Chapter 4

693 28 1
                                    

Yuri POV


"Tara, sumama ka" aya nya

"Teka, teka ayoko wala akong pakiilam kung anong pag-uusapan nyo, kaya pwede ba wag mo akong idamay" inis na sabi ko


Grabe gusto pa yata nila maging thirdwheel ako
Napakasasama purkit single ako


"Kung hindi kita isasama, paano ko siya makakausap?" tanong nya sabay taas sa kamay naming naka-posas

"Maliban nalang kung may solusyon ka para matanggal ito" bakit ba naman kase nangyayari ang mga ito napakamalas kanina pa

"Wala di ba kaya sumama ka" nagulat ako ng bigla nya hinila

Shems ang sakit!

"Oww sorry, tara na" dahan dahan siya lumakad yata nagsimula na rin ako maglakad hanggang makarating kami sa isang room, blankong kwarto yata

Kumuha si Nathan ng upuan at nagsenyas na umupo ako and since pagod na rin ako umupo nalang ako habang sila dalawa ay nakatayo nasa gilid ko si Nathan habang kaharap nya naman yung Cheska


"Ano ba yung sasabihin mong importante?" tanong ni Cheska sa kanya

Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana
Nakakailang kung nakikinig na ako at nakatingin pa sa kanila nagmuka naman akong chismosa

"I'm sorry" malungkot na sabi ni Nathan dahilan para mapatingin ako sa kanila

"Huh? para saan?" takang tanong ni Cheska

"Let's break" malungkot na sabi ni Nathan

Teka what? Break?
Nalaman ko kila Janella na sila ang Campus Couple, bakit sila maghihiwalay?

Base sa kwento nila perfect relationship daw ang dalawa ito
Ano ito?


"break? pero bakit?" bakas sa muka ni Cheska ang takot

"Dahil kailangan" sagot ni Nathan

Ang awkward pala nang ganitong sitwasyon kapag real life na

"May nagawa ba akong mali? wag naman ganito" nagsimula ng umiyak si Cheska sa harap naming kaya napa-iwas na ako

Ayoko makakita ng babae umiiyak ng dahil sa lalaki sa harap ko na parang nagmamakaawa dahil masakit maka-saki ng ganun bilang babae rin

"Wala, wala kang nagawa mali, sadyang kailangan lang dahil mas makakabuti ito para sayo at para sa akin" nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Nathan pero agad na pinunasan nya yon at hinawakan ang kamay ko sabay kami lumabas ng room

"May pakiusap sana ako, pwede ba na sa atin nalang kung ano yung mga nakita at narinig mo kanina?" rinig kong tanong nya habang naglalakad kami palabas

Tumango nalang ako bilang sagot parang nakakailang kase magsalita


Nung nasa labas na kami ng academy, nagulat ako ng may biglang kotse na huminto sa harap namin at binuksan ni Nathan yung pinto nito

"Pasok" aya nya

"Teka pasok? bakit saan tayo pupunta?" takang tanong ko

"Di ba nabanggit ko kanina may lakad ako"

"May lakad rin ako" inis na sabi ko

"Importante ang lakad ko" at sa tingin nya yung akin hindi

"Importante rin ang lakad ko" reklamo ko sa kanya

The Fake RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon