Chapter 8: Trouble

974 24 1
                                    

Naiiyak na ako ngayon, pero hindi! Hindi ako pwedeng umiyak sa harap nitong lalaking toh. Tsaka na lang kapag nakauwi na ako... kung nakakauwi pa ako ng buo. huhu

"Wag ka na kasing maarte miss. Nagpunta-punta ka dito tapos aarte ka." sabi niya sakin as a matter of factly.

"Eh kuya, bitawan mo na kasi ako. Uuwi na ako oh. Sige na kuya please." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ang arte mo naman eh!" sigaw niya sakin dahil na din siguro sa naiinis na siya at maingay talaga dito sa loob.

Natanggay niya na ako sa pinakasulok ng bar kung saan onti lang ang dumadaan... 'Oh God katapusan ko na ata!!!' Pero hindi pa pwede! Hindi pa nagiging kami ni Renz my loves! Hindi pa niya nirereveal ang tunay niyang nararamdaman para sakin!!! 'Oo, sige Katie! Ipush mo pa yan. Nasa pahamak ka na nga ganyan ka pa.'

"Kuya 'wag naman tayong ganito oh. Hindi pa nagiging kami nung mahal ko eh. Pagbigyan mo na ako!!! Pleaseeeeeeee!" pagmamakaawa ko kay kuya manghihila "Kung gusto mo sayo na lang tong nahingi kong Php 300.00, layuan mo lang ako"

"ANONG TINGIN MO SAKIN?! MAHIRAP?! MAY PERA AKO!!!" nilabas niya yung wallet nya gamit ang isang  kamay niya, pero yung isa nakahawak pa din sa dalawang kamay ko. "Nakikita mo yan?! times 5 niyan yang Php 300.00 na inaalok mo sakin!" pagmamalaki niya.

"Ano ba kasing gusto mo---" naputol yung sasabihin ko ng may magsalita bigla sa likod ko.

"So ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ng isang manly na boses mula sa likod ko.

"SINO KA BA HA?!" sigaw ni kuyang manghahatak. Infairness sa kanya ang lakas niya sumigaw! Nakakabingi.

"I'm his friend---" kalmadong sagot ng lalaki sa likod ko, pero pinutol agad siya ni kuyang manghahatak. Teka nga!!! Friend daw? Si Nate ba toh? Si kuya Chris? Eh pero di naman ganyan boses nung dalawa eh.

"Eh friend lang naman---"

"--- Boyfriend." tuloy niya sa naputol niyang sinasabi sabay hawak sa braso ni kuyang manghahatak.

"Teka! Teka! Anong boyfriend?!" paghihisterical ko.

"Makisakay ka na lang miss." bulong ni kuyang nasa likuran ko. 'Eh pano kung isa din tong manyak?! Pero ito lang din ang way ko para makaakas kay kuyang nanghahatak. Pero pano kung killer pala toh?' hindi pa natatapos ang pagiisip ko ng biglang napabitaw si kuyang nanghahatak sa akin.

Naramdaman ko na lang na may nakayakap na sakin. Infairness ang bango bango ni kuya! 'Aish! Katie wag kang malandi! Di mo pa kakilala yan! Di tulad ni Renz na since gradeschool stalker ka na.'

"You're safe now." sabi niya sakin. Dahil dun ay tuluyan nang tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Siguro naman ok lang umiyak na ako. May magliligtas na kasi sakin.

Kanina ko pa din pinipigilan ang iyak na toh simula pa lang nung makita kong palabas ng bar si Renz. 'Nakita niya ako! Tinitigan niya ako! Pero ni hindi man lang niya ako nilapitan para tanungin kung ok lang ako. Wala pa din siyang pakielam sakin.' 

Natigil ang pagradrama ko ng may marinig kaming hagulgol. Hindi lang sya basta hagulgol, malakas talaga siya. At ang nakakapagtaka ay nanggagaing ito kay kuyang manghahatak.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" tanong ko kay kuyang nagligtas sakin. Lumayo ako ng onti sa yakap niya kaya naaaninag ko na yung itsura niya, pero di ko pa din siya nakikita ng maayos. Pansin ko lang kanina ko pa sila tinatawag na kuya, hindi ko naman kasi talaga sila kilala. Kahit na naaninag ko na yung muhka niya, di ko pa din sya kakilala, though muhka siyang familiar, at sure akong di siya si Nate or Chris, lalo namang di siya si Renz.

Daydreaming, No More (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon