Chapter 8

529 21 0
                                    

"Akala ko exempted na yung araw na ito, may klase pa rin pala" rinig kong reklamo ni Andew sa likod


After kase nung event pinabalik kaming lahat sa kanya kanya naming room para ituloy ang klase mawawalan daw kase kami ng klase next week kaya para hindi mahuli ang academy sa pagtuturo, ituturo na rind aw nila yung mga dapat ituro next week

Kaya pagkaupo na pagkaupo naming sumabak agad kami sa dalawa dalawang lesson, kaya puro reklamo ng karamihan ang maririnig mo sa paligid ultimo instructor namin, kaya sobrang haba ng klase


"Okay, let's end this lesson, hope you will memorize every given I example"

"Pakiramdam ko naubos lahat ng brain cells sa utak ko" rinig kong sabi ni Janella

"May brain ka?" gulat na sabi ni Gilbert na ikinatawa ng lahat bago isa isa nagsilabas

Masama ang tingin na ipinukol ni Janella dito bago nagsalita "Nakakatawa yon?" grabe close na agad sila para mag-asaran ng ganyan

Samantala ako kapag kasama ko si Nathan na kaming dalawa lang ilang na ilang ako, to the point na minsan tinatakasan ko nalang siya


"Hello, mom" natahimik kaming lahat nung mapansin namin may kausap si Nathan sa cellphone nya

"Ngayon?" sabi nito bago tumingin sakin

"Okay, I will bring her home" sagot nya at tumingin naman sa gilid kaya pati ako napatingin doon si Cheska hindi pa pala siya naalis nakatingin rin ito kay Nathan

Nalipat ang atensyon ko mula kay Cheska kay Nathan ng inaabot nya yung phone nya sakin
Gusto yata ni Tita ako makausap ako, kaya agad kong kinuha ito


"Hello, tita?"

"Yuri nak, available ka ba after ng class ninyo, gusto ko sana makasama ka namin mamaya sa dinner kung ayos lang nak, naipagpaalam ko naman na sa mama mo ang tungkol dito" kaya pala nag-text si Mama kanina


Goodluck nak, enjoy kahit sa kanila ka muna matulog, just inform me


"Opo, okay lang po" sagot ko

"Salamat sa pagpayag, hihintayin ko kayo" agad kong ibinalik kay Nathan ang cellphone nya
Nagpaalam muna siya bago nag-aya sa cafeteria

"Grabe yung mga lesson ngayon ang hirap i-adapt ng utak ko" reklamo ni Andrew

"Legit na maghihirap ka muna bago mo maramdaman ang ginhawa" dadag ni Ian

"Bakit ka nga pala nandito?" agad naman ako napatingin kay Nathan nakatingin ito kay Andrew

"Wala sila James, may ginagawa yung section nila, atsaka busy rin ako kaya maganda na wag muna magpakita sa kanila" sagot naman nito

"Busy saan?" tanong ulit ni Nathan

"Mukang hindi pa nasasabi sayo, pero since nag-invite si tita ng dinner kasama si Yuri hahayaan kong siya magsabi" sabi nito bago kumindat


Halos hapon na kami pina-uwi nung instructor kaya after ng klase, umuwi na agad sa amin kasama si Nathan, syempre kailangan ko magpalit ng magmukang tao naman ako nakakahiya naman kung naka-uniform ako, akala ko nga hindi papayag si Nathan pero sabi niya gawin ko lang daw yung gusto ko


"Ayos lang ba itsura ko?" tanong ko kay Nathan, sumulyap naman siya pero agad na ibinalik ang atensyon sa daan

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon