Kabanata 7

177 6 0
                                    

KABANATA 7 — Reyna Rosetta Firma


I lost interest in working out after the conversation I had with Lev Matteo. Pagpasok sa kwarto ay binato ko sa mesa ng vanity ang litratong hawak ko. I stared at it for a moment and rolled my eyes after.

Sa sandalan naman ng upuan ay sinampay ko ang jacket ni Soc. I would include this to my laundry later and ask the helper to wash it immediately so I could return it by tomorrow. Nakakahiya naman doon sa tao dahil kinailangan pa niyang ipahiram sa akin ito.

Dumiretso ako sa banyo upang paanurin sa tubig ang iritasyong nararamdaman ko. After I confronted Lev, I was filled with negativity again. I had to wash everything away because I didn't want to be in a bad mood the whole day. Nagtagal tuloy ako sa banyo dahil doon. Instead of just showering, I indulged myself in a long bubble bath. It made me relax and forget for a while.

I went out fresh and feeling good. Since it's a weekday, Lavina and the boys might be going to school. Sasabay lang ako sa kanila sa almusal at saka ko na lang iisipin ang gagawin ko sa buong araw.


Obviously, I couldn't avoid Lev in this big mansion. Malaki man ito, magkakasalubong at magkakasalubong pa rin kami. Especially that our rooms were just right across each other. Ngunit dahil sa pangako ko sa kaniyang magiging hangin lang akong dumadaan sa paligid niya, iiwasan ko pa rin siya. Hanggang kaya ko ay gagawin ko.

When I was done dressing up, I looked back at the vanity table and found out that the polaroid wasn't there anymore. Hinanap ko iyon at inisip kung kinuha ko pa ba iyon bago ako pumasok sa banyo. Soc's jacket was still there but the polaroid was gone. Wala naman akong maalalang dinampot ulit iyon o tinapon.

Habang iniisip kung nasaan na iyon ay may kumatok sa aking pinto nang tatlong beses at tumambad doon si Ate Kring pagbukas nito. "Veign, handa na ang almusal. Kumain ka na," aniya.

"Okay po," sagot ko. Napansin ko ang hawak niyang walis at daspan. "Uh, ate, pumasok na po ba kayo rito kanina?" simple kong tanong.

"Oo. Narinig kong naliligo ka pa kaya hindi na kita tinawag. Sinimulan ko nang linisin ang kwarto mo kanina. Nakalimutan ko lang itong daspan sa labas," aniya.

Tumango ako. Kung ganoon ay naitapon na ni Ate Kring ang litrato. Ngumuso ako at tiningnang muli ang pinag-iwanan ko niyon kanina. The right place where it should be was in the trash. Bakit ba nakakaramdam pa ako ng pagsisisi?

Nagpatuloy sa paglilinis si Ate Kring kahit na wala naman ni katiting na alikabok sa aking kwarto. I asked her to wash Soc's jacket for me. Matapos magpasalamat ay lumabas na ako mula sa kwarto at bumaba. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan nang natanaw kong lumabas din si Lev sa kaniyang kwarto. Nakabihis na siya ng pang-alis at handa nang pumasok sa trabaho.

I acted casual and continued going down the stairs.

Naramdaman ko siya sa likod ko at pasalamat na lang dahil hindi niya ako kinausap. Nakarating kami sa hapag kainan nang payapa.

Ngunit laking gulat ko nang wala naman akong nadatnang doon tao. I was expecting dad and Tita Monica but they weren't here yet.

"Where are they?" tanong kong dapat ay sa sarili ko lang ngunit sinagot ito ni Lev.

"Tito and tita left for the hospital while you were taking a bath. Hindi ka na nila inistorbo dahil sinabi kong baka magpapahinga ka pa mula sa workout. Lavina went to school early because she had to prepare for her early class. Froilan and Rio are still asleep. They don't have school today because the faculty and staff would be having a seminar for three days," he answered with a lengthy explanation.

Roses And Despair (Riogordo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon