Fun Run

608 19 0
                                    

Mika

Di pa sumisikat ang araw nandito na kami ngayon sa ground ng MOA. Ngayon kasi yung Fun Run na inorganize ng Gatorade. As expected madaming tao. Marami ding players from other schools at mga players sa professional league.

"Excuse me po. Pinapatawag po lahat ng ambassadors sa back stage. Punta na po kayo now na" Gatorade staff approach us

So syempre bilang masunurin pumunta na kami. Pag pasok namin halos nandun na lahat.

"Lady Spikers is in the house!!!"

"Mga idol isang karangalan na makasama kayo" Jeron tska isa isa pa kaming kinamayan. Ang bully din talaga ni Jeron at Thomas e.

"Kinagagalak namin na kayo'y makilala" Parang siraulo si Thomas

"Uyyy yung mga Bench models nandito din pala." AT TALAGANG HINAWAKAN NI KIMMY YUNG BRASO NI JERON!!! HAHAHA

" Yun may hawak sa braso. JeKim ehem" Trip na trip talaga ni Kianna si Kimmang

"Nakakahiya naman sa Season 79 champs. Baka langgamin kami ang sweet ng ThoRon." Syempre papatalo ba ang Queen Bully? Asa naman noh HAHAHAHA

"Sasalita pa Tommy?" Sabat ni Vic ng mag sasalita ulit si Thomas

"TOMMY DAW NUXXX THOMARA OH" Si Kianna talaga ang Version 2.0 ko sa pagkabully at kalokohan. Parehas na parehas trip namin sa buhay

"Yieeee. Thomara! Thomara! Thomara!" Grabe these people. Lalakas.

"So okay na ba? Nagkamustahan na ba kayo? O kelangan nyo pa ng konting time? Grabe ha parang di mga nagkikita sa La Salle at di nagkakasabay mag training sa Razon. Miss na miss ang isat isa" Nagulat kami nung biglang nagsalita si sir Boy Bangus. Paglingon ko halos lahat sila nakatingin samin. Tumatawa pa. Nakakahiya. Para pa naman kaming mga bata kanina.

"Ay hehehehe. Sorry naman sir. Nadala lang ng bully hormones namin. Miss you Sir!" Tska ko sya bineso at hug. Close talaga kami ni sir. Sya nga yung nagsusupport sa pagfafan girl ko kay DJP e HAHAHA

"Miss you too Ye. Pero grabe di na kayo nahiya. Talagang nagbullyhan kayo sa harap ng lahat HAHAHA" Tska ko naman inikot yung paningin ko. Grabe kakahiya nga. Lahat ng ambassadors nandito na.

"So lets start na. Magkakakilala naman na kayong lahat. Di na siguro kelangan na mag"Introduce your self" tayo....... Hahatiin kayo per group....." Ininform lang kami sa mga mangyayari. Kung sino ang makakasam namin.

"Next group. Yeye, Ara, Alyssa and Denden" Bigla naman akong napatuwid ng tayo. Talagang kami yung pinagsama sama nya ah. I mean wala namang gap between us pero di din kami close. Acquaintance lang. Pero nagkakasama na kami dati sa ibang endorsements. Konting usap lang. Then wala na.

"Magsama sama na yung bawat group. And okay na. In 10mins magstart na tayo." Magkasama na kami ni Vic. Di ko alam kung kami ba o sila yung lalapit. Nakakahiya talaga.

Nagdecide kami ni Vic na kami nalang yung lalapit. Pero nakita ko na parang papalapit na din sila.

"Hmm Hi?" Nagulat ako nang si Vic pa unang nagsalita. E napakatahimik nito. SOBRANG AWKWARD!!!!

"Hello?" Pati si Alyssa di shur. Gosh yung totoo? Hahahaha ang gara sobra. Di namin pare parehas alam ang sasabihin.

"Awkward ba? HAHAHA. Ice lang yan. Chill lang. Relak relak" Di ako makapaniwala sa pinagsasasabi ko HAHAHA. Awkward din samin ni Alyssa kasi alam nyo na. Si ano. Pero wala na yun. Siguro ang kinaawkward lang ngayon yung di naman kami nagkausap about don noon. Walang naging maayos na info. Pero wala na sakin yun. Sobrang tagal na non.

"Tss coming from you Ye ah"

"De coming from you. Ikaw nagsabi Vic e. Narinig ko. Sabi mo "awk---"ARAY NAKNANG BAT KA BA NAMBABATOK?! INAANO KA BA HA!"

"Ganyan ba talaga kayo kakulit? HAHAHAHA" Tumatawa na si Alyssa. Nawala nanaman mata. Napatingin naman ako kay Dennise. Grabe nakakatakot. Di man lang mangiti

"Hehe pasensya na. Tara na" Nahiya naman ako bigla. Nakaka conscious yung tingin ni Denden. Parang bigla kong gusto makipagpalit ng group. Medyo kinakabahan ako.

Nakasama ko naman na nun sila Alyssa at Denden. Pero grabe hindi ko alam pero bigla akong naiilang kay Denden. Nahihiya akong kumilos na makikita na. What is wrong with me sht! 

-

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon