Laking gulat ko ng sumigaw siya. "ALAM MO BANG NAKAKAHILO KA NA?! KANINA KA PA PAIKOT-IKOT DITO HINDI KA NAMAN MAHALAGA SA INAANTAY MO! STUPID! BWISET!" with that tumayo na sya at dumiretso sa library.

Naiwan naman akong nakatulala lang sa inuupuan niya kanina. 'Anong problema nun?' Muhkang may pinanghuhugutan yun ah.

Medyo nahiya naman daw ako kasi pinagtitinginan ako nung mga nasa ibang bench. Kaya naman tumayo na lang ako at hinanap ulit si Renz.

'Nasaan ka na ba ka---'

"Kaibigan ka tas hindi mo alam kung nasaan?!" napatigil ako ng marinig ko yung boses na yun, boses ni Renz yun eh. 'San nanggagaling yun?' Pinakinggan kong mabuti kung saan.

"Ah eh, kasi nga Renz a-ano... uhm---" nauutal na sagot ng isang boses ng babae. 'Sino kausap nito?'

"Sasabihin mo ba o sasabihin ko kay Rob na sinungaling ka?" Rob? Yung kaibigan niya? So girlfriend pala ni Rob yung kausap niya. Pero wala na akong pakielam dun.

Daydreaming, No More (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon