Chapter 2

798 30 0
                                    

Nathan POV


"Bakit ngayon mo lang kase naisipan bumili ng gamit?" iritang tanong nya

"I'm always busy" totoo naman dahil sa pressure na nakaatang sa akin puro sa academic, pagtulong sa company at academy nalang ang parating ginagawa ko

"Alam ko naman yon, babe but minsan be responsible halos nakalimutan mo na may pasok na bukas kung hindi ko pa pinaalala baka pumasok kang walang gamit" Cheska being herself again minsan mapapa-isip ka nalang kung girlfriend mo ba siya? O nanay mo

"Sorry, mom" agad naman nakatanggap ako ng hampas


"Anyways, let's go in your house after this please"

"Cheska, alam mo naman na gusto gusto ko di ba? pero hindi pa ito ang tamang oras para ipakilala ka sa kanila" kung tutuusin kilala na siya ng pamilya ko at ayaw nila sa kanya dahil may inilaan na daw sila babae na mas dapat kong mapangasawa

Yeah, I'm engaged to unknown woman

Sabi nila anak daw ng kaibigan nila at ako daw mismo ang nagsabi sa kanila na papakasalan ko ang anak nung kaibigan nila na hindi ko na maalala, hindi ko lang lubos maisip na talagang papatulan nila ang sabi ng isang bata tulad ko noon

Mahal ko si Cheska, we are childhood friends sabay kaming lumaki nag-aaral sa Dream High Academy kaya nung tumungtong kami ng junior high school hindi na rin nagulat ang iba na naging kami dahil palagi nila kami nakikita magkasama hanggang ngayon wala pa rin akong solusyon sa problema ito


"Palaging mong sinasabi yan, sabihin mo nga ang totoo sa akin, Nathan ikinahihiya mo ba ako" agad kong natapakan ang preno sa sinabi nya

"Babe, hindi sadyang kailangan ko lang ng pagkakataon para –"

"Tama na, wag na natin pag-usapan pa sigurado mauuwi lang sa away ito" pagputol niya sakin

Wala akong nagawa kundi huminga ng malalim at ipagpatuloy ang pagmamaneho

Ayoko bigyan siya ng assurance dahil kahit ako wala akong tiwala sa sarili ko at sa kayang gawin ng mga magulang ko ayaw ko lang naman siya mas masaktan

Hanggang makarating kami mall tahimik lang siya, kaya ako na ang kumuha ng mga kailangan ko

"Tama ba parang hindi naman it—" nagulat nung may nakabunggo ako tao kaya nabitawan ko agad yung basket na hawak ko


Sh*t!


Akala ko magtutuloy tuloy lang siya na parang walang nabangga kaya nagulat ako nung tinulungan niya ako damputin ang lahat ng nahulog mula sa basket

"Hala, sorry" rinig kong sabi niya

"Sorry talaga, pasensya na" nahihiyang sabi niya

"Okay ka lang ba? miss pasensya na rin, hindi rin kase ako nakatingin sa daan" mahinahon sabi ko habang patuloy na nakatingin lang sa basket na dala ko

Hindi ko alam pero hindi ko magawang tignan siya, ayaw umangat nung ulo ko


"Babe, nakuha mo na ba?" agad akong napalingon sa likod ko

"Thank you" pabulong na sabi nung babaeng nabangga ko bago lumagpas sa amin


Baby.
Amoy baby siya


"Hey, you, okay?" tanong ni Cheska kaya tumango nalang ako bilang sagot

Sinubukan kong sumulyap sa paligid pero mukang nakaalis na siya dahil kami nalang dalawa ni Cheska ang nandito

"Wait for me, outside bayaran ko lang muna ito" pagpapaalam ko bago dumiretso sa counter


"Sir, napasama po" abot niya sa akin ng notebook

"Huh?" agad kong tinignan ang notebook na hawak ko kulay brown ang cover nito at may mga nakasulat at nakadikit na sticky note, may listahan rin ng mga gamit sa likod

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at inangkin ko yung notebook at iniuwi ito sa bahay
Siguro dahil interesado rin ako sa laman


Ewan

 
After kong ihatid si Cheska, tinawagan at pinapunta ko yung mga kaibigan sa bahay


"Mukang di maganda araw mo" sabi ni Harold bago tumingin sakin

"Hindi ko alam napakaraming nangyari ngayong araw"

"What do you mean?" tanong ni Ian

"si Cheska nag-away na naman kayo?" natatawang tanong ni Gilbert

"Palagi naman" tanging sagot ko bago uminom

"Ayon pa rin ba ang pinag-aawayan nyo?" tanong ni Harold

"Yeah, always" maikling sagot ko

"Habaan mo nalang pasensya mo, normal lang na maramdaman ni Cheska yung ganun pre, kahit naman sino nasa position nya" sabi ni Ian

"Hindi naming sinasabi kasalanan mo pre, naiintindihan ka rin naman namin kaya lang habang maaga pa suggest ko lang na i-open mo na sa kanya ang tungkol sa engaged mo bago pa nya malaman sa iba" seryoso sabi ni Gilbert

"Dahil mas siguradong masakit para sa kanya pag ganun ang nangyari" dagdag ni Harold

"Ano pa yung ibang nangyari?" tanong ni Ian

"Kanina bumili kami academic needs and aksidente na may nakabunggo akong babae"

"Nakabunggo?"

"Yeah, hindi ko alam pero hindi ko nakita yung muka nya, I mean hindi ko nagawang tumingin sa kanya" weird feel

"Baka naman na-intimated ka, maganda ba?" masayang tanong nya

"Bobo naman pre, hindi nga daw niya nakita dahil hindi niya man lang tinignan sa tingin mo alam nya" pailing iling na sabi ni Ian

"tapos may nangyari pa ba?" tanong ni Harold

"May nakuha ako notebook na may sulat sa store" na hanggang ngayon hindi ko pa rin binabasa

"Notebook? anong laman?"

"Hindi ko pa alam" nasa kwarto ko yung notebook

"Wag ka masyado papa-stress pre, mag-start palang klase bukas sigurado may mga mangyayari sayo na hindi mo inaasahan" paalala ni Ian



After kung mag-shower kinuha ko yung notebook na binigay sa akin ng cashier kanina at isa isa binasa ang laman ng bawat pahina pero nung makarating ako sa gitnang pahina nakaramdam ako ng sobrang sakit na pakiramdam, bakit?


Hindi ko man lang namalayan tumutulo na ang luha ko
Kaya agad kong sinara yung notebook at tinago sa cabinet kung saan ko nilalagay ang lahat ng mahalagang gamit ko


Kung sino man ang may ari nung notebook isa lang ang masasabi ko, selfless

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon