Prologue

1.1K 31 3
                                    

"Bakit nga po pala kayo magkasama?" tanong ko sa mga magulang naming

"Hindi pa ba, obvious?" tanong ni Mama

"Ang alin po?" tanong naman ni Nathan

"Anak, di ba I tell you kanina na ma-meet mo fiancé mo" sabi nung mom ni Nathan

"Yeah and?"

"Nathan, your fiancé is this girl that you introduce us, as your girlfriend" masayang sagot nung dad nya

"WHAT?" 

Nagkatinginan kami dalawa ni Nathan sa gulat at halos matulala na samantala sila masaya rinig na rinig ko pa ang malakas na tawa nung Andrew na halatang alam na kung anong nangyayari


Halos hindi na kami gumalaw sa kinatatayuan namin namalayan ko nalang na hinila kami nung Andrew palabas ng resturant nila

"Nakakatawa mga reaction ninyo pero kayong dalawa, ano bang pumasok sa utak ninyo para magpanggap na kayong dalawa sa harap nila?" tanong nya habang natatawa pa rin

"Hindi ko alam sa isang ito" inis na duro ko sa katabi ko

"Wrong move na ipinakilala pa kita sa parents ko para lang hindi matuloy yung engagement"

"Wrong move talaga, katangahan talaga" hayst sigurado dahil sa ginawa namin mas lalo silang gaganahan ituloy ito

"Ano? anong sabi mo?" reklamo nya

"Ang sabi ko ang tanga mo nga talaga dahil ang lakas ng loob mo para sabihin sa magulang mo at magulang ko na girlfriend mo ko lalo tuloy nila gugustuhin ikasal tayo" inis na sabi ko sa kanya

"BAKIT ALAM KO BA NA IKAW PALA YUNG FIANCE KO?"

"BAKIT KA NANINIGAW?" sigaw ko pabalik

"Sorry pero hindi ko rin ini-eexpect na magiging ganito" mahinahon na sabi nya

"Wag na kayo mag-away dahil pareho naman kayo may kasalanan kaya nangyayari ito, ang gawin nyo nalang panindigan ninyo lahat ito" seryoso sabi ni Andrew

"pero ayoko, sigurado ako pag-uusapan ito sa academy kakahiwalay ninyo palang nung girlfriend mo tapos ngayon sasabihin mo nalang bigla sa kanila na girlfriend at fiancé mo ako, magugulo ang tahimik kong buhay kapag pinanindigan natin ito" naiiyak na sabi ko sa kanya

Totoo naman, natatakot ako dahil sigurado mag-iiba ang tingin sa akin ng mga tao
Ayoko maging laman ng mga usapan nila

"Oo alam ko naman pero tama si Andrew kahit itago natin ito lalabas at lalabas pa rin ito dahil sa impluwensiya ng mga pamilya natin, kaya panindigan nalang natin ito magpanggap tayo na may tayo" sabi niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko

"pero paano kung saktan o masaktan ako, hindi ko kakayanin" mahina ang puso ko para doon

"Alam ko, hindi naman kita hahayaan masaktan, magtiwala ka lang" pilit na ngiti sabi niya

Tama hindi rin naman niya ginusto ito at isa pa alam kong mahal nya pa rin ang ex nya dahil halos kanina lang sila naghiwalay, hindi naman ako mahuhulog sa kanya di ba?

"Maasahan ninyo ako, mga lods, tutulungan ko kayo" nakangiti sabi ni Andrew

"Okay, let's pretend" 

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon