1 week

602 17 1
                                    

Mika

May game kami ngayon against Foton. Finals Game 2. Ang daming tao. Puno ang San Juan Arena. Maingay, kanya kanyang cheer yung mga fans. Sanay na ako sa ganitong atmosphere pero di mo parin talaga maalis na magulat sa grabeng suporta na binibigay ng mga fans.

Habang nag wawarm up nagulat ako ng biglang naghiyawan ng malakas ang mga tao. Tumingin ako sa screen at nakita kong nakafocus yung camera kila Denden at Alyssa na naglalakad papunta sa seats nila. One week na ang lumipas since Gatorade event. One week na din nung huli kaming nagkita at nag usap ni Denden. After nung hinatid ko sya wala na kaming naging communication. Wala naman kaming number ng isat isa. Hindi ko rin naman naisipan na imessage sya sa social media accs nya dahil naging super busy din ako sa volleyball. Hindi rin naman sya nag message sakin kaya feeling ko wala na. Hanggang dun nalang yung connection namin.

Bago magstart yung game hinila kami ni Kimmy sa pwesto nila Den. Ayoko nga sanang sumama at nahihiya ako.

"Uyy ano ginagawa nyo dito ha? Magppsl na ba kayo?" Isa isa namin sila bineso. Naghesitate ako nung kay Denden na ako bebeso. Nahihiya ako ulit sa kanya

"Good Luck" bulong nya sakin. Napangiti naman ako dun

"Masama bang suportahan namin kayo? Sige uuwi kami. Hindi naman pala kami welcome dito" Sagot ni Alyssa kay Kim.

"Ang arte Alyssa ah" natatawang sabi ni Vic

"Thank You guys. Pero need na naming bumalik sa team. Relak lang kayo jan. Enjoy" pag papaalam ko sa kanila. Pero bago kami umalis naghuling tingin muna ako sa Denden. Tska ako tumango.

The game went well. Sobrang intense ng laban. Parehas ayaw magpatalo ng dalawang team. Medyo slow start kami nung first set kaya kami natalo. Buti nalang naging compose agad kami at nakabawi agad nung second set. Hindi mo kasi dapat dalin yung mga errors sa previous set sa new set. Kelan kalimutan agad at itama yung mga mali.

Sobrang focus ako sa game. Sinanay ko na yung sarili ko na wala akong ibang iintindihin kapag naglalaro ako kundi yung game lang. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga tao sa paligid ko. Haters man sila o fans. Yung mga fans ko alam nila yun. Sanay na sila sakin na pag game, game talaga. Pero pag katapos naman ng game dun ako bumabawi sa kanila. Kahit alam kong nanjan si Denden pilit kong inalis yun sa isip ko. Syempre iba iba naman epekto sa laro mo ng mga tao sa paligid mo.

Nanalo kami. 4 sets to 1. Grabe sobrang sarap sa pakiramdam. 1st time kong magchampion sa Club Team. Tas yung last point service ace ko pa, kaya naaalala ko nanaman na nung nagtatraining palang ako sa La Salle e hindi ako nakakaover ng service. Na kada mag seservice error ako may parusa sa mga team mates ko. Kaya tuwing nakakaservice ace ako sobrang tuwang tuwa ako. Bumabalik sakin lahat. Pero sabi ko nga #WeNotMe

After namin magcelebrate sa gitna ng court ay pinapunta muna ang lahat ng players sa dugout. Clinear muna yung court para mailagay yung mga kailangan sa awarding. Syempre hinanap ko agad sila Denden. Nakita ko silang nakatayo sa side ng papuntang dugout. Kasama nila sila Ate Buday.

Lumapit kami sa kanila at agad nila kaming kinongrats

"Congrats guys. Nice game" bati ni ate Buday tska kami bineso

"Thanks RAD!" Nag usap usap na sila at simple akong lumapit kay Denden

"Hey Congrats. Nuxxx naman dun sa last point" bati nya sakin tska ako hinug at beso. Nagulat ako dun. Champion indeed!

"Thanksss. Okay ka lang ba? Di ka pa ba naiinip?" Syempre tapos na yung game. Baka umalis na din sila. Wag naman sana.

"Hindi. Gusto naming tapusin hanggang awarding. Nandito na din naman kami e." Nag usap pa kami ng nag usap. Nandito sila sa dugout namin. Okay lang naman kila Coach lalo na sa teammates namin dahil nakasama na din nila sila. Syempre di ko hinahayaang maop o ma awkward sila.

"Heyyy, you okay? Pagod na pagod ka. Drink gato" magkatabi kami ngayon. Hindi ko alam pero matic na talagang kami yung magkatabi. Magkadikit yung mga braso at binti namin. Buti nga di nila napapansin kasi shur mahihiya ako.

"Okay lang ako. Ikaw? Naiinip ka na ba? Gutom?" Baka kasi naiinip na sya. Kanina pa kami dito. Ang tagal naman kasing simulan nung awarding.

"Okay lang ako, kami."

"Picture tayo" aya ko sa kanya. Wala lang, parang another memorable time with her.

Nagpicture na kami. Sobrang dami. Iba ibang pose. May formal, serious, wacky at candid. May mga times pa na nakasandal ako sa kanya, or sya sa akin.

"Uyyy ano yan ha. Kayo ha. May di yata kayo sinasabi samin" anak ng Kimmy Dora. Nakakahiya kay Den kasi lahat ng atensyon ng mga teammates ko na samin. Thank God lumabas yung coaching staff at Managers.

"Hoy kayo ha. Nung Gatorade event pa kayo ganyan yieeee" pati si Aly nakiasar na

"Daks ah. may nadedevelop" pati si Vic pucha

"Nako ate Den. Wag ka magpauto kay ate Ye. Niloloko ka lang nyan" Tawanan naman yung mga teammates ko

"Hoy Dudut ah. Nung last week mo pa ako sinisiraan!!!!" Langyang Kianna. Nun nya pa ako binabara sa harap ni Den. Konti nilang sisipain ko na to papunta sa Dudut nya

"Wag mo silang pansinin. Mga siraulo yan" baling ko naman kay Den. Syempre nakakahiya. Miski ako hindi ko alam kung ano ba talaga e. Kung anong meron samin. 

"Okay lang. Ikaw naman. Mukang nasasanay na nga ako eh hahahaha" sobrang ganda nya talaga. Nahahawa ako sa mga ngiti at tawa nya.

Sa wakas tapos na din ang awarding. Gutom na gutom na ako. Kahit sobrang saya namin dahil champion kami hindi parin neto matatakpan yung kalam ng sikmura namin. Last na kain namin kanina pang 2pm at light meals lang yon e anong oras na? 9pm na ata.

"Miks una na kami. Magcelebrate na kayo with the team and management" pagpapaalam ni Denden

"Sumama na kayo sa Team Dinner" aya ko sa kanila ni Ly

"Team Dinner nga e. Team! Hahahaha. Sige na alis na kami" ayaw pa pumayag

"Uyyy sumama na kayooo! COACH PWEDE BA SUMAMA SA TEAM DINNER SI ALYSSA AT DENDEN?" Buti nalang makapal muka ni Kimmy. Sya na nagtanong kila coach kung pwede sila sumama

"Oo naman. Alyssa at Dennise sumama na kayo. Tutal full support naman kayo sa team" yesss pumayag si coach. Sana lang pumayag na tong dalawa na to.

"Sige po Coach Ramil hehehe. Thanks po sa invite" hayyy salamat. Kala ko tatanggihan parin nila e.

Nandito na kami sa parking. Papunta na sa restaurant na pinareserve nila sir Uy. Syempre secret kung saan. Naalala ko may dalang kotse sila Den.

"Sa inyo na kami sasabay ni Kimmy. Baka mamaya dumeretso kayo ng uwi" syempre joke lang. Alam ko namang susunod sila kaya lang gusto ko makasama si Den sa kotse hehehe.

"Di ba kayo papagalitan at di kayo sasabay sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Den

"Hindi nagpaalam na kami. Pumayag naman. Baka daw dumeretso kayo ng uwi e hahahaha"

"Talaga bang si Coach ang may sabi non?" Nakatawang tanong sakin ni Denden

"Onga tara na." Tska ko sya hinatak na papunta sa kotse nila. Sa backseat kami naupo.

On the way sa restaurant e kasandal lang ako sa kanya. Parang ngayon ko lang naramdaman yung pagod. Mukang okay lang naman sa kanya at buti nalang din at di na pinansin ito ni Kimmy. Baka magkahiyaan nanaman kami.

All along puro kwentuhan at tawanan lang ang nangyari. Sobrang saya ko at nasa tabi ko si Den. Alam ko hindi na to normal. Hindi naman kami parehas bata para mag tanga tangahan sa kilos namin. Pero for now, kikilalanin muna namin yung isat isa. Hindi naman ako nagmamadali at sisiguraduhin ko muna tong nararamdaman ko.

-

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon