MikaNandito ako ngayon sa condo ni Tin. Nag-iipon ng energy kasi mamaya lalabas kami. You know malapit na yung tournament kaya magiging madalang nanaman yung mga late night ganaps ko kasama sila.
"Ling may tanong ako sayo" nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano ano kanina nang bigla magtanong ng seryoso si Nice
"Seryoso mo! Ano ba yun?" Hindi ako tumingin sa kanya kasi katext ko si Den. Nagtatype ako ng reply.
"Anong meron sa inyo ni Denden Lazaro?" Bigla naman akong napaupo sa tanong nya.
"Anong 'anong meron?'?" Patay malisya kong sagot
"Nako ling wag kami. Close kayo ngayon, nagkakatext tas naglunch pa kayo nung isang araw. Sobrang nakakagulantang kaya yon." Pati si Tin nakisali na. Nakwento ko kasi sa kanila yung mga bagay na yun. Pero as wala lang. Simpleng kwento lang na walang kilig or something. Basta nabanggit ko lang.
"Wala. Walang meron" simpleng sagot ko. Totoo naman eh di ba. Nagkatext lang kami
"Pero gusto mo magkaron?" Singit ni Lang. Kaibigan din sya ni Den. Tiga Ateneo kasi sya kaya close sya sa Lady Eagles.
"Ewan? Pwede? Oo? Hindi ko alam! Miski ako naguguluhan hayyy" nilapag ko na yung fone ko. Mamaya na ako magrereply kay Denden
"Bakit? Ano bang problema? Single ka, single din naman sya." Sabi ni Kimmy
"Oo single kami parehas pero hindi ko naman alam kung gay ba sya. Baka mamaya for friendship lang tong pinapakita nya sakin. Baka nag assume lang ako. Lang anong sa tingin mo?" Naguguluhan na ako!
"Abay malay ko Ye. Kung gusto mo mong malinawan pwes kausapin mo sya about dun. Hindi yung kung ano ano iniisip mo jan"
Langya nagtanong pa kasi sila about dun yan tuloy naguguluhan ako. Bigla akong nawalan ng gana hayyy
Bigla naman akong nagulat ng tumunod yung fone ko. Si Denden tumatawag. Lumayo muna ako sa kanila
"Hi" isinantabi ko muna yung iniisip ko. Di na muna mahalaga yun
"Hello, sorry di na ako nakapagreply. May ginawa kasi kami kanina" ginawa nilang magulo yung utak ko
"Ah kaya pala. Sige na baka nakakaistorbo ako." Nako hindi. Hinding hindi Dennise
"Hindi naman. Hmm may gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mo sumama lalabas kami. Kasama si Lang. Kung gusto mo lang at kung wala kang gagawin" nilakasan ko na loob kong ayain sya. Gustong gusto ko syang makita sa totoo lang
"Wala akong gagawin. Gusto ko ding sumama kaya lang hindi ba nakakahiya sa mga friends mo? Baka ano---" pinutol ko na yung sasabihin nya
"Sus wag mong intindihin yon. Walang kaso sa kanila yun. Kilala ka naman na nila at nandun si Lang di ba?" Pumayag ka na Dennise!!!
"Ah sige. What time ba? Dun nalang tayo magkita?"
"Mga 8pm daw. Sunduin nalang kita. San ka ba ngayon? Gusto mo sunduin na kita kung wala kang ginagawa. Para makilala mo na din sila, at di ka na mailang mamaya" pero ang totoo nyan gustong gusto ko na syang makasama!! Mika anyayare sayo
"Dito lang sa Condo. Sige sige. Punta ka nalang dito. Mag aayos na ako. See you. Ingat ka ha?"
"Yes po. See you" Yes yes yes!!! Kinikilig ako pucha
"Guys alis muna ako. Sunduin ko si Dennise, sama sya satin later" Paalam ko sa kanila tska hadaling nagpunta sa may pinto. Pero bago pa man ako lumabas nag bilin na ako
"Guys behave later ah. ATTTT plsss lang walang laglagan. Baka wala pa ako sa taas malaglag agad ako hahaha" syempre baka mamaya madulas sila. Kung ano ano masabi di ba.