"Welcome to your new home ihja." nakangiting sabi samin ni Tita Pat. Sya yung amo ni nanay. Patricia daw ang pangalan nya. Tapos yung lalaking kasama nya nung isang araw sa ospital ay si Tito A. Ewan ko kung bakit ganon ang gusto niyang ipatawag.
2 weeks na ang nakalipas ang magaling na din si Lola kaya dinala na nila kami dito.
"Wow." sabay naming sabi ni Karla ng makita yung kabuuan ng bahay nila. 'Ang laki-laki! Masyon ata toh eh! Buti na lang dun lang sa kwarto nung anak nila ako maglilinis.'
"Oh sige na, ihahatid kayo ng mga maids namin sa magiging kwarto nyo. Kahit naman maglilinis ka ng kwarto ng anak ko eh bisita pa din namin kayo."
"Salamat po." sagot ko sa kanya.
Dumating yung mga maids na sinasabi niya at hinatid kami sa mahaba at malaking hagdan papunta sa taas nila.
"Teka bakit parang nakita ko na tong bahay na toh?" bulong ko kay Karla.
"Baliw ka kasi."
Tinapik ko yung braso nya, dahilan para ismidan nya aoo."Aish! Seryoso ako noh!"
"Nandito na po tayo. Ito ang magiging kwarto nyo." binuksan nung maid yung beige na pintuan kung saan kami huminto.
Simple pero malaking kwarto ang nasa loob nun. With two beds, lampshade, cabinet, table, chairs at may pintuang puti din.
Iniwan kami nung maid nila. Napatulala na lang ako sa kwartong toh, eh mas malaki pa toh kesa sa bahay namin!
"Ang ganda dito Karls." sabi ko kay Karla habang nagpapaikot-ikot. "Dito na lang tayo tumira." dagdag ko pa bago humiga sa isa sa mga puting kama na may purple na comforter at niyakap ko yung unan na nasa itaas ng ulo ko.
"So feeling mo mayaman na tayo ngayon?" mataray na tanong nya sakin. Napabangon naman ako sa pagkakahiga ko at naupo na lang sa kama.
"Hindi naman sa ganon, pero... ang sarap lang siguro nung ganitong buhay." pinagmasdan ko yung kabuuan ng kwarto, mas gugustuhin ko pa atang tumira dito sa kwarto na toh kesa sa isang bahay na mas triple ang niliit dito. Hanggang sa napadpad ang tingin ko kay Karla na ngayon ay nakatingin lang din sakin ng seryoso, nag-iwas ako ng tingin. Alam ko kung anong iniisip niya, at bilang mas nakakatanda sa kanya masakit isipin na hindi ko man lang kayang bigyan ng maayos ng tirahan ang nakababata kong kapatid, instead of doing something for her ito ako habol ng habol kay Renz na hindi naman ako pinapansin.
I looked away, sending ng gaze over the open door. "Ang swerte nung mga anak nila tita Pat at tito A noh?" tanong ko ng nakangiti sa kanya. "Hindi na sila nahihirapan sa buhay nila.Pero sino kayang mga anak nila? Nakwento lang naman kasi satin ni nanay na mababait daw yung mga bata, well except dun daw sa lalaki na masungit, pero the rest... yung eldest daw tsaka yung pamangkin nila tita Pat na dito din nakatira mabait na daw."
"Muhka bang may pakielam ako sa mga taong yun? Basta pinapakain at pinapatira nila tayo dito ng libre, ok na ako." sagot nya bago umupo sa kabilang kama na katapat ng inuupuan ko.
"Alam mo ang sungit mo talaga." pang-aasar kp sa kanya.
"So what?" mataray na tanong nya at binato ako ng unan na nasa kama na inuupuan nya.
"So what so what ka dyan!" magkasunod ko naman ibinato yung dalawang unan na nasa kama ko at hinawakan yung isang ibinato nya sakin.
Gumanti naman din sya at gumanti din ako, hanggang sa lumipat na sya sa parte ko at nagpillow fight na kami. Tawanan lang kami ng tawanan habang naghahampasan ng malalabot nilang unan. Kelan nga ba ulit kami naging ganito kasayang dalawa? Nung mga panahong nagugustuhan ko pa lang si Renz, nung panahong hindi pa ako nababaliw sa kanya.
BINABASA MO ANG
Daydreaming, No More (On-Going)
Dla nastolatkówWhat will happen now that Katie; the daydreamer, is back in reality? Will she live in happiness with Renz like how she daydreamed it? Or will she suffer more because of him? Or maybe there will be a certain someone who will save her heart from break...