"Karla! Nakita mo ba yung notebook ko?" tanong ko sa taong pumasok sa kwarto namin ng hindi nakatingin dahil patuloy ko pa ding hinahanap yung notebook na kakailanganin ko simula ngayon.
"Hindi. Ano namang pakielam ko dun?" taas kilay nyang sagot sakin. Lumabas na sya at iniwan akong hanap pa din ng hanap ng notebook ko.
'Notebook ko! Nasaan ka na?!' dapat na ata akong magpagawa ng teleserye, ang title "Nasaan ka Notebook ko"
*beep beep
"Hoy ate dalian mo nga! Forever pagong ka talaga eh noh?" sigaw ni Karla mula sa ibaba. Pero syempre joke lang yun, nasa sala lang sya dahil wala naman kaming 2nd floor.
Ang bahay namin ay isang palapag lamang at may tatloong pinto lang sa loob nito, isa para sa kwarto namin ni Karla, isa para kay nanay at isa para sa cr, sa gitna ang sala-slash-dining room at katabi nun ang kusina namin na walang ibang takip kundi kurtina.
"Hoy ate!!!" sigaw ni Karla kaya naman napamadali akong lumabas ng kwarto at muntikan pa akong matalisod, pero may naalala ako kaya naman bumalik ako sa loob ng kwarto namin at hinablot yung bag ko na nasa kama at tumakbo palabas ng bahay.
Sa labas nagaantay samin ang kotse ni Nate at syempre sya na rin.
"Goodmorning!" masigla pero hinihingal na sabi ko.
"Morning!" nakangiti nyang bati sakin. "Ikot ka nga." sinunod ko naman ang gusto nya at umikot. "Sabi ko na bagay sayo yan eh." Nagthumbs-up pa sya.
Ang sinasabi nya ay ang suot ko ngayon, galing kasi ito sa kanya. Para sakin pala yung mga pinamili nya kahapon. Tinanggihan ko nung una pero pinilit nya. *pout* Kapag college na kasi pwede ng casual lang ang suot namin. Pero si Karla nakauniform pa din. Ewan ko kung bakit nakauniform pa din ang mga 1st year college.
"Baka malalate na ako?" tinignan namin si Karla na nakalawit yung ulo sa bintana ng kotse ni Nate. 'Nakapasok na pala sya ng kotse?'
"Tara na." aya ni Nate at binuksan yung back door pumasok naman na ako at sumunod sya.
Buong byahe nagkwekwentuhan lang kami ni Nate habang si Karla natutulog, 20 mins ride din kasi toh mula samin.
-----
Ito kami ni Nate ngayon naglalakad lang sa campus. 9 am pa kasi yung klase namin, si Karla nandun na sa classroom nya, nalate nga sya kanina eh."Huy Nate, anong gagawin natin ngayon? Nakakatamaaaaaaaad."
Tumingin sya sa relos nya "Oo nga noh? 7:20 pa lang."
Napatigil kami sa paglalakad ng may tumawag sa kanya, and guess who?
Valyn.
"Hey!" balik bati sa kanya ni Nate.
BINABASA MO ANG
Daydreaming, No More (On-Going)
Teen FictionWhat will happen now that Katie; the daydreamer, is back in reality? Will she live in happiness with Renz like how she daydreamed it? Or will she suffer more because of him? Or maybe there will be a certain someone who will save her heart from break...