Chapter 10: Informations

938 19 2
                                    

Sinusundan ko ngayon si Renz habang  naglalakad sa hallway. Papunta ata sya sa girlfriend niya ngayon kasi nasa Tourism department kami.

Syempre hindi niya alam na sinusundan ko sya. Busy kasi siya sa cellphone niya. May tinatawagan ata, pero muhkang hindi sita sinasagot nung tinatawagan niya.

Sinusundan ko siya ngayon para makahanap ng tyempo na makausap siya. Kailangan niyang malaman na nagtatampo ako sa ginawa niya kahapon. Malay ko naman kung mahabag na siya sakin dahil sa muntikan ng mangyari sakin kahapon.

Huminto siya sa gilid ng isang room kung saan nagsisilabasan na ang mga estudyante, mga kaklase siguro ni Valyn para sa subject na toh. Tumigil na lang din ako sa poste malapit dun sa room na yun para hindi niya ako mapansin.

Aalis na sana ako dahil muhka namang walang chance na makausap ko siya ngayon nang makita ko si Valyn na nagmamadali na umalis ng makalabas siya sa room nila.

Halata sa muhka ni Renz ang gulat at pagkalito sa ginawa ng girlfriend niya pero muhkang pinagsawalang bahala niya na lang iyon at umalis na dun sa kinatatayuan niya.

Pero imbis na i-stalk ko sya, like the stalker that I am, tumakbo ako sa direksyon na pinuntahan ni Valyn.

There, nakita ko sya na ngumingiti kay Nathan, na bestfriend ko! Hinila niya pa yung braso nito at nagtatawanan silang dalawa habang papalabas ng university namin.

At dahil wala naman na din akong klase ay sinundan ko na lang sila, since sasabay naman ako kay Nathan pauwi ngayon.

Nagpunta sila sa isang coffee shop medyo malayo sa school. Nilakad lang nilang dalawa yung shop at nakasunod lang ako sa kanila ng ingat na ingat na hindi mahuli ni Valyn kahit na kanina pa siya lingon ng lingon sa likuran nila.

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Is she cheating on Renz? Pero impossible naman yun, kasi 2 years and counting pa din sila. Plus! 2 days pa lang since nung nakilala niya si Nathan! Pwede bang mangyari yung ganon?

Pinagpatuloy ko lang yung pagsunod sa kanila. Kaya naman napaorder na din ako ng frappe para lang masubay-bayan sila. 'Jusko butas ang bulsa ko dahil sa frappe na toh.'

Umupo ako sa medyo malayo sa kanila. Buti na lang nasaktong hoodie ang suot ko ngayon dahil tagulan naman yung panahon ngayon. Pero kahit na hindi ko na ata suotin ang hoodie ko ay hindi nila ako mapapansin dahil busy sila sa paguusap at pagtatawanan. There's something in Valyn's laugh. Parang alam niya na nanalo sya at nakuha niya ang gusto niya.

Pero ano iyon? Yung loob ba ni Nathan? Pero bakit gustong makuha yun?

-----

Tatlong linggo ang nakalipas at hindi pa din nawala sa isipan ko yung nangyari. Though after that encounter ay hindi ko na sila ulit nakita na magkasama, at nagkakasama na ulit si Renz at Valyn sa university after may kumalat na issue na break na daw sila or nagLQ. Hindi ko na din muna kinulit si Renz my loves dahil mainit pa sa mga tao yung issue nila, baka mamaya mapagdiskitahan nanaman ako nung mga fangirls ng ReLyn loveteam, kahit mas alam naman nilang kami ni Renz ko ang mas bagay.

"Hindi ko talaga maintindihan Karly." hinaing ko kay Karla. Nandito kasi kami sa canteen ngayon, dahil loner naman talaga ako at wala akong ibang nakakasama kumain kundi itong kapatid ko at si Nathan.

"Pwede tumigil ka sa palakad-lakad mo dyan at nahihilo ako sa'yo!" nakapalumbaba siya sa table ngayon habang sinusundan ako ng mga mata niya.

Umupo ako ng padabog sa katapat niyang upuan.

"Eh kasi naman eh!"

"Ano nanaman ba kasing di mo maintindihan ha?" masungit niyang tanong.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon sila pa din?!" napangangang tumitig sakin si Karla bago hinagis yung dalawang kamay niya sa ere.

"Jusmiyo ate! Ang iniisip kong hindi mo maintindihan ay kung bakit magkasama sila nung araw na yun! Pero bakit ganyan ang pagiisip mo?!" frustrated niyang tanong sakin.

"Eh kasi tignan mo naman! After nung araw na yun may kumalat ng issue! May ilan ding estudyante na nakakita sa kanila bukod sakin! At alam kong umabot yun kay Renz my loves! Pero bakit sila pa din?"

Pinanliitan ako ni Karla ng mata bago nagsalita "Alam mo ate, ewan ko sa'yo. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ni Renz yung bruhang babaeng yun, kaya kahit anong sabihin nun paniniwalaan niya. At isa pa, bakit ba sakin mo tinatanong yan? Tanungin mo dun sa may alam." nginuso niya yung nasa likuran ko bago tumayo at kinuha yung mga gamit niya. "Alis na ako. Katamad kang kasama." 'Tamo tong babaeng toh! Akala mo hindi ate yung kausap niya.' inambahan ko lang siya ng pabiro bago ko hiniga yung ulo ko sa table.

'Anong nginunguso nun sa likod ko? Baliw na ba sya? Pano naman malalaman yun nung mga tao sa likod ko?'

Pinaglaruan ko yung lata ng pepsi na ininuman kanina ni Karla ng may gumulo sa buhok ko at umupo sa katapat kong upuan na inuupuan ni Karla kanina.

"Yow! Busy ata tayo ah?" tinignan ko ng masama yung gumulo ng buhok ko, it's Nathan! At nakangisi pa siya sa harapan ko. So sya yung tinutukoy ni Karla na dapat kong tanungin. 'Bakit hindi ko naisip yun?'

"Nate, may itatanong ako." bungad ko sa kanya.

"Muhkang importante ah, ni hindi ka man lang naghi." nakangisi pa din siya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya nagseryoso siya.

'It's now or never.' bulong ko sa sarili ko.

"Anong meron kayo ni Valyn?" diretsuhan kong tanong sa kanya.

"Valyn? Valyn Reyes?" paninigurado nyang tanong. Tumango lang ako bilang sagot.

"We're friends, I guess?" cool niyang sagot. Pero di ko bibilhin yun. I know him well. Hindi niya maitatago sakin ang katotohanan.

"Ok fine! I don't know if there's something going on between us, pero I'm getting close to her for your own good. Ok?"

Naguluhan ako sa sagot niya. But I'm sure this is going to be a serious matter. Kailangan kong sabihin kay Renz ang mga nalalaman kong informations.

Daydreaming, No More (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon