Kabanata 2

185 5 0
                                    

KABANATA 2 — Wounded


"Froilan," isang matigas na boses ang tumawag sa batang kalong ko.

The hair on my neck stood up after hearing the voice which was just right behind me. Froilan looked over my shoulder.

"Kuya!" ngumisi si Froilan. I saw a small dimple on the side of his lips when he grinned at his brother.

Nagpumiglas siya nang kaunti upang makababa. Binitiwan ko siya at nilapag sa sahig.

Matipid na ngumiti si Lev sa maliit na kapatid habang yumuyuko rito. Kinausap niya ito nang magkalebel na sila.

"Bakit naman nagkabuhat ka pa kay Miss Viviana?" tanong ni Lev dito.

Ngumiwi ako at kinagat ang labi. The way he uttered my name was very different from how I heard it when we first met.

"It's okay, Lev. Gusto raw niyang makita si Tatay Rene," ako na ang sumagot para kay Froilan. Nanatili lang kasi itong nakanguso sa harap ni Lev. Sa tingin siguro niya ay pinapagalitan siya ng kaniyang kuya.

"Opo, kuya. Gusto ko makita si tatay. Kasi hindi ko pa ulit siya nakikita, e," inosenteng utas ng bata.

Lev tapped his head and didn't respond to him anymore. Tumayo siya nang tuwid. Sinundan ko ang kaniyang mukha hanggang sa medyo nakatingala na ako sa kaniya.

"Thanks for letting him see our father," he told me in an unusual tone. He sounded indifferent. Parang hindi kami nagkakilala noon.

Tumango ako at tiningan si Froilan. Maging si Lev ay tumungo ulit dito.

"Kilala mo ba siya, Froilan?" maamong tanong ni Lev sa kapatid.

Saglit akong napayuko dahil sa pagbabagong iyon sa kaniyang tono. Why did he sound so sweet to his brother but serious when it came to me? Dahil ba hindi pa kami gaanong magkakilala?

Umiling si Froilan.

I bent in front of him to reach his face and then offered him my hand. "Nakalimutan kong magpakilala sa'yo, Froilan," I beamed. "I'm your Ate Veign," I introduced myself to him.

Tumungo siya sa kamay ko at inabot iyon. Hindi nga siguro niya alam ang ibig sabihin ng pakikipagkamay ko sa kaniya dahil bakas ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

"Ate Veign..." paglalaro ng kaniyang bibig sa aking pangalan. "Bakit po Viviana ang tawag sa inyo ni kuya?" inosenteng tanong niya.

Ngumisi ako. "Viviana is my real name. Veign is my nickname," pahayag ko. "Pwede mo akong tawagin sa kahit anong pangalan ko, Froilan. Pero 'di ba, mas madali bigkasin ang Veign?" I raised my brows at him.

Ngumiti siya at tumango.

"Froilan," muling tawag ni Lev dito.

Napatayo tuloy ako nang tuwid dahil na naman sa seryoso at matigas niyang boses.

"Sa susunod, ako o si Ate Lavina ang tawagin mo kapag gusto mong makita si tatay," aniya.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya at sa pag-iwas kong iyon ay sa babaeng kaibigan ni Lev bumagsak ang tingin ko.

Tumabi ito kay Lev at inakbayan naman niya ito. "O kaya, kay Ate France," ani Lev sa malamyos na tono. Tumingin siya sa babae at binigyan ito nang matamis na ngiti. Sinuklian naman ito ng babaeng France daw ang pangalan.

Pinagsalikp ko ang aking mga kamay sa harapan ko. I felt like my lip was already bruised from biting it again and again. Pero ito talaga ang madalas kong gawin kapag kinakabahan o naiilang ako.

Roses And Despair (Riogordo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon