Chapter 1

1.1K 32 0
                                    

Yuri POV


Sabi nila ang highschool life ang isa sa pinakamasaya at hindi mo malilimutang na mangyayari sa pagkadalaga o pagkabinata mo pero nung highschool ako may isang pangyayari na nakapagpabago sa buong buhay ko


"Hello"

"Myghad! Yuri finally sinagot mo din" iritang sabi niya mula sa kabilang linya

"Janella, napatawag ka?" tanong ko bago umupo sa dulo ng kama ko

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ngayon mo lang sinagot"

"Pasensya na, I clean my room a while ago kaya hindi ko nasagot yung mga tawag nyo" pagdadahilan ko

"Anyways, Ellisha insist na bumili ng mga kulang na gamit para bukas, sasama ka?" agad akong napangiti sa narinig ko

"YES" mabilis na sagot ko

"Hindi naman halatang excited ka, well susunduin ka nalang naming since ayaw mag-commute ni Lyza"

"Okay, I will wait" masaya kong ibinaba ang tawag

Mukang makabibili na naman ako ng bagong libro, sasamahan ko nalang sila since kumpleto na rin naman mga needs ko for tomorrow.


Yuri Garcia, 18 years old and currently grade 12 senior high school student under ABM (Accountancy, Business and Management) strand in Dream High Academy, shala biglaan introduction share ko lang para may alam naman kayo sa buhay ko

Only child ang ate girl ninyo pero hindi spoiled brat dahil laging out of nowhere ang mga parents ko kaya lagi akong mag-isa sa bahay, they're busy on our managing family business pero tutuusin sabihan na ninyo ako walang kwenta anak pero di ko alam kung anong business namin (hoy alam ko iniisip nyo pero alam ko legal ang business naming uyy)


Medyo kinakabahan nga ako today dahil nalipat kami sa higher section dahil sa naging resulta nung grades namin last year, kagaya ng sinabi ko kanina sa Dream High Academy ako nag-aaral hindi ordinary ang academy iyon dahil sikat ang academy sa kanilang Campus Title

Ang Campus Title ay isang titulo kung saan kinikilala ng lahat sa loob o labas man nang academy ang mga holder nito. Ang mga Holder ay mga students na mapapalad na pinipili ng academy para maging model, influencer at image ng academy, sa ngayon tahimik pa rin ang academy tungkol sa mga bagong holder nito pero bali balita kung sino sino sila kaya may mga kinikilala silang holder ngayon nabasa daw nila tinatagong files sa library.

Tatlo sa mga hinihinalang holder ng Campus Title ay nasa higher section ng Grade 12 ABM dahil ang academy na ito ay hindi lang kilala sa campus title karamihan ng mga nag-aaral dito ay mga anak ng mga malalaking company sa bansa o sa larangan ng business inshort mga taga-mana kaya mas priority nila ang mga business related track and course, kaya medyo may kaba akong nararamdaman but wapakels naman sa kanila basta wag lang nila akong pakiilaman


Nung marinig ko ang busina mula sa labas ay agad kong kinuha yung bag ko na hinanda ko kanina habang kinukwentuhan ko kayo, multi-tasking ba hehe

"Hi mga bebs" bati ko bago ako pumasok sa loob at pabagsak na sinara yung pinto ng sasakyan

"Sinasabi ko sayo, Yuri kapag nasira talaga itong sasakyan ko susunugin ko lahat ng libro mo" galit ni Lyza

"Hehe pasensya na, love you Lyz" ngiti sabi ko pero inirapan lang niya ako at nagmaneho na

"Bakit ba kase lagi mong binabagsak yung mga pinto ng kotse naming" tanong ni Ellisha

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon