Chapter 7

571 19 0
                                    

Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko ni Nathan at iniharap nya ang muka ko sa kanya


"Shhh, wag ka nang umiyak, sorry" sabi nya habang pinupunasan ang luha ko na patuloy pa rin sa pagbagsak

"Sorry k-kasalanan ko k-kung bakit g-ganito" inilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko

"Yuri, breath please, breath for me" sinabayan nya ako mag-inhale exhale hanggang sa mabawi ko yung hangin na kanina unti unti nawawala sa dibdib ko

"Totoo naman yung sinabi nya, bigla bigla nalang ako pumasok sa buhay ninyo at inagaw ko ang lahat sa kanya, kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay, kasalanan ko kung bakit nawala yung title nya sa kanya, kasalan ko kung bakit ang gulo gulo ng lahat" naramdaman ko naman ang pagyakap nya kaya hindi na ako nagdalawang isip na yumakap pabalik dahil pakiramdam ko anytime babagsak ako, nanlalambot ang mga binti ko

"Wala kang kasalanan, wala kang inagaw dahil simula sa una palang sayo na ako, kaya nga nangyari yung engagement dahil mas una kita nakilala kaysa sa kanya" rinig kong sabi nya naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap nya sa bewang ko "Ako ang may kasalanan kung bakit nagmukang ganun, kaya sana mapatawad mo ako, kung sumunod lang ako wala sanang masasaktan ngayon, kaya please tahan ka na" tumango tango ako habang nasa balikat nya


Safe
I feel safe in his arms




Nathan POV


Nung mapansin ko na, unti unti na siya kumalma at tumigil sa pag-iyak dahan dahan ako humiwalay sa kanya bago siya tignan, bakas sa mata niya at namumula ang ilong niya sa pag-iyak.


cute


"Ayos ka na ba? anong nararamdaman mo?" tanong ko

"Nagugutom na ko" nakanguso sagot nya

Napangiti naman ako at agad na kinuha ang isang kamay nya para bumalik sa cafeteria


Nung makabalik ako naabutan ko sila kumakain kasama sila James at Kate pati ang mga barkada nito, pinadikit dikit nito ang lamesa para magkasya sila, nung mapansin nil ana dumating na kami tumingin muna sila samin bago sa kamay naming magkahawak

"Ohh bat ganyan kayo makatingin?" tanong ko

"Wala" sagot nila bago bumalik sa pagkain

Umupo kami sa blankong pwesto at kaagad naman nag-abot ng pagkain si Andrew mukang sila ang bumili ng makakain namin, tahimik lang ang lahat kumain hanggang matapos kami


"Nathan, wala ka bang balak ipakilala yang girlfriend mo?" rinig kong sabi ni Jayson

Tumingin muna ako kay Yuri at ngumiti naman siya, kaya humarap ulit ako sa kanila baka kase ayaw nya makilala kaya nagtanong muna ako

"Meron naman sorry na, Yuri mga barkada ko simula pagkabata si James, Kate, Joshua, Jayson at si Jessica teka nasan si Abie?" tanong ko nung mapansin kong kulang sila

Madalang ko sila makasama o makita dahil mas matanda ako ng isang taon sa kanila but like what I said magkakasama na kami bata palang bago ko pa makilala si Cheska at yung tatlo halos yung iba sa kanila ngayon ko nalang ulit nakita dahil mas lalo ko silang hindi nakita nung ma-aksidente si Kate

"Wala pre nagkasakit, by the way hi Yuri" sagot ni Joshua, kapatid ni Abie

"Hello" balik na bati ni Yuri

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon