Gato

1K 18 0
                                    


Ms. Mika Reyes

Good Day. We would like to inform you that the Gatorade Philippines will be having a Fun Run and Party on ****17 . This is a celebration of 50 years of Gatorade here in the Philippines. All the ambassadors are expected to be there and support our  company . We hope that we will see you that day.

                                    - Gatorade Philippines

May event pala ang Gatorade next week. Kelangan ifree yung sched namin nun. Hindi pa man sikat ang PH Volleyball isa na sila sa mga nagsponsor samin. Kaya nakakahiya kung ngayong 50th anniv nila di kami makakapunta. Nung UAAP days nga lagi kaming MIA.

" Ye nag msg si MotherF. Nag email daw yung Gato" - Vic

"Yasss. Nabasa ko na din. Next week na yun. Ayusin mo na sched mo Daks." Lagi kasi kaming di nakaka attend ni Vic pag may event ang Gatorade. Laging natatapat na may nakaschedule na pag nagsabi sila. Nakakahiya na din.

"Wow Ye kay Bruh mo pa talaga sinabi yan ah. Nakakahiya sa busy schedule mo. Ikaw tong lagi may lakad"

Nandito kami sa Condo ni Wafs. Nagpapalipas oras. Mamaya pa kasi practice namin. Kung kaming tatlo e pare parehas walang love life kami lang dapat nandito e ang lagay ako lang ang wala. So alam na, 5th wheeling ang drama ko dito.

"Wala ba kayong lakad ni J with a P not with a T?" Yan nanaman si Ling

"NAPAKA MAISSUE MO!!! J with a T ka jan. Nakakahiya kay Jeanine!!!" Hanggang ngayon di pa rin namamatay yung ship namin ni Jeron e bro lang kami nun. Wala talaga promise.

"High Blood ka agad bruh. Nagtatanong lang. Napaghahalataan tsk tsk 😄" Kung pag untugin ko kaya tong mag jows na to. Pinagtutulungan nanaman ako!

"Tska yung isang tanong Ye. Wala ka ba lakad with Jerome? Or gusto mo papuntahin mo nalang dito para di ka bitter jan!"

"WALA! Tska alam nyo namang di na kami okay nun. Oo pinipilit ayusin pero parang di na maaayos. Nakakasawa na" Yeah wala na kami ni Jerome. Nung March pa. Ewan ko ba wala na talagang tumagal na relasyon sakin. Wala pang umaabot ng 1 year!

"Malas mo talaga sa lovelife bruh. Mga gwapo nga plus medj sikat pero pag umaarangkada na career ikaw naiiwan" Totoo naman sinabi ni Kimmy. Lagi nalang akong pinagpapalit sa career HAHA! Tangina nila. Dun nalang sila sa mga career nila. Sa mga kaloveteam nila.

"Wala na akong pakealam. Naubos na. Tska tanggap ko naman na yung nangyari. Pinagpalit nila ako sa career nila. Naiintindihan ko naman. Pangarap nila yun. Sino ba ako para hadlangan yung mga pangarap nila. Twice naman nang nangyari kaya keri na. Tska pwede ba guys July na. Oo bumabalik sya pero shur naman akong ngayon lang yan. Pag busy na ulit sya iiwanan nya lang ulit ako." 4 months na kaming wala mag 5 mons na since next week August na. At next week na din yung went ng Gatorade.

"Yung event nga next week yung pag usapan natin hindi yung lovelife ko kasi wala. Wala tayong mapapala pare parehas dun"

Next week na yung event ng Gatorade. Shur maraming players yung nandun. E lahat naman ata ng team sponsor Gato e. Kaya lahat may representative.

"Wait guys. Tahimik! Si sir Mark tumatawag"

"Hello sir?

Yes po, nabasa ko na.

Tinignan ko po sched ko for next week wala naman pong tatamaan ata.

Opo, pa free nalang po yung sched ko that day. Minsan lang naman po magkaroon ng event ang Gato.

Yes sir. Thanks po. Bye"

"Lakas talaga ni Yeyerzzz may manager. Artista level!!! 😄😄😄" Yan nanaman po sila. 2 years na akong hawak ng Virtual Playground kaya 2 years na nila akong inaasar dun

"Bagong bago Vic! Tigilan nyo ko tse!"

-

"That's all for today. Matulog kayo ng maaga. Yung kakainin nyo. Alam nyo naman na lahat. Di ko na kelangan pang sabihin paulit ulit. Practice dismissed"

"Tay relak. Mainit nanaman ulo mo" puro kagaguhan si Kianna. Nakuha pang hilutin sinido ni Coach hahaha

"Tigilan mo ako Kianna. Sasama ka muna parin sa Team Dinner bukas bago kayo magdate ng Marck mo." Bumelat pa talaga si Coach bago umalis. Cool coach tho

"Basag!!!!" HAHAHAHA best teammates ever

"Di ka malakas kay Tay KKD. Wala ka kay Yeye isang paalam lang nyan..."

"AKO NANAMAN NAKITA MO KIMMANG! DI NGA DIN AKO NAKAKALUSOT NUN E!" Totoo naman. Pag sa ganyan hindi nangingialam si Coach pero kelangan laging unahin ang team. Kung may team event, practice or dinner dapat Team First ang Motto nyo. Syempre pwera pag Family yung involve. Pag magagawan ng paraan sige G.

"Aattend ba kayo lahat sa Fun Run ng Gato?" Tanong ni Tyang.

"Yung iba lang Tyang. Marami kasi samin may class. Kaya shur na kayo lang."

"Sayang naman yun. Pero study first! Haha."

Di pala lahat makakasama so probably, Ako, Vic, Kimmy, Tyang, ate Cha, Kianna, Dawn at Majoy lang ang makakapunta. Di ba nga bawal mawala ang mga ambassadors kaya dapat makita kami dun.

"Sige na guys. Basta next week nalang. Pumasok na kayo. Mag aral mabuti." Grabe sakin talaga nanggaling yun. Last year lang isa ako sa mga gahol na gahol after practice kasi in 1 hour may class na ako. Time flies so fast.

"LAKAS MAKA-ATE HAHAHAHA"

Next week maraming ganap. Looking forward for that.

-

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon