After Party

521 20 2
                                    

Denden

Nandito na kami ngayon sa Pool Club. Hindi naman ganun kadami ang tao. Sanay naman ako sa ganitong atmosphere pero hindi ako madalas. Pano ako magkakaron ng time sa ganito kung sa Med School palang ubos na yung oras ko.

Katabi ko ngayon si Mika at Alyssa. Pansin ko lang na parang ang taas ng alcohol tolerance ni Mika kasi kanina pa kami umiinom at masasabi kong nakakarami na sila pero parang wala parin siyang tama.

"Hey nakakadami ka na ata" bulong ko sa kanya. Totoo naman. Nakakadami na sya

"Okay lang ako Den. Di pa ako tinatamaan" muka ngang totoo yung sinabi ni Kianna kanina. Madalas mag night out si Mika. Sanay na sanay e.

"Tama na muna yan. Wag mong sagadin. Remember kasabay mo kami" paalala ko sa kanya. Pero sa totoo lang ayaw ko lang talaga sya uminom na. Tama na yung nainom nya.

"Yes po. Last na to" nakangiti nyang sabi tska pa nya pinatong yung ulo nya sa balikat ko saglit lang as in. Buti nalang din at busy yung mga kasama namin. Di nila kami napapansin.

Naging masaya yung  night out namin. Masaya kasama ang mga Lady Spikers. Ang kukulit nila super parang mga ALE lang. At talagang ang lakas ng trip ni Kianna.

Pauwi na kami ngayon. Hahatid kami ni Mika. Hindi na ata dito sasabay si Kianna kasi sa Dorm sila uuwi so bale kila Majoy na sya sasabay.

"Sa harap ka na umupo" sabi ni Mika habang naglalakad kami papuntang parking.

Si Alyssa naman tipsy na. Lalong kumulit at gegewang gewang na maglakad. Inaalalayan sya ngayon ni Kim, di kasi sanay uminom yan e kaya madali tamaan.

"Guysss una na kami see you nalang tomorrow sa practice." Paalam ni Mika bago kami tuluyang umandar.

Natutulog na ngayon si Aly sa likod. Tinamaan ata ng sobra.

"San ba kayo ihahatid?" Hindi nga pala alam ni Mika kung san kami nakatira

"Sa Katip kami Miks. Dun yung condo namin parehas ni Aly. Medjo malayo sa inyo, okay lang bang ihatid mo pa kami don? Okay lang naman kung magpapasundo nalang kami sa driver." Ang layo kasi kung ihahatid nya kami dun tas babalik pa sya ng Taft. E nakainom sya.

"Okay lang Den. Pupunta din kasi ako sa Condo ni Lang. Nandun yung Lings e" si Lang. Common friend namin.

"Ano gagawin mo dun? I mean----. Wala wala" di ko na tinuloy yung sasabihin ko. Ano namang pake ko kung pupunta sya dun di ba.

"Mag sleepover lang kami dun. Umiinom ata sila e"

"Edi iinom ka pa pala ulit" Walang emosyon kong sabi.

"Hindi na. Di ba sabi mo kanina tama na yung nainom ko?" Tska sya tumingin sakin.

Ngumiti nalang ako pabalik sa kanya. Wala na akong masabi. Nagstop na yung traffic light kaya inaya ko mag picture si Mika

"Hey selfie naman tayo. Remembrance lang" pinagdikit namin yung ulo namin. Ang ganda talaga ni Mika. Medyo namumula mula yung muka nya kasi nga nakainom

"Yan legit first pic natin together 😄😄" sabi ni Mika. Oonga kadalasan kasi picture lang dahil magkasama kami sa isang endorsement.

Una naming hinatid si Aly. Inaalalayan sya ni Mika kasi hindi na talaga sya makapaglakad mag isa.

"Mika pasensya ka na ah. Ikaw pa umalalay kay Ly. Eto kasing babaeng to di nagcontroll sa iinumin nya e." Dinala na namin sya sa kwarto nya. Inayos lang ng higa at minake sure na magiging komportable sya. Hindi naman ako pwede mag overnight dito dahil may pasok pa ako bukas.

On the way na kami ngayon ni Mika sa condo ko. Di naman kalayuan sa condo ni Aly kaya madali lang kami nakadating. Hinatid ako ni Mika hanggang sa unit ko. Ayoko na nga sana para makapunta na kaagad sya kila Lang which is sa kabilang building lang pero she insisted na ihatid ako sa unit ko.

"Thank You Miks ah. I hope this would not be the last time that we hang out together" inalok ko pa muna sya mag kape pero tinanggihan nya na. Di na rin sya pumasok. Talagang hinatid nya lang daw ako sa unit ko

"No Problem Den. Oo naman. We'll hangout again soon. So una na ako. Hinihintay na nila ako dun e." Paalam ni Mika tska na sya tumalikod

"Miks wait---" tawag ko sa kanya tska sya nilapitan at bineso "Good night Miks. Ingat ka" tska ako nagmamadaling pumasok sa unit ko. Nakakahiya pero pathank you ko nalang din sa kanta yun.

Bago matulog inalala ko muna yung mga nangyari simula kaninang madaling araw. Lady Spikers is now our new squad... Good night indeed.

-

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon