"Class dismiss."
Agad akong tumayo ng marinig ko ang sinabi ng prof namin. Nakakatamad naman kasi siya maglesson. Ginugutom ako sa kanya.
Ay bakit nga ba ako nagmamadali? Ah! Kasi tatakasan ko si Nathan! Hoho! Sigurado kasing pipigilan akong kumain nun.
Dumiretso ako sa canteen para bumili ng makakain ko. At dahil hindi naman ako ganon kagutom... tentenenen! Bumili ako ng cokefloat, fries, chicken nuggets, siopao, siomai at Lemonade! Yey food!
"Php 160.00 lahat" sabi sakin ni ateng cashier.
Bago na pala ang cashier namin dito ngayon? Nung 1st year college ako hindi pa sya yung cashier ah, although tinapos ko lang yung first sem ko ng 1st year.
"Magbabayad ka ba miss?" mataray na tanong nito sakin.
Kumagat muna ako sa siopao ko bago ko hinalungkat yung bag ko habang kagat-kagat pa din yung siopao.
'Nasaan na yun?' tanong ko sa sarili ko habang nililindol ko na yung loob ng bag ko.
"Miss ano ba? May pangbayad ka ba?" tanong nya ulit na halatang naiirita na sakin.
"Wait lang po ate ah. Hehe." kinakabahan kong sagot sa kanya. Nilapag ko muna yung siopao ko at full force na hinanap yung wallet ko.
Para namang movie na nagflashback sakin yung nangyari kanina sa encounter ko kay Renz my labs.
NAHULOG YUNG WALLET KO!!!
Oo tama!!! Nahulog sya dahil sa kamamadali kong iabot kay Renz yung regalo ko! Hindi ko siguro sya nabalik ng maayos sa bag ko kaya nalaglag.
"Miss ano ba?!" nagtitimping sigaw ni ate sakin.
"Uhm... ano kasi ate..." Hala lagot! Pano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na babayadan toh? Sosyal pa man din tong school namin! May resibo sa canteen. Kaya dapat bayaran
mo talaga kasi nakarecord na yun.
"Nawawala kasi yun---" naputol yung sasabihin ko ng may pabagsak na naglapag ng Php 200.00 peso bill sa counter. Kahit si ate cashier ay nagulat din. 'Thank you Lord for this wonderful savior!'
"Keep the change." Sabi ng taong naglapag ng pera.
That voice... I know that voice. Dahan-dahan ko itong nilingon. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ang good samaritan ko.
It's Valyn.
"V-valyn!" nauutal kong tawag sa pangalan nya.
Tinignan nya lang ako side ways, ni hindi man lang sya humarap sakin. "I'm just doing what my mind tells me to do. Don't think like gusto na kita maging kaibigan or limot ko na yung ginawa mo samin ng boyfriend ko."
After nya sabihin yun ay umalis na sya agad at naiwan naman akong tulala lang habang nakatingin sa kanya na naglalakad palayo.
-----------
Tumambay muna ako sa garden ng school para magisip-isip. Mga 20 minutes din akong nanatili dun. Lagot ako nito sa prof ko. Kaya naman tumayo na ako para pumunta sa klase ko na 10 minutes na nagsimula.
Igigive up ko na ba si Renz?
Yan ang tanong na kanina pa lumalaro sa isipan ko matapos yung meet-up namin ni Valyn.
Pero ayoko! Hindi ko igigive-up si Renz! Destined kami sa isa't isa sabi ng horoscope ko! Kaya dapat magkatuluyan kami!!! Oo! Tama yan Katie! Laban lang ng laban! Fight! Fight! Fight!
Nakita ko na yung room ko kaya naman tumigil na ako sa pintuan nito. Hindi tulad ng sa highschool building, ang mga room namin dito ay hindi salamin kaya hindi mo makikita ang mga tao sa loob.
BINABASA MO ANG
Daydreaming, No More (On-Going)
Teen FictionWhat will happen now that Katie; the daydreamer, is back in reality? Will she live in happiness with Renz like how she daydreamed it? Or will she suffer more because of him? Or maybe there will be a certain someone who will save her heart from break...