Dinner

589 21 0
                                    


Mika

Nasa Dinner Party na kami ngayon. Guess who's with the Lady Spikers table? Alyssa and Denden again!!! Uyyy wala akong issue dun ah, nakakagulat lang na samin talaga sila sumasama. Si Denden nakikipagkwentuhan na din. Di katulad kaning umaga na hindi makabasag pinggan.

Di ko alam kung pano nangyari pero parang medyo close na kami ni Den. Kami lagi magkatabi at kahit di kami gano nag uusap, lagi kaming tumitingin at ngumingiti sa isat isa.

"Thank you everyone, the buffet is now open" pagaannounce ng MC

"Tara?" Tanong sakin Denden. Mahina lang yun. Yung ako lang makakarinig

Tumayo na kaming lahat sa table. Hindi ko alam kung bakit parang parehas kaming may care ni Denden sa isat isa. Pati sa pagkuha ng pagkain kami yung magkatabi. Napansin ko din na tingin kami ng tingin sa plato ng isat isa.

"Hey bat sobrang konti nyang kinuha mo. Dagdagan mo pa" Napansin ko kasing ang konti ng kinuha nya. Nasa kalahati lang ata ng kakainin ko

"Ganito lang talaga ako kumain Ye" Soon dadami din ang kakainin mo

Tapos na kaming kumain lahat. Grabe the best yung mga foods nila. Lahat masarap. Busog na busog nanaman ako. 

"Ye Restroom lang ako" pagpapaalam ni Denden

"Samahan na kita------ Guys CR lang kami" at umalis na nga kami.

Habang naglalakad inaalalayan ko si Den sa likod. Medjo madilim kasi kaya in case matapilok or what so ever e masasalo ko agad sya.

"Ahhmmm--" Bigla akong napipe. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakakahiya kasi kaming dalawa lang to.

"Yan ka nanaman. Wala tayong formal na pagkakakilala kanina pero feeling ko naman friends na tayo 😊" di ba sabi ko nga sa inyo kanina nagulat nalang ako na parang close na agad kami

Nagretouch lang kami ng konti then bumalik na kami sa kanila.

"Guys gusto nyo mag After Party mamaya. Sa Pool Club nalang tayo para along the area lang." Pag aaya ni Tyang Aby. Sounds good. Kahit maaga kami nagising kanina, keri lang.

"Yun e kung wala kayong schedule bukas ng super aga. Minsan lang naman tayo lumabas so G na hahaha" ang gulo ni ate Cha ah hahaha

"Invited ba kami ni Denden jan?" Biglang tanong ni Aly. Loko lang.

"Ay hindi. Hanggang dito lang nag uusap oh" Nag effort pa talagang tumayo si Kianna para lang mang asar

"Ah ganon pala" Wait ang lamig nung boses ni Denden nakakatakot

"Ah ano joke lang yun ate Den" si kianna parang binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas e

"GOTCHA HAHAHAHA" So nabaligtad. Si kianna pa ang napagtripan HAHAHA

"Sure guys sama kami. Minsan lang naman to. At bago to, with the Lady Spikers." Sabi ni Alyssa

"Hey wala ka bang gagawin bukas? Baka mapuyat ka" bulong ko kay Denden. Kasi feeling ko di sya gano nagninight out e

"Sa hapon pa naman yung lakad namin with the Lady Eagles e. Okay lang talaga" Sabi ni Denden tska ako bingyan ng sweet smile. Palag pa ba ako?

Nagtagal pa yung Party ng mga 1hour. Nagpasalamat lang yung management chuchu tas tinapos na din.

Nasa parking kami ngayon wala palang dalang kotse yung dalawa dahil hinatid lang sila ng manager nila.

Gusto ko sanang isabay si Denden kaya lang nahihiya ako.

"Alyssa Denden kay Yeye na kayo sumabay. Walang kasabay yan. Di ba Ye?" Biglang sabi ni Tyang Aby

"A- a- ahm- OO sige. Sakin na kayo sumabay" nagulat ako sa suggestion ni Tyang. Sht.

"Di ba nakakahiya Miks?" Nahihiyang tanong ni Alyssa

"SI ATE YE NGA WALANG HIYA, TAS MAHIHIYA KAYO SA KANYA" Walanghiya yung sumigaw

"MANIHIMIK KA DUDUT AH!" Bakit sobrang lakas ng trip ni Kianna?

"Walang kaso yun Ly 😊 Tara na" Tumingin ako kay Denden. Nakita ko namang nagsmile sya sakin kaya binalik ko sa kanya to.

"ATE YEEEE. SAYO AKO SASABAY PLITHHHH!" Napakaingay talaga ni Kianna

"Bat ka ba sigaw ng sigaw ha? Nakalunok ka ba sa megaphone?"

"Dali na ate Ye. Pasok na ako." Tska to nauna nang pumasok sa passenger seat. Akala ko makakatabi ko na si Denden dun e. Hay.

Sumunod na kami kay Kianna. Umalis na kami at dun nalang sa Pool Club nagkikita kita.

"Peram fone mo Achi, patugtog tayo" tska sinaksak ni Kianna fone ko sa connector. Parehas kasi kami ng choice of music nyan e.

"Madalas ba kayo sa Pool Club?" Pag oopen ng topic ni Aly. Tinignan ko sila sa salamin at nakitang kong nakatingin sakin si Denden. Napaayos naman ako ng upo

"SI ATE YE OO SOBRANG DALAS. PARANG THRICE A WEEK NAGPAPARTY"

"Kung sipain kaya kita jan palabas ha! Bat ka ba sigaw ng sigaw!! Tska hoy grabe ka sakin. Minsan lang noh" defensive ko ata sa huling part

"Kaya pala nung isang gabi nasa Valkyrie ka with lings. Kunyari di ko nakita sa internet" loko tong si Kianna baka akalain ni Denden sobrang party girl ko

"Napakastalker mo talaga e noh" wala na akong masabi hayyy

"MAMBIBINTANG!!! ---- Wait si ate kim tumatawag" biglang tumawag si Kimmy sakin

"Yes boss kimmy. Anong maipaglilingkod namin sayo?" Si kianna na talaga ang sumagot

"Hoy Kianna bat kasama mo si Yeyerzzz? Akala ko ba ako lang?" Take note rinig naming lahat yan kasi hindi tinanggal ni Kianna sa sasak sa speaker yung fone ko

"Ikaw lang naman talaga. Wag kang mag isip ng masama" sagot ni kianna

"Hindi ko iisipin yon kung wala akong batayan. Kung di mo ako bibigyan ng dahilan" tangina ang drama

"Yan jan ka magaling! Wala kang tiwala sakin!" HAHAHAHA PURO SILA KALOKOHAN

"May tiwala ako sayo-----" pinutol ko na yung sinasabi ni Kimmang

"Tangina nyong dalawa. Hindi na kayo nahiya kila Alyssa at Denden"

"HAHAHAHAHAHA" tska tumawa na ng malakas yung dalawa. Kanina ko pa sila nakikita na nagpipigil ng tawa e.

"Uyyy bat kasama nyo sila? Lumipat na ba kayo sa ateneo ha? O sa shakey's v league na kayo maglalaro?"

"Napakalawak mo talaga mag isip. Kasama sila sa Pool Club" ako na sumagot pag si kianna e hahaba pa

"Onga pala kaya pala ako tumawag para sabihin pupunta din kami dun. Sige na babye na. See you later guys. Ingats" tska nya na binaba yung tawag.

Buong byahe napakaingay ni Kianna. Hindi ko alam kung ano talaga naisipan nya at sakin sumabay. Pero okay na din at di naging boring yung byahe namin.

-

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon