Fun Run 2

579 21 0
                                    

Mika

Naka ayos na kaming lahat. Hinihintay nalang yung hudyat na pwede ng tumakbo. Grabe ang daming tao. Ngayon palang masasabi ko ng successful yung event ng Gatorade. Nakakaproud lang.

"GET READY BECAUSE WE WILL START IN 3... 2... 1... BANG" and the people started to run. Kami ni Vic chill chill lang. Di naman kami nakikipag compete e.

Habang tumatakbok di ko maiwasang mapatingin kay Denden. Sobrang seryoso nya. Di ko pa nga sya nakikitang tumawa simula pa kanina LOL. Mula nung UAAP days hanggang ngayon muka pa rin syang masungit. Yung tipong nakakatakot kausapin kasi baka di ka pansinin? Ganun. Si Alyssa nakausap ko na kanina pero sya di pa talaga. Nakakatakot e. Baka kainin ako CHOS.

Nagulat ako nung bigla syang lumingon. Mabilis sa alas kwatrong nag iwas agad ako ng tingin. Tangna Mika nakatitig ka na pala di mo namamalayan. Nakakahiya!

-
Denden

Hanggang ngayon hindi pa rin ako komportable na kasama sila Ara. I mean di ako nag iinarte ah, syempre ang awkward kasi super.

Habang tumatakbo parang naramdaman ko na may nakatingin sakin. Paglingon ko nagulat ako ng nakatingin pala sakin si Mika na agad naman nag iwas ng tingin. Problema non?

Napansin ko na sobrang kulit nila ni Ara. Kanina palang pag pasok nila sa back stage nakuha na nya agad yung atensyon ko. The way sya magsalita, tumawa at makipagsabayan sa asaran kila Jeron nakakatawa lang.

Nasa kalahatian na kami ng bigla silang mag slow down at tumigil na. 

"Ahh ammm wait lang kukuha lang kami Gato kung gusto nyo mauna na kayo kukuha na din namin kayo tas hahabol nalang kami" kahit puro pawis na si Mika ang ganda parin nya. Parang di nahahaggard. 

"Go on guys. Hintayin namin kayo dito" sabi ni Aly tska lumapit sakin

"Uyyy di ka nagsasalita jan. Baka akalain nung dalawa e ayaw mo silang kasama"

"Grabe naman to. Later kita mo, dumadaldal na din ako." Wala naman kasi akong kaclose sa La Salle. Di katulad ni Alyssa na bestfriend si Kim Fajardo baka nakalabas na sila kahit isang beses.

"Sige basta wag ka magsusungit besh!! Hahaha"

"Alyssa Gatorade oh" Alok ni Ara sa kanya.

Tumalikod na ako kasi nanjan na sila. Ngaulat ako nang linapitan ako ni Mika

"Ammm Den Gatorade oh" Binibigay nya sakin pero di sya makatingin sakin. Problema neto? Kanina pa sya.

"Thank You Mika. Teka bat ayaw mo kong tignan? May dumi ba ako sa muka? Ha?" Tinanong ko na sya. Ayaw kasi tumingin e 😄

"Ahh. Wa-wala. Ano- ah ano lang. Hmmn-"

"Ngayon di ka na din makapagsalita? Hahaha. Di kita kakainin. Relax" Kanina di lang makatingin ngayon wagas naman makatitig at di na nagsalita. Problema talaga ni Mika? 

"Daks ano na? Tara na!!" Biglang tinawag ni Ara si Mika

"Ahhh cge Den" tas bigla nalang akong tinalikuran. YUNG TOTOO ANONG PROBLEMA NYA TALAGA?

-

Mika

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilapitan ko sya at binigyan ng Gatorade. Basta nafeel ko lang bigyan sya ng Gatorade kasi parang pagod na sya. Di nagsasalita, parang mainit ulo.

Natulala ako nung tumawa sya. Ang ganda nya sobra. Nakakahiya at napatulala ako kung di pa ako tawagin ni Vic e di ako makakakibo.

Tapos na yung Fun Run. Eto kami ngayon nagbebreakfast na sagot din ng Gatorade PH. Nasa iisang table lang kami ng Lady Spikers + Alyssa and Denden. Gulat kayo noh. Si Tyang Aby kasi inaya sila na makijoin samin, good thing pumayag naman sila. Katabi ko ngayon si Denden, y? Nagulat nalang ako sakin sila tumabi ni Alyssa. Ako-Denden-Alyssa-Ara yan ang pwesto namin.

"Guys tara na kuha na tayong foods" Aya ni Tyang Aby

Nagsitayuan naman kaming lahat. Nahuli pa nga kami ni Denden dahil hindi namin alam kung sino unang lalabas (Round shape kasi yung table)

"Sige Den una ka na" sabi ko tska sya inalalayan sa likod. Sa may Vertebral Column nya ako nakahawak. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun basta feel ko lang. Hindi naman sya nag protest so walang kaso sa kanya. Ngitian pa nga ako e.

Nandito na kami sa parking. Pauwi na. Time na magpahinga dahil may Party pa ulit mamaya. Dinner. Nagpapaalaman na kami at nagulat ako ng bineso ako ni Denden. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagulat ako, hindi ko ineexpect.

"Bye Guysssss. Bye Ara, Bye Mika. See you later" Habang sinasabi nya yung see you later na yun sakin lang sya nakatingin. Hindi ko alam pero sht kinikilig ako kahit di naman ako shur kung para sakin ba talaga.

-
Happy Holidays 😄

Make It Possible Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon